Chapter 3
Sweet**
Sa ikatlong araw ng training ko, pinakiusapan ako ni Isay na pumasok sa office ni Paul dahil kailangan daw nito ng tulong sa pag-aayos ng mga dokumentong hindi ko alam kung para saan. Si Isay sana ang tutulong sa kanya pero may ginagawa pa kasi siya na kailangan niyang tapusin bago siya umalis ng kompanya.
Pumayag na lang ako sa pakiusap niya dahil kailangan ko rin namang masanay sa mga gawaing ipinapagawa ni Paul. Hindi ko rin naman talaga siya pwedeng iwasan lalo na dahil magkasama kami sa iisang trabaho. And worst, he’s my boss.
I knocked on the door first and waited for Paul to let me come in. Nang marinig kong pinapapasok na niya ako ay pinihit ko ang pinto. Pagpasok ko ay nakita ko si Paul na nakaupo sa long table na nasa kaliwa. Sa ibabaw ng mesa ay ang napakaraming dokumento. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang maisara ko ang pinto.
“Oh. Hey, Irene. Can you help me with these?” he asked while looking at the papers.
Lumapit ako sa kanya saka piniling tingnan na lang ang ginagawa niya kaysa sa kanya. Kahit na gusto ko siyang tingnan buong maghapon, hindi naman pwede. This is work. I need to be professional.
“Sure, Sir.”
Mahina siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin na siya sa akin ngayon habang napapailing. Napakunot-noo ako.
“You know, you don’t have to call me ‘Sir’ when we’re alone. Just call me by my name. Para namang wala tayong pinagsamahan niyan,” aniya.
“Oh. Okay,” sagot ko. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng ngiti. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mga dokumento. “So… what are these? Ano bang gagawin natin dito?”
“We just need to sort it out. Importante kasi ito sa kompanya kaya kailangang ayusin.”
Napatango-tango ako. Umupo ako sa upuang kaharap niya saka ko sinimulang ayusin ang mga dokumento. He said we just need to arrange it alphabetically. Naghati na lang kami ng mga letters na kailangang ayusin. I need to arrange it from letters A-N while he needs to arrange it from letters O-Z.
Tahimik lang kami habang nag-aayos ng mga dokumento. Gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong sabihin. I want to start a conversation with him just to get use of the time. Should I ask him a question? Pero ano namang itatanong ko?
As much as possible, I don’t want us to be awkward. Pero ano namang itatanong ko na hindi kami magiging awkward? Should I ask him about his father?
Tumikhim muna ako para kuhanin ang atensyon niya. “Um… Paul? Can I ask you something?”
“Sure. Go ahead,” he replied without looking at me.
“Paano kayo nagkabati ng Daddy mo?” maingat kong tanong habang patuloy pa rin sa ginagawa.
“He just apologized for what he did. He explained why he cheated on Mom and I tried to understand him. After all, si Mommy nga nagawa siyang mapatawad, bakit ako hindi? Besides, it’s long overdue. Ang tagal na rin no’n. I just want us to be okay again,” he said. “And he did something for me that made me forgive him and give him a chance.”
Napakunot-noo ako. “What is it?”
“He was there when I needed someone the most.”
Napahinto ako sa ginagawa ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kasalukuyan pa rin siyang nag-aayos ng mga dokumento at halata sa mukha niya na parang wala lang para sa kanya ang sinabi niya. Of course, he already moved on. Kahit na anong sabihin niya tungkol sa nakaraan, balewala na lang para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Memories
RomanceAfter three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat siya nang malamang ito rin ang magiging boss niya dahil siya ang magiging bagong secretary nito. Th...