Chapter 8
Naalala**
“Kuya, do you think I can do this?” I asked Kuya Irvin while eating breakfast. He sipped on his coffee before glancing up to look at me.
“Why are you asking me that? This is what you want, right? Sinabihan na kita na umalis na sa kompanyang iyon habang maaga pa pero ayaw mo. Now, why are you asking me that?”
I sighed and looked away. “I don’t know. Parang ngayon lang kasi nagsink-in sa utak ko na magiging official secretary na talaga ako ni Paul. I don’t know if I can do it. I don’t know how long I’m going to hide my feelings. Paano kung isang araw, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at bigla kong masabi sa kanya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon?”
Today is Monday. Ngayon din ang unang araw ko bilang official secretary ni Paul. At kinakabahan ako dahil unti-unti nang pumapasok sa isip ko kung ano ang mga posibleng mangyari habang nagtatrabaho ako sa kanya.
“Kung natatakot ka naman palang malaman niya, bakit ka pa tumuloy? Ang tigas din kasi ng ulo mo at tumuloy ka pa rin,” aniya bago napabuntong-hininga. “Just try to be professional, Irene. As much as possible, huwag ka na lang masyadong lumapit kung hindi naman kailangan. Kung trabaho, trabaho lang dapat. Do not let your emotions get in the way.”
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Kailangan kong itatak sa utak ko na trabaho ang gagawin ko. Hindi na dapat ako magpaapekto pa sa kanya.
Pagkatapos kong mag-breakfast ay nagpaalam na ako kay Kuya para pumasok sa trabaho. Siya naman ay mananatili lang sa bahay para magtrabaho rin ng mga pinapagawa sa kanya ng Tito namin.
I arrived at the office thirty minutes before the start of office hours. Dahil doon ay nagkaroon pa ako ng oras para mag-ayos ng mga gamit ko sa dating table ni Isay na ngayon ay table ko na. Habang nag-aayos naman ako ng gamit ay bigla namang dumating si Paul.
“Good morning,” nakangiti kong bati sa kanya.
“Good morning,” nakangiti niya ring bati bago pumasok sa loob ng office niya. Huminga ako nang malalim bago bumaling sa ginagawa ko.
Everything happened so fast. Nang umagang iyon ay sinabi ko sa kanya ang schedule niya para sa araw na ito pati na rin sa buong linggo. Pinaalala naman niya sa akin na sabihin ko agad sa kanya kapag may nabago o nadagdag sa schedule niya para mailagay niya rin sa sarili niyang listahan. So far, tingin ko ay naging professional naman ako sa harap niya.
It was a busy morning so I didn’t notice the time. Nang tumunog ang alarm sa buong floor hudyat na lunch break na ay nag-inat ako. Sakto namang nakita ko sina Aika at Marlon pati na rin ang tatlo pang empleyado sa floor namin na lumabas na para mag-lunch. Nilapitan ako ng dalawa.
“Tara na, Irene,” yaya ni Aika sa akin.
“Wait lang. Magpapaalam lang ako kay Paul. Baka kasi may ipapagawa pa siya o baka may kailangan pa siya,” sabi ko saka tumayo para puntahan siya. Pero bago ko pa man mahawakan ang pinto ng office niya ay pinigilan na ako ni Aika.
“Huwag ka nang magpaalam. Kapag tumunog na ang alarm sa buong building, alam na ni Sir Paul na lunch break na. He knows that all of the employees are already having their lunch. Lalabas na rin siya mamaya para mag-lunch kaya tara na.”
Saglit pa akong sumulyap saglit sa office ni Paul bago ako napabuntong-hininga at tumango. Kinuha ko lang ang wallet at cellphone ko pagkatapos ay umalis na kami para bumaba sa cafeteria.
Pagbukas ng elevator sa tamang floor ay nagulat pa ako nang makita si Ms. Melody. Hindi na niya ako napansin dahil nakatutok siya sa cellphone niya habang papasok sa loob ng elevator. Hindi ko na lang din siya pinansin at sumunod na lang kina Aika.
BINABASA MO ANG
Memories
RomanceAfter three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat siya nang malamang ito rin ang magiging boss niya dahil siya ang magiging bagong secretary nito. Th...