Prologue

36.3K 594 17
                                    

"So, that's Abegail girl huh?"

Nilingon niya ang co-team at kaibigang si Josue. Nakatayo sila sa Gilid ng theater club habang nakatanaw sa field. Nakaupo sa bleacher ang babaing pinaguusapan nila.

"Mukhang may hinihintay pare." Ani pa muli ni Josue. Matagal na niyang nababasa sa mga school papers ang babae. Contributor writer ito doon at president naman ng supreme government. Masasabi niyang matalino ito dahil sa tuwing mapapadaan siya sa accountancy building ay nasa top list lagi ang pangalan nitong nakapaskil sa bulletin board.

"She's beautiful... " Naibulong niya. Sa tagal na niyang kilala ito. At sa tagal nang kakasunod niya dito wala siyang lakas ng loob na lapitan ito at kausapin. He hadn't get a chance na makipagkita dito. Dahil sa tuwing tatangkain niya ay inuunahan siya ng takot at kaba.

"She is.. " Pagsang ayon ng kaibigan niya. "Ano pang hinihintay mo? Pormahan mo na!" Sugsog ni Josue sa kanya. Pero paano?

Nililipad ng mabining hangin ang tuwid nitong mga buhok. Sandaling napapikit siya. He was imagining his self. Nakaupo sa damuhan habang nasa unan ito sa mga hita niya. At sinusuklay niya ang mga buhok nito gamit ang mga daliri niya.

Huminga siya ng malalim. Niyuko niya ang hawak na bulaklak. "Ano lalapit ka ba o ano? Kanina pa tayo nakatayo dito." Untag ni Josue sa kanya. Ibinigay niya dito ang hawak na bag at bola.

"Ako nalang ang lalapit kaya ko 'to!" Ngumisi ito sa kanya.

"Dapat lang kayanin mo!" Ngumiti siya sa kaibigan. Akmang lalakad na siya nang makita niya ang pagtayo ni Abegail. Akala niya ay aalis na ito pero may lalaking lumapit dito.

Nakita niyang hinalikan ng lalaki sa pisngi ni Abegail bago inabot ang may kalakihang pink na teddy bear.

"Ah oh! Mukhang may nauna na pala sayo!" umatras siya. Hindi niya magawang alisin ang mga mata sa dalawa hanggang sa maging malinaw sa kanya ang hitsura ng lalaking lumapit dito.

"J-Jonas?" Halos bulong lang na sabi niya. Naramdaman niya ang pagtabi ni Josue sa kanya.

"Hindi ba't ang kakambal mo 'yan?" Pagtatanong nito.

"Tara na. Umalis na tayo dito." Yakag niya sa kaibigan ngunit di pa sila nakalahakbang paalis ng may tumawag sa pangalan niya.

"Raphael! Raffy!" Nahinto siya sa akmang paghakbang palayo. Huli na dahil nasa liluran na niya ang mga ito. "Josue!" Bati ni Jonas sa kaibigan niya.

"Kamusta Jon? Ang ganda ng kasama mo ah?" Pagbibiro ng kaibigan niya.

Kulang nalang ay ipikit niya ang mga mata upang wag niyang makita ang mga ito. "Raffy, mabuti't nakita kita. May gusto sana akong ipakilala sayo." Doon niya nagawang humarap.

Alanganing ngiti ang ibinigay niya sa mga ito. Umakbay ito kay Abegail bago siya muling nginitian. "Bro, Si abby nga pala. Girlfriend ko."

Si abby nga pala. Girlfriend ko.

Si abby nga pala. Girlfriend ko.

Si abby nga pala. Girlfriend ko.

Parang bomba na sumabog iyon ng paulit ulit sa isip niya. Sandaling nahinto ang oras niya. Ang babaing kinababaliwan niya ay pag aari na pala ng iba. Na girlfriend na pala ng iba. Nang mismong kapatid pa niya. His own twin brother.




To be continued...



-----

Abegail Villablanca from Siya ay ako at ako ay siya. Amanda's best friend. Ito po ang untold story niya. Disregard the info about her dun sa book ni Amanda. Unedited po 'yon at maraming dapat baguhin kasama na ang pagkakabanggit kay abby.

Sana magustuhan niyo rin po ito.
Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon