Twenty

7.2K 195 13
                                    

Chapter 20
Marlon

**

I feel stupid.

Kanina pa ako nakarating sa bahay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan. Naisip ko kasing tawagan muna si Aika para sabihing huwag na muna niya akong i-set-up ng date sa mga susunod na araw. I just want to calm myself after what happened earlier.

When she asked me what happened tonight, I told her the truth. Todo sorry naman siya dahil hindi raw niya alam na ganoon na pala ang lalaking iyon. Noong high school daw kasi sila ay ito ang pinakatahimik at pinakaseryoso sa klase nila. Hindi niya alam na nagbago na pala ito.

Hinayaan ko na lang at sinabing huwag na siyang mag-alala dahil nakatakas naman ako sa kanya. Hindi ko na sinabi na tinulungan ako ni Paul kaya ako nakaligtas. Sigurado kasi akong magtatanong siya nang magtatanong kung anong nangyari at hindi pa naman ako handang sumagot dahil sa pagod.

And speaking of that incident, that’s exactly the reason why I’m still inside my car. Kanina ko pa iniisip ang nangyari pati na rin ang mga sinabi ko kay Paul.

Nagui-guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya. I shouldn’t have said that. Hindi ko rin dapat siya sinigawan at sinabihan na pabayaan na lang ako. Dapat nga ay nagpasalamat pa ako dahil iniligtas niya ako sa manyak na iyon pero sinigiwan ko pa siya. I’m so stupid! Nadala lang ako ng nararamdaman ko.

Why was he there anyway? Kanina lang namamasyal siyang mag-isa. Oh, right. Naalala kong sinabi niyang uuwi rin siya maya-maya. Nasaktuhan lang siguro na pauwi na siya noong nasa parking lot kami ni Tommy.

I closed my eyes and breathe. Now that my secret’s out, how will I face him again? Buti na lang at weekend na bukas kaya walang pasok sa trabaho. But what will happen on Monday? Is he going to avoid me? But I’m his secretary. Hindi naman siguro, ‘di ba?

I sighed. Ewan. Hindi ko na alam. Anyway, dalawang araw pa naman bago kami magkita ulit. Hindi ko muna poproblemahin iyon.

Lumabas na ako ng kotse ko para pumasok sa loob ng bahay. Sinara at ni-lock ko muna ang gate bago pumasok. Sa labas pa lang ay halatang bukas pa ang ilaw sa sala. Kuya Irvin’s probably waiting for me. He’s been doing that almost every night. Well, nagsimula lang iyon noong sinabi kong makikipag-date ako. He’s just so worried that something bad might happen to me. I wonder how he will react if I tell him what happened earlier.

But of course, I won’t tell him that. Papagalitan niya lang ako. At hindi lang iyon. Baka ipahanap pa niya ‘yong lalaki tapos ipakulong. Well, pabor naman sa akin iyon para wala na siyang mabiktima. O pwede rin naman ipa-rehab na siya. But I’m sure Kuya won’t do that. Mas gugustuhin niyang dumiretso iyon sa kulungan.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Kuya na nakaupo sa sofa. In front of him is his laptop. Tinanggal niya ang suot niyang salamin nang makita akong pumasok.

“Working?” I asked.

Tumango siya. “Bakit ang tagal mong pumasok?”

So, alam pala niya na kanina pa ako nasa labas. Siguro narinig niya ang pagbukas ko ng gate at ang sasakyan kong pumasok. I just shrugged and told him that I’m going to bed. Pero bago ko pa man siya malampasan ay pinigilan niya ako.

“Wait. What happened to your date?” he asked. Napaiwas ako ng tingin.

“It’s fine. We had dinner. That’s all,” I said before looking at him again. He creased his forehead.

“Do you think I’ll believe you? You’re obviously lying. Mas maaga kang nakauwi ngayon kaysa nitong mga huling gabi. At bakit namumugto ang mga mata mo? Did you cry?” he asked. Biglang nag-iba ang reaksyon niya pagkasabi niya no’n. He looks mad. “May ginawa ba sa’yo ‘yong ka-date mo?”

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon