Six

7.3K 186 8
                                    

Chapter 6
Party

**

Irene’s Point of View

“What? You offered him friendship?” gulat na tanong ni Isay sa akin habang nanlalaki ang mga mata pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang nangyari kanina sa office ni Paul.

Tumango ako. “Yeah.”

“Irene, nababaliw ka na ba? Hindi ka pa nakaka-move on sa ex mo tapos ngayon, hiniling mo sa kanya na maging magkaibigan kayo? Gusto mo ba talagang nasasaktan?”

“Alam ko namang masasaktan ako, Isay. Alam kong katangahan ‘yong ginawa ko pero gusto ko lang namang magkaroon ng parte sa buhay niya maliban sa pagiging secretary niya. Kahit kaibigan na lang, okay na ako roon. Besides, ayoko ring maghinala siya na hindi pa ako nakaka-move on kaya ko ginawa iyon.”

“Ano ba kasi ang problema roon? Big deal ba talaga kung sakaling malaman nga niya na hindi ka pa nakaka-move on?” tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. “Natatakot kasi ako, Isay. Natatakot ako na baka mailang siya sa akin sa oras na malaman niyang mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. I don’t want everything to be awkward between us especially now that I’m going to be his official secretary. Besides, ayoko na siyang guluhin pa. Masaya na siya sa iba at natatakot akong baka masira ko lang ang relasyon nila dahil sa nararamdaman ko.”

Napabuntong-hininga siya.

“Sabagay. Kahit pa nga ba hindi mo intensyon na guluhin sila, pwede nga namang mangyari iyon lalo na kapag nalaman ni Ms. Melody na may feelings ka pa kay Sir Paul,” aniya. “Anyway, huwag na nga nating pag-usapan iyon. Basta make sure na alam mo ang ginagawa mo, ha? Kapag kailangan mo ng kausap, you can talk to me. You already have my number, right?”

Tumango ako. “Yep. Got it.”

“By the way, since it’s my last day as Sir Paul’s secretary, naisip kong magkaroon ng salo-salo mamayang gabi. Gusto ko sana sa bar kaya lang alam mo naman ang kondisyon ko. Since wala namang pasok bukas, yayayain ko sana kayo nina Aika at Marlon sa bahay. Do you want to come?”

Ngumiti ako at tumango. Nakakatuwa lang na iniimbitahan niya ako sa bahay niya kahit na bagong kakilala lang naman nila ako.

“Sure.”

Nang matapos ang araw na iyon ay napagpasyahan na naming dumiretso sa bahay ni Isay. Since ako at si Marlon lang ang may dalang sasakyan, sumabay na sa akin si Isay samantalang si Aika ay kay Marlon. Alam na ng dalawa kung saan ang bahay ni Isay kaya dumiretso na sila roon. Si Isay naman ang naging guide ko papunta roon.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na kami sa subdivision kung saan nakatira si Isay. Huminto kami sa isang may hindi kalakihang bahay pero sakto lang para sa isang pamilya. Naroon na sina Aika at Marlon na mukhang hinihintay kami.

“Pasok kayo,” sabi ni Isay pagkabukas niya ng gate. Pinauna ko na ang dalawa dahil nahihiya akong pumasok.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng mabangong amoy galing sa loob ng bahay. It smells like lasagna. Dahil doon ay nakaramdam agad ako ng gutom. Pinaupo kami ni Isay sa sofa para maghintay. Pumunta naman siya sa kusina para siguro puntahan ang kung sinumang nagluluto roon.

Mga ilang sandali lang ay lumabas siya galing sa kusina kasama ang isang lalaki na tingin ko ay ang asawa niya. Tumayo kaming tatlo para batiin siya.

“Hi, guys,” nakangiti niyang bati sa amin.

“Hello,” bati naman ni Aika. Si Marlon naman ay tumango lang. Napatingin naman sa akin ang asawa ni Isay nang mapansin niya ang presensya ko.

“Hon, she’s Irene. Siya ‘yong papalit sa akin bilang secretary ni Sir Paul,” pagpapakilala ni Isay sa akin bago siya bumaling sa akin. “Irene, meet my husband, Nato.”

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon