Chapter 9
Post**
Nanatili lamang na nakatingin sa isa’t isa ang dalawa. Pareho silang gulat na nakatingin sa isa’t isa pero nangingibabaw roon ang pangungulila. Mas lalo lang tuloy akong na-curious kung talagang magkakilala nga sila o hindi.
“Do you know each other?” I asked.
Parang doon pa lang sila natauhang dalawa. Sa isang iglap ay parang naging awkward sila sa isa’t isa. Tumingin sa akin si Aika at awkward na ngumiti.
“Uh… aalis na ako. Nandito naman na ang sundo mo, ‘di ba? Bye bye! See you tomorrow!” mabilis niyang sabi bago mabilis ding tumakbo paalis.
“Huh? Anong nangyari roon?” tanong ko sa sarili bago ako bumaling kay Kuya Jairus. Napakunot-noo ako nang makita kong nakangiti siya habang sinusundan ng tingin si Aika na nagmamadaling umalis. “Kuya, kilala mo ba si Aika?”
Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya.
“Hindi pa rin talaga siya nagbabago. She’s still the same Aika that I know,” he said. Doon ko nakumpirmang kilala nga niya si Aika.
“Paano mo siya nakilala?” tanong ko na hindi na naman niya sinagot. Seriously, wala ba akong kausap dito?
“Tara na, pumpkin. Maggagabi na,” aniya bago naunang pumasok sa loob ng sasakyan. Napabuntong-hininga na lang ako at mabilis na sumakay sa passenger seat.
Habang nasa daan kami pauwi ay tahimik lang ako habang nakatingin sa daan. Sa totoo lang, curious na curious ako kung paano nagkakilala sina Aika at Kuya Jairus. Curious din ako kung bakit ganoon ang reaksyon nila nang magkita silang dalawa. Kaya lang, mukhang wala naman yatang balak si Kuya Jairus na sagutin ang mga tanong ko.
Maya-maya ay narinig ko ang marahan niyang pagtikhim kaya tumingin ako sa kanya.
“Is Aika your officemate?” he asked. Ngayong tinanong niya iyon, siguro naman okay lang na tanungin ko rin siya, ‘di ba?
“Oo. Paano mo siya nakilala?”
“Natatandaan mo ba ‘yong babaeng madalas kong i-kwento sa’yo noon?” balik niyang tanong. Napakunot-noo ako at pilit kong inalala kung sino ang tinutukoy niya.
“Babae? Iyon ba ‘yong ex mo na hindi mo naipakilala sa amin dahil hindi pa siya ready at noong ready naman siya ay kinailangan mo nang umalis? Iyong babaeng lagi mong sinasabing babalikan mo? Iyong babaeng mahal na mahal mo pa rin hanggang ngayon?” tanong ko. Tumango siya. Nanlaki ang mata ko nang may ma-realize. “Don’t tell me si Aika iyon?”
He smiled. “Yes, she is.”
So ibig sabihin, si Kuya Jairus ang ex ni Aika? Siya ‘yong lalaking mahal pa rin ni Aika at hanggang ngayon ay hinihintay pa rin niyang bumalik? OMG! Ibig sabihin lang din no’n, siya ang tatay ng anak ni Aika at hindi alam ni Kuya Jairus na may anak na siya!
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagsigaw. Kailangan kong manahimik dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko na lang masabi kay Kuya Jairus ang tungkol sa anak niya. Hindi ko rin pwedeng sabihin na hanggang ngayon ay mahal pa siya ni Aika at hinihintay siya nito hanggang ngayon. Hindi dapat ako makialam sa problema nila. Sila ang kailangang mag-usap.
Speaking of usap, bakit hindi man lang sila nagbatian kanina? Tapos bigla pang umalis si Aika.
“How is she? Ayos lang ba siya? Is she doing okay?” I heard Kuya Jairus asked. Nilingon ko siya saka ako nagkibit-balikat.
“She looks okay to me but I’m not sure. Last week ko lang naman siya nakilala kaya hindi ko talaga alam.”
“May… may nabanggit ba siya tungkol sa ex niya? May nabanggit ba siya tungkol sa akin? Is she with someone else now?” maingat niyang tanong pero halata kong kinakabahan siya. Sa puntong iyon, parang gusto ko na lang sabihin sa kanya ang totoo… na hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ni Aika. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Memories
RomanceAfter three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat siya nang malamang ito rin ang magiging boss niya dahil siya ang magiging bagong secretary nito. Th...