Chapter Four

18.6K 476 27
                                    

Ngumiti siya kay Jonas nang tapikin siya nito sa balikat. "Thanks 'bro. Salamat sa pagtulong kay Abby habang wala ako."

Tumango lang siya. Iniiwasan niyang mapatingin sa dalaga. Nakasandig kasi ito sa dibdib ni Jonas. Palabas na sila ng airport. Naunang umuwi si Jonas kaysa sa ama nila. Jonas and Abby needs to settle their engagement party. Wala nang pagtangging nagawa ang mga ito ng sabihing nagkasundo ang dalawang pamilya para sa engagement ng dalawa.

"Wala 'yon. Alam mo naman na isang tawag mo lang kikilos agad ako." Aniya sa kapatid. Magiging abala na ang mga ito para sa sunod sunod na commitment nila.

"Thank you talaga. Ikaw lang ang makakapitan ko." Sinserong saad ni Jonas sa Kanya.

Pagkarating sa parking lot ay huminto siya. "Mauna na kayo. May dadaanan pa ako eh!" Nagsalubong ang kilay ni Jonas.

"Ha? Paano ka?" Sasakyan niya ng ginamit nila ni Abby papuntang airport.

"Don't worry about me brother. Kaya ko ang sarili ko. Magkikita kami ni Levi. Darating na rin siya mula Macau." Tukoy niya sa isa niyang kaibigan.

Kilala nito si Levi. Kapag may lakad silang magkakaibigan ay sinasama niya si Jonas. Dahil sa state ito nag aral. Wala itong maraming kakilala sa pilipinas. Kaya para makahanap ito ng mga bagong kaibigan kasa kasama niya ito sa mga lakad nila ng tropa. "Tatawagan ko si Levi. I'll invite him too. Para naman makilala nila si Abby." Nakasakay na si Abby sa loob ng sasakyan.

Tumango siya. "Okay 'bro. Ingat. " Kumaway pa ito sa kanya bago sumakay sa drivers side at pinatakbo ang sasakyan.

"You Sonofabitch! Pati ako dinamay mo sa pagsisnungaling mo." Mabilis siyang napalingon nang marinig ang boses ni Levi.

"Kakagatin lang ako ng langg kung sasabay ako sa kanila." sabi niya at naunang sumakay sa sasakyan nito na nakaparada di kalayuan.

"Kaya gagawin mo akong driver? At talagang sinabi mo pang galing akong Macau ha? Lanya, pare nanahimik ako sa bahay ni Taddeos. Paano kung magtanong ang kapatid mo kung kamusta ang Macau?" Mahabang tanong nito. Inagaw niya ang susi dito at siya ang nagmaneho.

"Edi sabihin mo Macau parin. Buo pa ang spelling di pa nawawala ang M sa Macau." Nagpakawala ng marahas na paghinga ito.

"You're unbelievable! Kung bakit namna kasi yung babaing yon pa ang gusto mo? Maghanap ka nalang ng iba." Napaderetso ang mga mata niya sa daan. Tila nakikita niya doon ang nakangiting mukha ni Abby.

"Kung ganoon nga lang ba kadali. Bakit hindi?" Sabay baling dito. Tinapik siya nito sa balikat.

"Okay lang 'yan pare. Pareho lang naman tayo. I still love Jen. And i'll do anything to win her back." Determinadong sabi nito. Pinsan ni Taddeos ang Ex girlfriend nito.

Sandaling huminto ang mga sasakyan dahil sa trapik. "So, what's the latest news about Taddeos? Balita ko may imported na housemate daw 'yun ah?"

Levi grinned. "Jackpot pare! Imported nga. Kaya pala hindi sumasama ang loko sa mga lakwatsa natin. Busy sa pagaasikaso sa bisita niya."

Nahawa na siya sa ginawa nitong pagtawa. "Going back to you Mr. Martyr. Kalat na samga society pages ang engagement party ng kakambal mo. Pupunta ka ba?"

Nilingon niya ito at sinabayan ng kunot noo. "As if i have a choice. I am his only brother. Baka magtaka 'yon kung wala ako."

Tumango tango ito. "Sabagay. Baka kung ano pa ang inisip niyon."

Makikipagkita siya kay Flor Arador ngayon kaya isasama nalang niya si Levi. "Hey! Bakit wrong way yata tayo." Awat ni Levi sa kanya.

"Sorry 'tol nakalimutan kong sabihin sayong may meeting pala ako. Dahil nag abot ka na ng tulong lubusin mo na." Nakangising sabi niya na ikinamura nito.

"The fuck!"




To be continued...


--------

Para sa mga paulit-ulit na nabibitin,
Sorry po.. Maikli lang po talaga akobg mag ud. Less than 1k words per chapter lang po ang nagagawa ko. Kapag sinuswerte ay umaabot po ng 1500 words or 1700 pero minsan lang po yun mangyari. Kaya sa mga umuusok ang bumbunan dahil sa bitin.. Paalala: mainit po ang panahon ngayon. Ingat.

Love lots,
Ai:)

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon