Chapter Ten

38.4K 674 60
                                    

Iminulat niya ang mga mata at dahan dahang bumaba ng kama. Tinanaw ng mga mata niya ang dalawang malaking maleta niya na nasa isang tabi. After he came from office yesterday, nagutos na siya sa kawaksing ayusin ang mga gamit niya. The day after tomorrow ay lilipad siya patungong Greece. Bukas na kasi ang kasal ng kapatid niya kay Abby.

He stretched his arms at dinampot ang passport at ticket niya. Isinilid niya iyon sa brown envelope at saka inilagay sa hand bag na dadalhin niya. Mas mabuti ang ganito, he filed a temporary leave and he sighed itself. Mas olay na nasa malayo muna siya kaysa ang natatanaw niya ang dalawa na masaya. Hindi lalo siya maghihilom.

He took a shower and he went down to the dining room. Walang tao ang inabutan niya doon. "Nagmamadali pong umakyat si Madam sa kwarto nila. Iyak po ng iyak. Ang daddy niyo naman po ay nagmamadaling umalis ng bahay. Nagtataka nga po ako eh! Masaya naman silang nakain kanina." Sagot ng kawaksi ng itanong niya kung nasaan ang mga tao.

"Si Jonas gising na ba?" Nagkibit balikat ang babae.

Pumanhik siya sa itaas at pinuntahan ang ina. Ngunit wala ito sa master bedroom. Instead, he found her inside Jonas Bedroom. "Mother? What are you doing here?" Agad na tanong niya dito.

Nag angat ito ng tingin sa kanya. Hilam ng luha ang mga mata nito. "Raffy... Ang kapatid mo." Sandali siyanh natigilan dahil sa sinabi ng ina. Nang makahuma ay lumuhod siya sa harapan nito. "What happened to Jonas?" Mabilis na tanong niya.

Niyakap nito ang unan ng kapatid niya. "H-Hindu siya umuwi kagabi."

That's unusual. Hindi nakasanayan ni Jonas ang magpalipas ng gabi sa kung saan saan. Kahit abutin ito ng hating gabi sa daan ay gagawa ito ng paraan makauwi lang. "Masama ang kutob ko. Hindi ako naniniwalang magagawang kapatid mo ang di siputin si Abby sa kasal nila. You know how much he loves her."

"Ssshh.. Uuwi rin 'yon. Baka may inaasikaso lang." Umiling iling ang ina niya habang yakap niya.

"Tumawag ako sa opisina kanina. Ang sabi ng sekretarya ng kapatid mo. Pumasok pa sa opisina si Jonas kahapon. Magkasama pa sila ni Abby. And abby confirmed na galing sila sa designer niya para sa last fitting ng gown niya! I can't believe na basta nalang mawawala si jonas!" Naghihisterya na ito. Kinailangan pa niyang higpitan ang yakap dito para kumalma. Miski siya ay kinukutuban din ng masama. Pero hindi niya gustong dagdagan pa ang alalahanin ng ina.

"Nakikipag usap na ang ama mo sa pulis. Alam kong hindi lalayo si Jonas. Alam kong may masamang nangyari. Ina ako Raffy, alam ko kung kailan kayo nasasaktan." Iyak ng iyak na sabi nito. "N-Natatakot ako."

"Ssshh.. Wag kang matakot mommy.. Mahahanap natin si Jonas. Have you talked to Abby? Alam na ba niya ang nangyari?"Tanong niya. Karapatan ni Abby na malaman ang totoo. Lalo pa't bukas na ang kasal ng mga ito.

Mabilis na humiwalay ang ina sa kanya at tumayo. Saka nagpalakad lakad. "She doesn't have to know."

"Mother!" Nagulat na saad niya. "Karapatan na malaman ni Abby na nawawala si Jonas. Kung nawawala nga ba talaga siya.. "

"Hindi naglayas si Jonas! Alam kong may di nangyayaring maganda. At di na kailangang malaman ni Abby ang totoo. Mapapahamak lang sila ng apo ko. Sensitibo ang pagbubuntis niya. Delikado para sa kanila ng baby." Napahawak siya sa sentido. Lalaki lang ang problema kung ganoon.

"At paano ang kasal  bukas? Paano kung hindi mahanap si Jonas?" Kulang ang maghapon para malaman ang nangyari sa kapatid niya.

"Tuloy ang kasal. Matutuloy ang plano ni Abby at ng kapatid mo." Determinadong sabi ng kanyang ina.

"At paano natin gagawin 'yon? Ngayong nawawala si jonas?" Napahalukipkip siya. Kailangan marahil niyang tawagan ang mga kaibigan niya na may mga koneksyon sa pulisya para umusad ang paghahanap nila.

Humarap ang ina s akanya at matiim siyang tinitigan. "Ikaw. Papakasalan mo si Abby bukas."

"W-What?"

Tumango ang ina. "Bilang si Jonas."




To be continued...




-------

Announcements:

A little announcement guys.
To all Raffy's reader. Ito po ang pasabog na sinasabi ko. Now, you can't read the continuation here. I will post it to the book 2. Yes tama ka po. May book 2. With the title of SOMEONE BORROWED (Gentleman series 12: Raphael Padilla 2) Kung paanong nilagyan ko ng book 2 si Taddeos ay ganun din dito. Di lang ako masaya sa title kaya may book 2.hehehe..

Salamuch po.
Love lots,
Ai:)

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon