Chapter 10: Epilogue

24.4K 648 41
                                    

"Vroom! Vroom! Pipittttt!" Nagising ako mula sa boses ng aking dalawang taong gulang na anak.

Napangiti naman ako na nakapunta na pala ito sa kwarto namin ni Gui. Buti na lang pala ay parehas na silang nakadamit ng asawa bago pa sila madatnan ng anak.

"Ano ang ginagawa ng cute na cute na baby Sage namin?" Malambing na tawag niya sa anak. Napatingin naman ito at tumalon nga ito sa kama namin.

"Mommy! Mwa." Hinalikan pa nga ako ng aking anak at yumapos pa ito sakin.

"Hungry na ba si Baby?" Tanong naman niya sa anak. Nakita niya na 7 am na nga paniguradong gutom na ito. Mula kasi nang ikinasal sila ni Gui ay naging independent na sila. Pinili niya na maging hands on sa bahay pati na sa anak pero dahil na rin sa trabaho ay naghire sila ng yaya ni Sage na dumadating tuwing 10 am at umuuwi ng 6 pm. Kung meron din silang yaya pa ay taga-linis na lang ito na pumupunta every week.

"Yes, mommy! I want muffins!" masayang sabi ng anak sa kanya.

"Sure baby but first lets wakey wakey daddy muna ha." Sumangayon naman sa kanya ang anak at dinaganan na nga nito ang ama nito at sabay nga namin kiniliti ang mahimbing na natutulog na si Gui.

Naalimpungatan naman si Gui at ito naman ang kumiliti kay Sage.

"I'm the tickle monster." Napuno nga ng halakhakan ang kwarto namin dahil sa kulitan ng mag-ama.

"Da-daddy! S-stop! Hahahaha." Tawa nga ng aming anak. Nang makaramdam na din ng kapaguran ay tumigil na nga ang mag-ama at sabay sabay na kami bumaba upang magagahan.

Inihanda ko na nga ang gagamitin sa aking pagluluto nang niyapos ako ni Gui mula sa likuran at hinalikan ang batok ko. Nakaramdam naman ako ng pagtaas ng balahibo. Pansin niya din na masyadong active ang hormones niya tuwing siya ay nagbubuntis.

"Honey, ang aga aga oh nandiyan si Baby Sage." Hinalikan nga ako nito at tumawa. Nakita ko naman na busy ang anak sa nilalaro nitong sasakyan.

"Don't worry honey, alam kong pagod ka kagabi at mapapagod ka ulit mamaya kaya let me do the chores today." Sabi pa nga nito sa akin at pinapapunta na ako sa may dining table.

"But honey--" hinalikan nga ako ni Gui ng mabilis sa labi.

"Honey, huwag nang makulit. Ayoko din na napapagod kayo ni Baby." Bumaba pa nga ito upang halikan ang baby bump ko. She is preggy again with their second child. She is hoping na babae naman sana ang lumabas sa susunod. Sinunod na nga niya ang asawa at pumunta na nga sa dining table upang samahan ang anak sa nilalaro nito.

Napapatingin naman siya sa likod ng asawa. Ang sexy sexy talaga ng likod nito at nagfeflex pa ang muscles kapag gumagalaw ito. Ang swerte swerte niya talaga dito.

"Mommy!" Napatingin naman siya sa anak. Nagpouty lips ito sa kanya na parang may tinuturo sa kanyang mukha.

"Baby? May problem ba?" Tanong naman niya sa anak na may nginunguso pa rin.

"Mommy yung laway mo po." Hinawakan naman niya ang gilid ng labi at naramdaman nga na may basang parte dito. Nahiya naman siya sa anak kaya agad niyang pinunasan ang gilid ng labi niya. Nagmukha na ba siyang bulldog dahil sa paglalaway kay Gui?

"Breakfast is ready!" Narinig nga namin na sabi ni Gui. Ibinaba na nga nito ang ginawang muffin pati na ang bacon and eggs na niluto nito.

"Yey!" Masaya naman na sabi ng anak. Nagumpisa na nga silang kumain.

"Honey, say ahhh." Nakita nga niya na nagaabang ang muffin na sinusubo sa kanya ni Gui kaya namanay agad niya itong kinain.

"Thank You." Kinuha din nito ang gatas. Akala niya ay ipapainom nito kay Sage na busy sa pagkain ng muffin at bacon pero iniamba nito ito sakin at pinapainom ako.

Libidinous Series 7: Gui Etienne DelacroixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon