"Sigurado ka bang hindi ka dadalaw sa burol ni Gui?" Sabi muli sa kanya ni Renge. Inirapan na nga lang niya ito at tumingin na lang sa bintana ng sasakyan. Pagod na siyang sabihan ito na buhay pa si Hui at naasa siyang babalikan siya nito.
Paakyat na nga sila sa daan patungo sa departure area ng makita niya ang isang silver na range rover na kanilang nadaanan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng nakita na nakasakay dito si Gui kaya naman ay ikinusot niya ang mata kung tunay nga anag nakita pero wala na ang range rover.
Huminga siya ng malalim. Niloloko na naman siya ng kanyang utak pero hindi niya maiwasan isipin na baka nga si Gui ito. Hindi nga niya namalayan na tumigil na pala ang sasakyan kaya ay umalis na din siya sa pagkakasakay. Tinulungan naman siya ni Renge upang maibaba ang maleta niya.
"Salamat." Sabi nga niya sa kapatid at tipid itong nginitian. Kinuha na nga niya ang kanyang maleta at pupunta na sa loob ng airport.
"Roxanne!" Tawag muli sa kanya ni Renge. Nilingon naman niya ito at agad siya nitong niyakap. Napatigil siya pero ito yung yakap ng isang kapatid na hinahangad niya noon pa.
"Rox, magiingat ka sa Japan." Sabi nga ni Renge sa kanya.
"Oo Ku-Kuya. Magiingat ako. Paalam." Nasambit niya din ang Kuya dito nginitian muli siya ni Renge at nagpaalam na.
Kaya niya ito! Makakaya niya ito. Gusto man ipahiwatig sa kanya ng kapatid na wala na talaga si Gui pero hindi niya makakaya. Handa niya itong intayin kahit pa nga na pumuti na ang kanyang buhok.
---
"Maraming Salamat Ritzo." Sabi niya nga kay Ritzo na siya pa lang kapatid ng kanyang Lola Estelle."Iiwan na kita rito Gui. Maligaya ako at nakita ka namin muli. Sana'y bumalik ka muli sa Toulouse." Sabi pa nga nito sa kanya. Tinanguhan naman niya ito at niyapos pa siya nito. Ibinigay na rin sa kanya ang kanyang mga maleta.
Nagtaka naman siya dahil ngayon lang niya napansin ang maraming sasakyan sa loob ng kamyang bahay. Nakita niya ang mga sasakyan ng kanyang mga kaibigan. Maging an sasakyan ng ilan niyang kaibigan na nasa ibang bansa ay narito rin.
Napupuno din ng liwanag ang buo niyang kabahayan. Naglakad na nga siya papasok sa gate ng kanyang bahay ng natigil sa paguusap ang mga bisita at napatingin sa akin ang iba nga ay napa sign of the cross pa.
Parang nakakita ang mga ito ng multo. Pinagbalewala na nga lang niya ang mga ito at pumasok na siya sa loob ng kaniyang bahay. Nakita niya dito ang lahat ng kanyang mga kaibigan.
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pabababyaan
Hindi kita malilimutan
Kailnmay di pababayaan . . .Narinig naman niya ang pagkanta ng mga ito ng kanta ni Basil Valdez. The fuck! Hindi naman ako patay.
Nakita niya nga ang pagtayo ng kaibigang si Hutch at nag sign of the cross pa ito. Magpapastor ba ito.
"Narito tayo ngayon upang dasalan ang ating yumaong mahal na kaibigan na si Gui. Gui kung nasaan ka man ngayon hangad namin ang kasiyahan mo. Tayo po ay mag-alay ng panalangin." Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa sinasabi ni Hutch. Nakita niya pa ang bakas ng kalungkutan sa mukha nito. Tumahimik nga ang mga ito.
"Ehem!" Napukaw naman niya ang atensyon ng mga ito kaya naman napatingin sa kanya ang mga kaibigan. Gulat na gulat ang mga mukha ng mga ito. Gusto na niya matawa pero pinipigilan niya.
"Insenso! Alayan ang ating kaibigan ng insenso!" Sigaw naman ni Aziel. Nakita niya naman na tumayo si Thatcher at kumuha nga ng insenso.
"Gui, mahal namin kaibigan. Masaya kami na dinalaw mo kami sana'y maging maluwalhati ka na." Sambit naman ng kaibigan niyang si Caden. Aamin na sana nga siya pero natutuwa pa siya sa kanyang mga kaibigan. Nakita niya nga din na napaluhod si Cad at nagalay ng panalangin.
BINABASA MO ANG
Libidinous Series 7: Gui Etienne Delacroix
General FictionWarning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading Gui Etienne Delacroix. A man who is an angel personified on the outside. Just looking by his face girls...