Chapter One

26.7K 597 34
                                    

He groaned when his phone snooze again. Fuck! Fuck it! Madaling araw na siyang umuwi. And what he wants now is a total sleep! Ibinato niya ang cellphone sa dingding at hinayaan magkalasog lasog iyon. Silence!

Hindi pa siya nakakabawi sa pagkakapikit ng muling may tumunog na naman and this time ang telepono naman na nasa bedside table niya. Napahawak siya sa buhok at naiinis na hinagod iyon. Kung sino man ang istorbong sinira ang tulog niya ay magbabayad ng malaki sa kanya.

"Hello!" Pagalit na sabi niya sa kabilang linya.

"Bro it's me. Jonas!" Napaismid siya. Ang kapatid na naman pala niya. Kambal sil ni Jonas. Magkasundo naman silang dalawa pero hindisa lahat ng bagay. Twins may be have the same features pero hindi lahat. Marami silang differences na dalawa.

"What is it Jonas? Inaantok pa ako." Walang kabuhay buhay na tanong niya. Imbes na maringgan niya ito ng pagpapikon ay malumanay pa itong nagsalita sa kanya.

"Can you do me a little favor brother? Kailangang pumunta ni Abby sa Rustan. She have to pick up something there. May aasikasuhin din siya. Pwede ko ba siyang samahan? She's ---."

"Okay I'll help her." Yun lang ang sinabi niya at pinatay niya ang tawag. Pitong taon nang girlfriend ng kapatid niya si Abby. At hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang magkakaroon ng milagro at malilipat sa kanya ang atensyon nito. Pero tila naghihintay lang siya sa wala. Si Jonas ang mahal ni Abby.

Mabilis siyang tumayo sa kama at hinagilap ang tuwalya. Kapag naririnig niya ang pangalan ni Abby. Nagkakaroon ng pakpak ang mga paa niya papalapit sa dalaga. Hindi niya ininda ang pagkirot ng ulo bagkus ay nagpokus siya sa paliligo.

Pagkabihis ay bumaba siya sa hagdan. Naabutan niya ang ina na abala sa paghahanda ng almusal. "Raffy!"

"Hi Mom." Humalik siya sa pisngi nito. Wala ang dad niya. Kasama ni jonas sa Singapore para sa annual business meeting nila doon.

Chief Operating Officer siya samantalang nasa Marketing Department si Jonas ito ang marketing president doon. "Ang sabi ng mga kasambahay ay kaninang alas kwatro ka lang daw umuwi. Saan ka ba galing ha?" Tanong ng ina habang abala sa ginagawa.

"Kasama ko sina Josue kagabi mom." Tipid niyang sagot. "Bye Mom."Humalik siyang muli sa pisngi nito at hinagilapa ng susi ng sasakyan niya na initsa lang niya kanina sa salas bago siya umakyat sa silid niya.

"Hey! Saan ka na namn pupunta? Walang pasok ngayon sa opisina." Habol ng ina niya.

Humarap siya dito. "Susunduin ko si Abby Mom. Nagpapasama sa Rustan." Nang marinig nito ang pangalan ni Abby ay lumuwag ang pagkakangiti nito.

"Ibinilin ng kapatid mo na samahan si Abby. Go! Puntahan mo na siya. And wait! Bring her here. Dito na kayo mananghalian." Nakangiting bilin ng ina niya sa kanya.

"I will Mom." Humalik siyang muli dito. Sumakay siya sa sasakyan niya at minaneho iyon patungo sa Condominium unit ni Abby.

May parang magic ang pangalan nito at nagagawnag ngumiti ng mga tao sa tuwing maririnig iyon. Para siya, nawawala ang problema niya kapag naririnig niya angpangalan nito. Hindi nga lang niya ito makasama dahil hindi naman ito kanya.

Nagsisisi siya kung bakit ang bagal bagal niya. Kung bakit si Jonas pa ang nauna nitong makilala at hindi siya. Edi sana siya ang boyfriend nito ngayon.

"Hi!" Nakangiting bati ni Abby sa kanya ng buksan nito ang pinto ng unit nito. "Shall we?"

Natulalang tumango siya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinagbabago. Natutulala pa rin siya sa tuwing makikita ito. "I-Ibinilin ka ni Jonas sakin." Pagpapaalam niya.

Tumango ito. "Nasabi nga niya sakin. Madedelat kasi ang uwi niya." Sabay silang sumakay ng elevator.

Nakikita niya ang glowing reflection nito sa salamin dingding. Halatang masayang masaya ito. "K-Kamusta?" Nag aalangang tanong niya.

Humarap ito sa kanya. "Okay naman. Mom and dad are still in state." Galing itong Houston noong nakaraang buwan. Naroroon kasi ang mga magulang nito. "Babalik sila dito sa pinas dalawang buwan siguro bago ang kasal."

"K-Kasal?" Kasabay ng tanong niya ay ang pagbubukas ng elevator. Nauna itong lumabas sa kanya bago siya sumunod.

Pagdating sa parking lot ay huminto ito bago humarap sa kanya. Itinaas ang kamay at may ipinakita sa kanya. "I'm getting married!" Nakangiting anunsiyo nito. Tila siya namatayan nang makita ang singsingna nasa palasingsingan nito. Wala na talaga siyang pag asa. Naunahan na siya. Wala nang milagrong magaganap.

"Aren't you happy? Nagpropose na sakin si Jonas noong binisita niya ako sa Houston! I'm so happy. After seven years, ikakasal na rin kami." Halata ang saya sa tinig nito. Kaya pala ganoon ito kaganda. May malalim palang dahilan.

Napakaswerte ni Jonas. I wish ako ikaw.




To be continued...

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon