Chapter Three

20.3K 499 39
                                    

"So, what's the plan hija?"

Nanatili siyang tahimik habang masayang nagkukwentuhan ang ina at si Abby. Maglakasalo sila sa hapag.

Ngumiti si Abby. "Wala pa po kaming nalaguusapan ni Jonas. Ang balak po sana namin ay simpleng church wedding lang."

Namilog ang mga mata ng kanyang ina. "Oh no! Hindi ako makakapayag. We have to invite all of us friends. Gusto kong makita nila kung gaano kaswerte si Jonas sayo." Bumaling ang ina sa kanya. "Right Raffy?"

"Y-Yes.. Of course." Tila sapal ang kinkain niya dahil hindi nuya magawang lunukin ang mga iyin kahit pa sobrang sarap. Wala dito si Jonas pero ang presensya nito ay buhay na buhay sa dalawang babaing importante sa buhay niya.

Identical twin sila. Walang makakapagsabi kung sino ang sino. Maliban sa mga magulang nila na kilala ang bawat anggulo nila. May parehong tangkad at kulay silang magkapatid.

Noong mga bata sila, madalas niyang sabihin kung bakit parang mas mahal ng nanay nila si Jonas. Masasakitin si Jonas noon. Madalas pabalik balik siya sa ospital dahil sa asthma. Naninibugho siya sa tuwing gusto niyang makalaro si Jonas pero pagbabawalan ng kanilang ina.

"Let's go Jonas! Maligo tayo sa ulan!" Yakag niya kay Jonas. Mabilis na ngumiti ang kapatid.

"Tara! Gusto ko rin 'yon!" Patakbo silang lumabas ng pinto.

"Hep! Hep! Jonas! Hindi ka pwedeng maglaro sa labas. Baka magkasakit ka." Mabilis silang napigilan dahil sa pagsulpot ng ina nila. Agad nitong nilagyan ng towel ang likod ni Jonas. "Ikaw naman Raffy, kung saan saan mo niyyakag itong kapatid mo. Paano kung magkasakit siya?"

Tumanim sa utak niya na mas mahal ng nanay nila ang kakambal niya. Palagi niyang inuuna. Palagi niyang inaasikaso. Minsan inisip niya, magkapatid ba talaga sila? Pero para naman siyang baliw sa sarili niyang tanong, magkamukha sila. Kambal sila. Paanong di sila magiging magkapatid? Siguro may mga magulang lang na sadyang may mga anak na paborito.

"Happy birthday anak." Inabot ng ina niya ang regalo nito sa kanya. Twenty first birthday nila ni Jonas. Wala si Jonas dahil nasa state ito. Doon kumuha ng Master degree ang kapatid niya.

"M-Mom!" Yumakap ang ina sa kanya.

"Alam ko kahit hindi mo sabihin. Alam kong masama ang loob mo sakin. Kasi iniisip mong mas mahal ko ang kakambal mo kaysa sayo." Natigilan siya. Matatanda na silang magkapatid. "Anak, pareho ko kayong mahal. Nagdoble ingat lang ako kay Jonas dahil masasakitin siya. Ayoko lang na inaalala ko kayong pareho."

"Mom okay na 'yon. Saka mga bata pa kami noon. Magaling na si jonas ngayon." Hinaplos nito ang pisngi niya.

"Nanay mo ako. Sakin ka galing. Kaya kahit di mo sabihin alam kong naghihinanakit ka."

Naiintindihan niya naman ang bagay na 'yon. Siguro sadyang mas marami lang talaga ang atensyong nakukuha ni Jonas kaysa sa kanya. Not that he is comparing his self to his brother. Naniniwala siyang pareho silang mahusay sa magkaiba nga lang paraan.

"Raffy! You're spacing out! May problema ba?" Natigilan siya nang tapikin siya ng ina. "Pinaglalaruan mo na ang pagkain mo."

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang babae. "I'm sorry. Pagod lang siguro ako."

"I understand." Ani ng ina skaa bumaling kay Abby. "Madaling araw nang umuwi ang batang 'yan. Puyat pa marahil."

"Sorry kung nagising ka ng maaga dahil sakin." Ani ni Abby sa kanya.

"No! G-Gising na talaga ako nang sabihin ni j-jonas na kailangan mo ko." kailangan mo ako. Ang sarap sanang marinig iyon kung naiba lang ang pagkakataon.

"Mahal na mahal ni Raffy ang kakambal niya hija. Kaya hindi niya matitiis." Tama, mahal na mahal niya si Jonaskaya khit anong ipakiusap nito ay nasunods siya. At mas lalong mahal na mahal niya si Abby.

Siguro tatanggapin nlang niya na wala na talaga. Pag aaralan na niyang kalimutan ang dalaga at magsimula muli. Baka kapag nakahanap siya ng ibang babaeng mapaguukulan niya ng oras at pagtingin ay makakalimutan niya si Abby. Isa pa magiging asawa na ito ng kapatid niya. Magiging sister in law na niya.




to be continued...

------

P. S
Di po pwedeng mamatay si Jonas dahil nasa batch two siya. Hehehe

GENTLEMAN Series 21: Jonas Padilla

Ang pasabog kung ano? Secret. Hahahaha

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon