"Hey! Are you okay?"
Maagap na nahawakan ni Raphael sa braso si Abby nang biglang gumewang ang lakad nito. Pagkatapos sa Designer nitonay nagpasa ito sa kanya papunta sa printing shop para sa Invitation cards ng mga ito.
Napahawak ang dalaga sa noo nito. "I'm o-okay. Medyo nahilo lang ako." Iniupo niya ito sa bench na nasa parking lot.
"Buti pa ihatid na kita sa inyo. Namumutla ka. May sakit kaba?" Puno ng pag aalalang tanong niya. Kanina pa niya napupuna ang pamumutla nito. Parang may sakit.
Tumango ito. "Pagod at init ng panahon marahil ito. Noong isang araw ko pa ito nararamdaman. Sinabi ni Jonas na magpacheck up na ako eh. Kaya lang ayoko naman na iaasa sa coordinator lang ang kasal namin."
Pinakatitigan niya ito. "Mabuti pa magpacheck up kana. May dakawang buwan pa naman kayo bago ang k-kasal. Magpahinga ka rin. There's a Coordinator and helpers around. Hayaan mo silang kumilos."
Umiling ito. Sometimes, Abby acting like a stubborn brat. Pero ganoon naman talaga ang babae. "Magpapacheck up ako. Pero gusto kong ako parin ang magaasikaso ng kasal namin. Kami ni Jonas."
Tinanguan nalang niya ito. There is no sense if he keep on arguing with her. Mas okay na sang ayunan nalang niya. Sana lang pagkatapos ng kasal ng mga ito ay matapos na rin ang paghihirap ng kalooban niya. Maybe after the wedding ay magbabakasyon muna siya. His mother offered him a trip to Athens for two weeks. Magandang offer 'yon.
"Yes! Mom, you heard it right! Abby is pregnant!" He almost faint after Jonas blast the news over the casual dinner. Sa harap ng mga magulang nila, he handed a rectangular box with white ribbon. At nang buksan ng ina niya iyon ay isang PT. And it said, positive.
What a lucky guy? Gusto niyang bumuka ang lupa at lamunin na lamang siya. Halata ang saya sa mukha ng kanilang ina habang nakatitig sa magnobyo na hawak kamay pa. "This is a sign for a new celebration!" Nakangiting pahayag ng ama nila. "Congratulations Anak! You already Man up!"
Napayuko siya ng ulo. Just because, Jonas got a life that he should proud of ay naging mahusay na tao na ito? What about him? Palagi nalang ba siyang magiging anino ng kapatid niya? Second best?
"Raffy, Don't you want to congratulate them? Magkakaroon kana ng pamangkin." Nakangiti ang ama niya. Bakas ang saya sa mukha nito.
Nawala ang ngiti sa labi ng kanyang ina nang bumaling ito sa kanya. Nasa mga mata nito ang pag aalala sa kanya. Pinasigla niya ang sarili. "Sa wakas! Magkakaroon na rin ang batang makulit sa loob ng bahay na ito. May hahabulin na si Mom and dad!" Nagtawanan ang lahat dahil sa biro niya.
"Gusto ko paglabas ng anak namin, Kamukh mo Raffy." Ani ni Jonas. "Para naman maalala namin kung gaano ka kakulit noong bata ka." Nagtawanang muli ang lahat dahil sa biro ni Jonas. Miski siya ay natawa rin. Si Abby naman ay nakikitawa din.
Ngayon niya mas napagtanto ang lahat. Kailangan na niyang burahin sa puso't isip niya ang nararamdaman niya para kay Abby. Mas may malalim nang dahilan para wag na niya itong pangarapin pa. "Magkakaroon na kami ng mommy niyo ng alagaing bata. Namiss ko Ng magkarga ng baby." Pagbibida ng ama nila.
"Don't worry dad, ikaw ang mag aaLaga sa anak namin. Magiging lolo na kayo." biro muli ni Jonas nagtawanan ang lahat. Kinontrol niya anv sarili. Tapos na ang pangangarap niya. Tapos na ang pananaginip niya. He has to move on. Kailangan na niyang kalimitan ang lahat. Wala nang dahilan para ikulong niya ang sarili sa panaginip. Sa isang panaginip. Panaginip na sana ay sila.
To be continued...
--------
Happy Mother's Day!
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla
General FictionGENTLEMAN series 12: Raphael Padilla Every woman fantasized him. Every girls desire him. Lahat sila ay magkakandarapa para lang mapansin niya. Lahat sila ay nagkakagulo para lang pag ukulan man lang niya kahit isang sulyap. Pero hindi si Abby. She...