Chapter 27
Eunice**
Nang makarating ako sa bahay nila ay hindi muna ako nag-doorbell. Aaminin kong kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung kakausapin ba ako ni Irene o hindi.
Huminga ako nang malalim at nagpasyang huwag nang patagalin ang paghihirap ko. Pinindot ko na ang doorbell at hinintay na may magbukas no’n. Maya-maya ay narinig kong may nagbubukas na ng gate. Pagbukas no’n ay bumungad sa akin ang mukha ni Irvin na halatang nagulat nang makita ako.
Pero agad ding nagbago ang reaksyon ng mukha niya makalipas ang ilang sandali. His eyes looked like he’s fighting the urge to hurt me. I think I know why. Siguradong alam na niya ang nangyari sa amin ni Irene.
“What are you doing here?” he asked through gritted teeth.
“Can I talk to Irene?”
Nagtaas siya ng kilay nang marinig ang sinabi ko. “Akala ko ba galit ka sa kanya?”
I sighed. “Please. Can I talk to her?”
“Kuya, sinong nandiyan? May bisita ba tayo?”
Napalingon kami sa taong tumawag sa kanya mula sa loob. I saw Irene walking towards us. Pero nakita kong napahinto siya sa paglapit nang makita ako. Halata ang gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
“Irene…”
“Do you want to talk to him or not? Should I tell him to go away?” Irvin asked her.
She sighed. “I’ll talk to him, Kuya.”
Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya iyon kay Irvin. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng gate para papasukin ako. Masama ang tingin niya sa akin habang papasok ako pero hindi ko na lang pinansin. Hindi naman siya ang ipinunta ko rito kundi si Irene.
“Sige na, Kuya. Dito lang kami,” sabi ni Irene sa kuya niya.
Binigyan ako ni Irvin ng nagbabantang tingin bago siya sumulyap kay Irene at pumasok sa loob ng bahay. Naglakad si Irene papunta sa porch swing na naroon para umupo. Sumunod ako sa kanya at tumabi.
Tahimik lang kami pagkatapos no’n. Bago ako pumunta rito ay marami akong gustong sabihin sa kanya. Pero ngayong nasa tabi ko na siya ay hindi ko naman magawang makapagsalita. Having her beside me makes me miss her even more. Gusto ko na lang yakapin siya sa mga oras na ito pero baka hindi niya gusto iyon.
Suddenly, it feels like we’re back from before. I can feel the awkwardness between us. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noong mga panahong hindi pa kami nagkakakilala. Iyong mga panahong college pa lang kami. Iyong mga panahong pinag-partner kami ng instructor namin para sa isang project.
Then, should I start the conversation again just like what I did before?
“Did you and Melody talk already?” I asked.
She nodded. “Yes. So, nagkausap na rin kayo?”
“Kanina. She went to my office and talked to me. She said she’s leaving.”
“Yeah.”
Now, what? Hindi pwedeng manahimik na lang kami. Hindi pwedeng ganito lang ako. Where’s your damn confidence, Paul? Tangina, hindi ka naman ganyan dati, ah!
Huminga ako nang malalim at tumikhim.
“About what happened two weeks ago, I’m sorry for everything that I said. I didn’t mean to hurt your feelings. I’m sorry.”
Tumango siya. “It’s okay. Alam ko namang mali ‘yong ginawa ko. Kasalanan ko rin.”
“No. It’s not your fault. It’s mine. Sorry sa mga nasabi ko,” sabi ko. “At tungkol doon sa nangyari sa atin… hindi ko pinagsisisihan iyon.”
BINABASA MO ANG
Memories
RomanceAfter three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat siya nang malamang ito rin ang magiging boss niya dahil siya ang magiging bagong secretary nito. Th...