Chapter 3

20.7K 503 35
                                    

Maaga nga siyang nagising para samahan si Ate Joney sa trabahong sinasabi nito. Pumili na nga siya ng matinong damit pra mamaya. Karamihan kasi sa nabili nito sa kanya ay napakadaring. Mabuti na lamang ay nakapili siya ng matinong dress.

"Tandaan mo Rox. Ngayon nandito ka sa Japan ikaw si Sakura." Sabi nga ni Ate Joney habang inaayos niya ang buhok ko.

"Pero..." hindi ko na nga natapos ang aking sasabihin ng pinandilatan niya ako ng mga mata kaya naman ay tumungo na lang ako.

Narating na nga namin ni Ate Joney ang lugar na sinasabi niya na kanyang pinagtatrabahuhan. Masikip ang daan papunta sa pinagtatrabahuhan ni Ate Joney. Pagkapasok namin sa loob ay nangangamoy ang sigarilyo at hindi maintindihang amoy sa loob. Parang pinaghalong pabango na ewan.

"Hey, Miss Aki. Here is Sakura. I told you yesterday she will be working here." Tinignan nga ako ni Miss Aki mula ulo hanggang paa. Nailang ako sa pagtingin nito sa akin. Ganito ba talaga lahat ng mga manager dito mapangmata? Parang dun lang din sa maid cafe na una niyang pinasukan.

"She is flawless. Good Choice Jones. She may work right now. Just brief her about what we do. I'll entrust her to you I have a client. Bai bai." Umalis na nga si Miss Aki matapos akong ihabilin kay Ate Joney.

"Bakit Jones ang tawag sayo Ate Joney?" Takang tanong naman niya dito.

"Kapag nandito ako Joney ang pagkakakilala nila sakin. Screen name. Yung sayo Sakura. Halika. Ipapaliwanag ko sayo ang mga gagawin." Sabi nga ni Ate Joney at hinila na ako nito sa kwarto kung saan maraming mga damit na nakasabit. Nakikita niya na para itong damit ng mga dancer sa club. Napaisip tuloy siya.

"Ate Joney ano ba po talaga itong pinasok ko na trabaho?" Tanong niya dito.

"Rox, makinig ka di ba gusto mo makita ang ina mo? Pero wala kang pera para sa mga private investigators kaya ito ang sagot. Magiging escort ka dito or hostess." Sabi naman ni Ate Joney. Nagulat naman siya sa narinig.

"Pero po---Ate Joney hindi--" hindi na nga niya tuluyan natapos ang sinasabi niya ng inirapan siya ni Ate Joney.

"Isipin mo na lang Rox kabayaran mo ito sa mga pinanggastos ko sayo. Kaya sumunod ka na lang ha. Ayoko ng maarte." Sabi nga sa kanya ni Ate Joney. Nararamdaman naman niya ang panginginit ng kanyang mga mata. Ang nagbabadyang luha nga sa kanyang mata ay pumatak na.

"Heto isuot mo! Huwag kang iiyak Rox. Hindi ka aasenso kung puro iyak na lang tandaan mo Sakura pangalan mo dito." Binigay na nga ni Ate Joney ang damit na isusuot niya pero nanatili siyng umiiyak. Hindi niya maigalaw ang sarili.

"Sakura! Huwag babagal bagal. Bilisan mo diyan." Sinigawan na nga siya ni Ate Joney at pumunta na nga siya sa may CR. Nagpalit na siya ng damit. Pinunasan na rin niya ang kanyang luha.

Pagkalabas niya sa cr ay hinila na agad siya ni Ate Joney papunta sa isang kwarto nandun din ang mga kababaihan na katulad niya.

"Hi! Welcome to AI Club. As a newbies, you're here to give pleasure to our clients." Nagulat na naman siya sa sabi ng babaeng ito. Hindi siya mukhang japanese para mgang amerikana dahil sa blonde na buhok nito. Natakot naman siya sa mga paliwanag nito.

"You have to wait for you to be called and as you can see there's a big glass on that wall. There you will be chosen if you will be the companion of our client. Do your best girls." Nagkameron ng komosyon pagkaalis ng babae na nagpaliwanag ng gagawin namin. Dahil sa tingin niya siya lamang ang Filipino na nandun nanahimik na lang siya at tahimik na nagdarasal na sana ay hindi siya mapili.

Nag-intay nga sila sa loob ng kwarto ng biglang pumasok ang isang babae. Tanda niya Miss Aki ang pangalan nito.

"You! Sakura! Come here!" Nagtinginan naman ang tao sa loob at siya nanatiling nakatungo. Kinulbit naman siya ng kanyang katabi.

Libidinous Series 7: Gui Etienne DelacroixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon