Chapter Five

17.2K 451 30
                                    

Matapos tawagin ng host sina Jonas at Abby. Kasama siya sa mga tumayo. Labis ang gandang ipinamalas ni Abby habang suot ang puting bestida nito. Naka-angkla ang braso nito sa kapatid niya.

Tinungga niya ang alak na nasa baso niya at tumalislis palabas. Mas masakit lang kung makikita niyang masaya ang mga ito. Hinubad niya ang necktie na suot at initsa lang iyon sa kung saan at saka lumabas ng bahay nila.

Kailangan niyang sumagap ng sariwang hangin. He sat on the road side and drunk the bottle of tequila he snatched inside the party while walking outside.

His head hurts. Parang binibiyak at hinahati sa dalawa. "Urgh! Fuck! Fuck!" Nagmulat siya ng mga mata at nakita niyang nasa salas pala siya. Suot pa rin niya ang suot kagabi ngunit wala na siyang sapatos at medyas.

"I'm glad you're awake!" Napatingala siya ng makita ang inang nakapamaywang sa kanya. Dahan dahan siyang bumangon ay sumandal sa upuan.

"Good morning Mom.." He greeted his Mother. He pressed his lips together. Trying to remember what really happened last night.

Padabog nitong ibinaba sa center table ang baso ng tubig at tabletas. "What got into your head at naisip mong matulog sa kalsada?"

"K-Kalsada?" Ulit niya sa huling salita. Wala siyang matandaan.

"Oh! Yes! Nagpapanic na kaming lahat because you are not answering your phone. We searched you everywhere. Tumawag na ang dad mo sa pulis to report your lost. But our last guest, accidentally saw you lying at the sidewalk! My goodness! Anong pumasok sa kokote mo at doon ka natulog?" Napahawak siya sa noo.

So it's true that he slept at the sidewalk. Base sa kwento ng kanyang ina. Pero wala siyang matandaan maliban sa nakainom siya. "You were so drunk last night." His mom again. Umupo ito sa tabi niya. "And you were calling Abby's name."

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig dahil doon. He did? Napatingin siya sa ina. "Magsabi ka nga ng totoo. May gusto ka ba sa Fiancé ng kapatid mo?"

He just wished that he will vanish right there. Hindi niya magawang magsalita. Of all people, bakit ang ina pa niya ang magtatanong ng bagay na 'yon sa kanya? "And you kept it from us!"

"M-Mom.. Wala akong gagawin para sirain si---."

"I understand you Raffy. I know how hard it for you. Minamahal mo ang babaing hindi ka kailanman minahal." Nakita niya ang nangingilid na luha nito. "H-Hindi kayo g-galit?" He asked.

Humaplos sa pisngi niya ang mga palad nito. "Walang dahilan para magalit ako sayo anak. Nag aalala lang ako. Paano mo nagagawang kontrolin ang sarili mo sa harapan ng kapatid mo knowing that you are also in love with abby?"

Mapait siyang ngumiti sa ina. "Because i love my brother, dearly. That i can even forgot myself. "

Tuluyang nagmalibis ang luha sa mga mata ng kanyang ina. "Ang gusto ko lang naman para sa inyo ng kapatid mo ay ang makita ko kayong masaya sa buhay na pinili niyo. Seeing both of you happy makes me happy too."

Nang yakapin siya nito ay gumanti siya ng yakap. "Magiging okay din ako mom.. Soon, i'll find my own Abby who will love me forever."

Tumango ito. "You're strong anak. Sa inyong dalawa ni Jonas. Pinakamatibay ka. Pinakamalakas. Ipagdarasal ko na maghilom na ang sugat sa dibdib mo para matagpuan mo na ang babaing laan para sayo."

Humilig pa lalo siya sa dibdib ng ina. Kung may makakakita marahil sa kanya na isa sa mga kaibigan niya? Iisipin na Mama's boy siya. "I'm sure. I will Mom."

Humiwalay ito sa kanya. "Oh siya! Umakyat kana sa kwarto mo at maligo. Nakaalis na ang dad mo. Wag ka na muna daw pumasok ngayon. After he saw how horrible was you last night. He suggests na magpahinga ka nalang daw muna. Call this Day, off."

Tumango siya. Ininom niya ang tabletas na ibinigay nito at saka ito tumayo. Humabol pa siya. "Thanks Mom!" Gumanti lang ito ng ngiti sa kanya.




To be continued...

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon