Chapter Eight

16.3K 387 7
                                    

"You know what? Madali lang naman ang sagot sa Problem mo." It was Levi.

Nasa Men's club silang dalawa na pag aari ni Tobias Alejandro. Kaibigan ng kaibigan ni Levi. They're not so close pero magkakilala sila. He met the guy several times, nakasama na rin niya sa isang galaan ito. "And your suggesting?"

"Chase her. Agawin mo siya sa kapatid mo." Derestsong sabi ni Levi.

Nagsalubong ang kilay niya. "You know i can't do that!" Nagtagis ang bagang niya.

"Tol, yun lang ang sagot sa ikatatahimik ng puso mo." Tila balewala nitong sabi. Mariin niyng naikuyom ang mga kamao.

"If you have nothing good to say, wag ka nang magsalita." Sabi niya. Tinignan niya ito ng masama. "I can't betray my brother. At ang payong sinasabi mo ay kamatayan lang ang magiging dahilan." Hindi niya magagawang saktan si Jonas.

"So, magtitiis ka na lang? Binabaril na kahit saan ang mga martir. Anong akala mo kapag nagpakamartir ka? Sa luneta ka rin babarilin?" He smirked. "Tol, mas mabuti pang wag ka na munang magpakita sa kanila. Tutal ayaw mo rin namang agawin si Abby kay Jonas edi mag disappearing act ka muna."

Dalawang linggo ang inilagi niya sa isla. Isla kung saan kasosyo niya si Flor. Hindi makakasama ang dalaga kaya siya ang umasikaso noon. Kasama ang pinsan nitong si Walter. That guy, na walang ginawa kung di sundan siya ng tingin at titigan. Natatakot na nga siya kapag nakikita niyang papalabas ito ng barracks kung saan magkashare sila.

"Oh! Yes Jos.. Ako nang bahala. I already call Engineer Loyzaga. Yes!" He turned off his phone and he went back to the barracks. Galing siya sa dagat. Naisipan niyang maligo doon. Kauspa niya si Josue dahil naiwan niya ang blueprint na ibinigay ng isang engineer sa kanya. Sinabi nito na ipapadala nalang daw sa isla. Hindi daw ito makakasama. And he know why. Alam niyang target nitong siluin si Flor. Good luck sa plano niya. Sure siyang mahihirapan ang kaibigan niya.

Nasa bungad na siya ng barracks ng mapansin niyang may tao sa improvise bedroom na laan para sa kanya. May lalaking nakaupo doon habang hawak ang brief niya!

"Hindi mo naman sinabi sakin Florentina na gwapo at may abs pala itong si Mr. Padilla!" Nanlaki ang mga mata niya ng magbago ang boses ni Walter. Mula sa matikas ay naging maliit at malandi iyon. "Wala siya dito. Naliligo sa dagat. Oo gaga ka! Nanakawin ko nga itong brief niya para naman may souvenir ako pagbalik ko ng San Simon. Sus, di ito makikita ni tatay. Iisipin niya akin 'to." Tila kilig na kilig pa ito habang nakikipagusap sa cellphone. "Dios me! Sa gabi nga natutulog ng nakaboxer lang... Ay oo malaki hija! Feeling ko nga nawewet ako palagi!"

Lalong lumaki ang hinala niya kung ano ito. Bakla si Walter. At ang gagp siya pa tlaga ang pinagnanasahan.

Umiyak pa sa kanya si Walter. Di nalang niya pinatulan. Nakauspa na niya si flor at sinabi niyang hindi niya gustong makasama ulit sa isla ang kuya nito. Baka gahasain pa siya ng baklang 'yon.

Inabante niya papasok ng garahe nila ang sasakyan niya. Pagbaba niya ay katahimikan ang sumalubong sa kanya. "Manang Trining, nasaan ng mga tao dito?" agad na tanong niya ng salubungin siya ng isang kawaksi.

"Nasa ospital po sila ser. " Kumunot ang noo niya.  Kinakabahan siya, baka inatake ang daddy niya ng altapresyon.

"Bakit sila nasa ospital? Kamusta sila?" Malakas ang boses na tanong niya.

"Si mam abby po kasi Dinugo kanina habang kumakain dito. Pero sabi naman po ni Madam okay na si Mam abby." Dinugo si Abby? Iyon agad ang tanong na naglalaro sa isip niya. Bumangon ang pag aalala sa kanya. Pamangkin niya ang nasa sinapupunan ni Abby. Anak ng kapatid niya kaya normal lang sa kanya ang matakot ng ganito.

Tinanong niya ang kawaksi kung saang ospital at mabilis siyang pumaroon.




To be continued...



GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon