Chapter Two

22.3K 537 36
                                    

"Macchiato Latte please."

Nakatingin lang siya sa dalaga habang nakaharap ito sa counter ng isang coffee shop. He invited her to have some coffee and she said yes. Ito ang unang pagkakataon na nayaya niya itong lumabas na walang ibang purpose.

They went out several times, pero dahil 'yon sa may mga ipinagagawa ang kakambal niya na kailangan ni Abby ang tulong niya. Pero ito ang unang pagkakataon na kasama niya ito ng walang ibang dahilan. "Pareho talaga kayo ni Jonas.. He love macchiato."

Ngumiti ang dalaga sa kanya bago binitbit ang tray na may lamang kape at Waffle. "Marami kaming mga bagay na pagkakapareho. Kaya siguro magkasundong magkasundo kami." Nakangiti pa nitong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Halata nga eh. He---."

"Excuse me! I have to take this call. Natawag kasi ang kapatid mo." Tumayo ito at lumabas ng Coffee shop. Sinundan lang niya ito ng tingin. Mula sa glass wall ay tinanaw niya ito sa labas. Masayang kausap nito ang kakambal niya mula sa kabilang linya. Kahit pa siguro aminin niya sa dalaga ang nararamdaman niya dito ay wala na ring saysay dahil malaman man niya'y hinding hindi naman niya makukuha ang puso nito.

"Mr. Padilla! It's nice to see you here!" Nang angat siya ng tingin ng makita ang isang babaing nakasuot ng asul na maong pantalon at puting kamiseta na may malaking mukha ni Tweety bird. Namukhaan niya agad ito. Ito si Flor Arador.

Ngumiti siya at tumayo. "Hi Ms. Arador! Looking good huh?"

Tumipid ang ngiti nito. "Same pants and same shirt? Well, i'll take that as a compliment."

Ipinaghila niya ito ng mauupuan. "So, doing some business here?" Tanong agad niya. Kailan lang ay dumating ang proposal nito sa kanya. And he haven't read the papers dahil sa tambak na trabahong iniwan ng ama niya.

Nagkibit balikat ito. "Actually, ikaw talaga ang sadya ko. Saktong napadaan ako dito to confirm na ikaw nga ang nakita ko kanina sa parking lot. Tama nga ako." Ibinaba ng waiter ang black coffee na inorder nito. "So? Nakapagdecide ka na ba?"

"Not yet Ms. Arador. Nasa drawer ko pa ang proposal mo. And I'm planning to study it pag uwi ko." Tumango tango ito.

"I hope magustuhan mo. The island is so cool. Maraming hikers ang gugustuhing puntahan 'yon dahil sa mga rock formation. And i believe, mas magiging romantic pa ang lugar na 'yon kung madedevelop natin." Nabanggit na ni Taddeos sa kanya ang isla ng isa nitong kakilala. Ipinagbili iyon at hindi niya akalain na ito pala ang nakabili.

"Don't worry Ms. Arador. As soon as i read the papers i'll set a date for us." Tumango tango ito. Natanaw niyang papalapit na sa lamesa nila si Abby.

"I'm sorry, napahaba ang usapan namin ni Jonas." Hinging paumanhin nito saka naupong muli.

"It's okay. Ahm, Abby she's Flor Arador,  A friend." Ngumiti si Abby.

Nilahad nito ang kamay. "Hi, Flor. I'm Abby Villablanca Raffy's brother fiancee."

Gumanti rin ng ngiti si Flor at mainit na tinanggap ang pakikipagkamay ng dalaga. "Congratulations Ms. Villablanca."

Mahinang natawa ito. "Just Abby. Abby nalang. And thank you."

Parehong maganda ang dalawang babae. Pero para sa kanya'y kakaiba ang gandang mayroon si Abby. Maputi't mamula mula ang balat. Just like some Korean Empress Beauty. Yung bang, kapag napadiin ng hawak mo sa kanya ay posibleng magmarka ang daliri mo't kamay. Bukod doon ay mabait pa. Totoong maswerte si Jonas.

Kumagat lang ng ilang kagat si Abby sa Waffle niya bago humarap sa kanya. "I'm sorry Raffy pero kailangan ko nang pumunta sa Eastwood. P-Pero kung di ka naman makakasama okay lang, kaya ko---."

Pinutol niya ang sinasabi nito. "No! Sasamahan kita. I won't let you travel alone." Kumunot ang noo nito. "I mean, ibinilin ka sakin ni Jonas. Lagot ako doon kapag pinabayaan kita." Tumango ito.

Humarap naman siya kay Flor. "Paano Ms arador? Mauna muna kami sayo. See you around." Ngumiti ang babae sa kanila. Sabay silang naglakad ni Abby palabas ng Coffee Shop.

Pinagbukas niya ito ng pintuan. "Alam mo maganda yung si Ms. Arador.. Mukhang bagay kayo." Nahinto siya sa akmang pagsasara ng pintuan ng magsalita ito. Napatingin siya dito. "Oh? Bakit? Ayaw mo ba sa kanya?"

Umiling siya. "Iba kasi ang gusto ko." Tipid niyang sagot. Sumakay siya sa Driver seat at sinimulang iistart ang sasakyan.

Mula sa peripheral vision niya. Nakita niyang ikinabit nito ang seatbelt nito. "You are not getting any younger Raffy.. Soon kakailanganin mo na ring magsettle down. We witnessed how you play around.. Bakit hindi mo Seryosohin yung natitipuhan mo? Malay mo siya na pala ang da one mo."

Gusto niya ang suhesyon nito. Pero may problema. "She's already taken." Bahagyang nagulat ito pero dagli lang.

"Edi ipaglaban mo. Kagaya ng ginawa ni Jonas sa mga magulang ko. Ipinaglaban niya." Alam niya iyon. Gusto ng mga magulang ni Abby na makatapos muna ito. Pero masyadong mahal ng kapatid niya si Abby kaya ipinaglaban nito iyon sa mga magulang ng dalaga.

"I doubt it. Kahit ipaglaban ko siya ay hindi parin siya magiging akin.." Nakitaan niya ng kuryosidad ang mga mata nito. Nakakatuwang nakakapagusap sila ng personal niyang buhay ngayon.

"Bakit naman?" Tanong muli nito.

"Dahil hindi ako ang mahal niya." Dahil ang kakambal ko ang mahal mo.



To be continued...



-----

May pasabog ang kwentong ito. Kung ano? Abangan! Hehehe

GENTLEMAN Series 12: Raphael PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon