Chapter Nine

17.2K 460 28
                                    

He walked in. Tanging ilaw lang sa sidebed ang buhay. Malamig ang silid at tahimik na natutulog si Abby doon. May dextrose na nakatusok dito. Wala ring tao. Ang sabi ng nurse na nakausap niya ay kalalabas lang daw ni Jonas at ng ina niya. Kasama ang mga magulang ni Abby.

Tinawagan na niya ang mommy niya kanina. Sinabi nitong papaagahin ang kasal dahil maselan ang pag bubuntis ni Abby. Marahan siyang lumapit sa nahihimbing na dalaga.

Pregnancy suit her. Mas kuminis ang balat nito dahil sa pagbubuntis. Niyuko niya ito at hinaplos ang pisngi. Nagiingat na wag itong magising.

"Why you have to love my brother?" Bulong niya. "Magkakapamilya na kayo. Pero heto parin ako umaasa. But Mom said, i should stop dreaming you. Dahil hindi daw ako makakahanap ng mas karapat dapat sakin kung mananatiling nakaukit ka sa puso ko." Pinakatitigan niya ang dalaga. Mimememoryado niya ang hitsura nito. Panahon na para pakawalan niya ang nararamdaman niya at isipin ang ikakaligaya nito. Panahon na para isipin naman niya ang sarili niya.

Binigyan niya ito ng huling sulyap bago binitiwan ang kamay nitong hawak niya. Pero hindi pa niya tuluyang nabibitawan 'yon ng humigpit ang kapit ng dalaga dito. "J-Jonas... " Natigilan siya ng magsalita ito. Bumaba ang mga mata niya sa kamay nitong hawak ng mahigpit ang kamay niya. "A-Ang baby natin? K-Kamusta na siya?" Nangilid ang luha nito. Nakaramdam siya ng awa para dito.

Nagpalinga linga siya sa paligid. Napagkamalan siya nitong si Jonas. Lumunok muna siya bago nagsalita. "N-Nasa labas pa si Jonas."

Nangunot ang noo nito. Sandali siyang pinakatitigan. Pagkatapos ay mabilis na binitiwan ang kamay niya. "I'm s-sorry Raphael."

Raphael?  That was the first time that she called him Raphael. Walang tumatawag ng ganoon sa kanya maliban sa mga business friends niya o kaya ay sa mga formal introduction. Pero bakit iba ang dating sa kanya? Bakit gustong gusto niya na tinatawag siya nitong Raphael. "K-Kanina kapa ba?" Nagiwas na ito ng tingin sa kanya.

"No kadarating ko lang. Nabalitaan ko ang nangyari kaya napasugod ako dito. I'm glad that you're safe." Napatingin ito sa kanya. "I-I mean.. You and the b-baby."

Tumango ito. "Matapang ang baby namin ni Jonas. Kakapit lang siya." Nakita niyang hinaplos nito ang impis pa nitong tiyan. "Salamat sa pagbisita." Saka bumaling sa kanya.

"Walang anuman." Na sinabayan niya ng pagngiti.

Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang pamliya niya at pamilya nito. Mabilis na lumapit si Jonas sa dalaga at kinamusta ito. Tinapik naman siya ng ina sa balikat. "After the wedding, makakaalis kana. I already booked your flight tp Greece."

Ginagawa ng ina niya ito para sa kanya. Para makalimot at magamot niya ang sarili niya. Torture para sa kanya kung makikita niya sa malapit ang dalawa. "Okay lang ang bumitaw anak. Hindi 'yon masama. Ang mahalaga nasubukan mong magmahal, may kapalit man o wala." Pabulong nitong sabi.

"Thank you mommy. Thank you for understanding me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Aniya dito. Ngumiti ito.

"Dati, kapag nasasaktan si Jonas. Ikaw ang unang nagagalit. Ikaw ang totoong nagwawala. Kaya panatag ako na kahit hindi kita napapansing madalas. Alam kong kaya mo ang sarili mo. Alam kong kaya mong wala ako sa tabi mo."

Hinigpitan niya ang kapit sa kamay nito. "But i always need you Mom.. Palagi kong sinasabing tumanda man ako. I will always call my mother name, in joy and pain." Parents are part of ourselves. Kalahati nila ay tayo. Pero ang presensya Ng isang ina ang kabuuan ng pagkatao natin. Masama man o mabuti. Maliit man o malaki. "Happy Mother's Day Mom. I'm sorry kung delayed ako ng pagbati sa inyo." Kahapon ang Mother's Day. Because he is having a Connection trouble sa isla. Hindi niya nagawang tawagan ang ina kahapon para batiin ito.

Humilig ito sa balikat niya. "Thank you Son. And remember, i will always love you. You and Jonas."




To be continued...




-------

The pasabog? Up next!

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon