Chapter 8

18.5K 419 24
                                    

"Sigurado ka ba Gui sa gagawin mo?" Tanong ni Blaine sa kanya. Kasama niya ito papunta kung nasaan ngayon si Eton.

"Oo Blaine. Matagal ko na din ito gustong gawin." Sabi niya nga sa kaibigan. Narating na nga nila ni Blaine ang gate ng mansion ni Eton at agad silang hinarangan ng mga armadong kalalakihan na nagbabantay.

"Kakausapin ko ang ama ko." Gusto niyang masuka sa kanyang sinabi pero kailangan niya ito upang makapasok sa loob ng mansion. Agad naman binuksan ng mga tauhan ang gate upang papasukin sila.

"Iiwan na kita dito Gui. Magiingat ka. Ipapahanda ko na rin ang chopper mo. Ikaw na ang bahala kay Eton. Pinapaubaya ko na siya sayo." Iniwan na nga siya ni Blaine. Ito ang nakakaalam kung nasaan ang pamamahay ni Eton kaya ito ang naghatid sa kanya pero inabesuhan niya na ito na ipaubaya na lang sa kanya ang kinikilalang bastardong ama. Sa katunayan ay plano na rin ni Blaine na kitilan ang buhay nito sapagkat tapos na itong gamitin si Eton sa mga illegal transactions nito at wala na din itong silbi pa sa industriyang kinabubuhay nila ni Blaine. Sa pagkakaalam niya din ay naghihirap na ito at ang tanging pag-asa na lang upang yumaman muli ito ay kung makukuha nito ang yaman niya pero hinding hindi siya makakapayag. Magkakamatayan muna sila at pagbabayarin niya ito sa ginawa nito sa magulang niya.

Nasa may pinto nga siya ng sinalubong agad siya ng isa sa mga katulong nito.

"Pinapatawag po kayo ni Don Eton. Sumunod po kayo sakin." Nauna na nga sa kanya ang matandang babae at sinundan na niya ito patungo sa isang kwarto.

"Well! Well! Well! Gusto daw ako makausap ng aking pinakamamahal na anak." Bungad sa kanya nito habang humihithit ng sigarilyo. Gusto na niya agad ito barilin ngunit pinipigilan niya ang sarili niya. Gusto niya na maghirap ito upang maranasan nito ang ginawa sa kanyang ama at ina.

"Huwag mo ako tawaging anak dahil kahit kailan hindi ka naging isang ama." Sabi nga niya dito. Humalakhak naman ito at tumayo.

"Siguro nandito ka dahil alam mo na ang katotohanan ng iyong pagkatao at dahil na rin nandito ka nararapat na din siguro na sumunod ka na sa mga magulang mo para sa akin na ang yaman niyo!" Humalakhak nga ang matanda at Itinutok sa kanya ni ang baril nito pero maagap siya sabay lang nila tinutukan ang isa't isa.

"Hayop ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa magulang ko!" Nagpakawala na nga siya ng putok pero idinaplis niya ito sa balikat ng matanda. Nakita niya pa ang pagbitaw ng baril nito at ang dugo sa balikat nito. Nagsipuntuhan din naman agad ang ang mga alipores nito at tinutukan siya ng mga ito ng baril.

"Walanghiya ka Gui! Pagbabayaran mo ito! Isasama ko na rin ang babaeng mahal mo para makilala ng magulang mo." Hindi nga natinag si Eton at tumawa pa ito. Nag-init naman agad ang ulo niya sa sinabi nito. Gawin na nito ang lahat laban sa akin huwag niya lang pakikialaman si Roxanne. Hahawakan nga sana siya ng dalawa nitong alagad pero inambahan agad niya ang mga ito ng suntok na siya naman nagpatumba sa dalawa. Agad niyang nilapitan si Eton at hinawakan ito sa leeg. Nagpupumiglas ito pero hindi niya ito hahayaang makatakas.

"Sige lumapit kayo! Papatayin ko ang amo niyo!" Tila mga naging maamong tupa nga ang mga alipores nito at hindi sila nilalapitan.

"Mga lintek kayo! Patayin ang lalaking ito!" Sabi ni Eton pero idiniin niya ang baril sa sentido nito. Mukhang natakot ang mga alipores nito kaya naging maingat ang mga ito sa paglapit.

Paatras silang pumunta sa elevator at pinindot niya ang rooftop. Nakita niya naman na aligaga ang mga alipores nito palabas. Tamang tama naman dahil pagdating nila sa rooftop ay nandun na ang chopper niya. Nakita niya din na papalapit sa kanila ang tauhan ni Eton.

"Walanghiya ka Gui!" Sigaw pa ng maranda. Nahihirapan itong magsalita dahil sa pagkakahawak niya.

"Manahimik ka kung gusto mo pa mabuhay!" Dinala na nga niya ito sa kanyang chopper at ang mga tauhan naman nito ay nagpaulan na nga ng putok sa chopper niya.

Libidinous Series 7: Gui Etienne DelacroixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon