Rain's POV
I'm so exhausted. Pagkatapos magcheerdance, nagswimming pa ako. Anyways, nakita ko yung abs ni bibi Thunder. He's really hot talaga.
Pero joke lang, tummy talaga yun.
Ewan ko ba kung san napunta ang abs ni Thunder eh noon nga confident pa syang magpakita ng abs. Ipagmukha pa nya sa mga babaeng nilandi nya.
Pero infairness, nakita ko abs ni Eizon at Grey. Worth it naman palang sumali ng swimming eh wink wonk.
Sinabit ko na ang bag sa balikat ko at ready nang umalis. Ginulo ko ang basa kong buhok at dumaan muna ng locker para kunin yung uniform kong nilagay ko kanina sa loob.
Lumabas ako ng locker room at biglang bumungad sakin ang isang babaeng may mahabang buhok na nakatalikod sakin. Dahil inakala kong white lady, napatalon ako sa gulat.
"Omg! Okay ka lang?" Lumingon sya sakin at napahawak naman ako ng dibdib.
(A/n: anyways, ang cuuuuute nya dito shocks 😍)
"Grabe ka gurl" umubo ako, "Grabe ka naman. Kagulat ka!"
Tumawa sya at ginalaw ang kamay nya, "Ay bes lantad ka na, wag ka nang magpanggap pa" napairap ako. Masyado bang halata na bakla ako?
Tiningnan ko ng mabuti ang mukha nya, "Ay kilala kita!" Tinuro ko ang mukha nya.
"Huh? Nagkita na ba tayo?" Tanong nya.
"Hindi" naglakad ako paalis at sumabay naman sya, "Pero naalala ko yang mukha mo. Alam kong ikaw yung nilandi ni Thunder nung last last I dunno week basta naalala kita. Nagpablack hair ka lang at nagpabangs pero yung mukha mo, yun parin. Blonde ka dati diba?" Tumango sya, "Told yah"
"So kilala mo si Thunder?" Tanong nya.
"Seriously? Tinatanong pa ba yan? Isang Thunder Rios? Hindi ko kilala? Besh, top 1, pogi, playboy, pogi, mabait, pogi, may abs, at pogi. Nako bes, akin yun eh" tinakpan nya ang labi nya at hinampas ako sa braso.
"Grabe ka, wag mo namang angkinin. Balita ko nga may gusto na yung iba eh" sabi nya, "Alam mo ba yung masakit? Yung akala ko seryoso sya nung kami pero isa pala ako sa mga babae nya" napairap sya, "Pero mabait naman sya eh kaya siguro crush ko parin sya hanggang ngayon"
"Teng, what's mine is only mine. A.kin.lang.sya. And dream on beshie, hindi yun madaling sumeryoso sa ibang babae pwera nalang kung si Snow. Tangnang malanding chaka doll na yun, akala nya siguro na ikaganda nya ang paghalik nya kay Thunder—"
"Hinalikan nya si Thunder?! Sino sya? Grabe lantod, sino sya papatayin ko!" Winagayway ko ang kamay ko at inalis ang mukha nya na muntik nang dumikit sakin.
"No need na, ako na ang bahala dun" sabi ko sakanya.
"Pero sabi mo.... Hindi sya madaling sumeryoso pwera lang kay Snow? Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK I : The Love Cycle
HumorKung homo ka tapos hindi support yung kupido sa LGBT community, edi malas ka. Sabi nga ng definition na serendipity sa merriam-webster, it is the luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for which means ang...