"Ma'am Rox. May naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi nga ni Kia sa kanya. Ito ang ginawa niyang manager sa cafe niya. Nasa 40's na ito at mukhang bata pa rin. May lagi din itong Haponesa.
"Hindi ko po alam kung ano pangalan niya pero gwapo po siya." Sabi na nga lang nito. Isa lang naman ang gwapong pumapasok sa isip niya. Sino pa nga ba? Kundi ang lalaking umangkin sa kanya.
Dalawang araw na din ang nakakalipas ng mangyari ang kapusukan namin sa cruise ship ni Gui. Matapos din ng pangyayaring yun ay nagmadali ako na magbihis at iwan nga si Gui dahil hinahanap ako ni Renge at sa dalawang araw na iyon ay hindi ko nakausap si Gui. Nahihiya naman ako na kunin ang number nito kay Renge dahil baka may isipin itong iba.
"Pakisabi pupunta na ako." Nauna na nga si Kia sa kanya. Inayos niya na nga muna ang gamit sa lamesa at lumabas na sa opisina.
Tinanong ko nga kay Kia kung sino ang naghihintay sa akin at itinuro na nga niya ang isang anghel na nakaupo sa may bandang dulo ng cafe. Nakatitig lang ito sa frappe nito. Kinuha niya nga muna ang cellphone niya at kinuhanan ito ng picture.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Agad niyang tanong dito ng makalapit siya sa inuupuan nito.
Napansin nga nito ang presensya niya at tinignan ang suot niya mula ulo hanggang paa. Medyo nahiya nga din siya sa sailor moon costume niya nga ngayong araw.
"Bawal na ba bumisita dito ang lalaking umangkin sayo?" Namula naman siya sa sinabi ni Gui. Tumingin din siya sa kanyang paligid may mga tao na napatingin nga sa kanila. Nagpeace sign nga siya sa mga ito.
"Pwede ba tumahimik ka diyan. Maririnig nila." Sabi niya nga dito at pinandilatan ito ng mata. Tumaas naman ang sulok ng labi nito.
"It's better. Malalaman nila na akin ka." Nagsitaasan naman ang lahat ng balahibo niya sa buo niyang katawan. Teka puso kalma. Ikamamatay niya ata ang pinagsasabi ni Gui. Pero hindi dapat kailangan huwag siyang magpadala sa salita.
Nagkasala na nga siya sa pangako niya kina sisters dahil sa pakikipagsiping sa lalaking ito. Ayaw na naman niya magkasala dahil sa matatamis na salita na binibitawan nito. Kailangan niya din maging wise no.
Umupo na nga siya sa katapat na upuan nito.
"Gui, I just gave my purity to you but it doesn't mean that you own me as well. Hindi naman ako katulad ng ibang babae diyan na matapos nila malasap ang langit ay malalamon na ng sistema. Aba sinuswerte ka yata masyado kung magpapaangkin na lamang ako sayo. Pangarap ko pa din naman na masulatan ng love letter no tapos makareceive ng flowers at chocolate." Tuloy tuloy na sabi pa nga niya dito. Ngumiti naman ito sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa mga kinukuda ko sa kanya? Wala naman di ba?
"Then I see you like men doing chivalrous acts in modern times." Sabi nga nito sakin mukha naman itong seryoso na may iniisip. Nakakunot pa nga ang noo nito.
"Aba dapat lang no! I believe chivalry isn't dead. Lahat naman ng babae pinapangarap yung may gentleman na magsasabi sayo na maganda ka things like that." Sabi niya pa mga dito at inirapan ito. Porke hindi lang kasi ito gentleman nako nako. Ngumiti naman ito sa sinabi ko.
"I will not tell you that you're beautiful Sakura rather I will make you feel it." Heart ito ka na naman. Nagiging abnormal ka na naman. Magkakasakit talaga ako nito sa puso sa mga ginagawa ni Gui.
"Che! Hindi mo ako makukuha sa mga salita mo. To see is to believe Gui." Sabi niya dito at tatayo na nga siya para iwan ito baka tuluyan na talaga kasing lumabas sa dibdib niya ang napakakulit niyang puso.
"That's why I'm here. I will not just let you see it but I also want you to feel it. So will you go out with me?" Kosu! Gosh. Bakit ba ito nambibigla? Sasama ba ako? Lalo naman bumilis ang tibok ng puso ko. Ano na? Gosh.
BINABASA MO ANG
Libidinous Series 7: Gui Etienne Delacroix
General FictionWarning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading Gui Etienne Delacroix. A man who is an angel personified on the outside. Just looking by his face girls...