Thunder's POV"Stooormy~" tinanggal ko ang headphone na nasa ulo ko nang pumasok si Mommy sa kwarto.
"Po?" Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ng kama.
"Bakit ang early mo naman ata umuwi?" Tanong nya sakin.
"Ahm, ang sakit kasi ng hips ko kaya agad akong umuwi" sagot ko which is 100% true.
Ang hirap din palang sumali ng cheerdance. Parang lahat ng buto sa katawan ay kailangang baliin para lang maging flexible yung katawan. (R.I.P NGA PALA SNOW) Sumakit tuloy halos buong katawan ko.
"Poor Stormy, gusto mo bilhan kita ng medicine para jan? Maggogrocery sana ako eh baka gusto mong magpabili—"
"No Mom, ako na ang bibili. Magpahinga ka muna dun. Kaya ko to promise. Give me the list nalang okay?" Tumayo para magbihis.
"Okay Stormy, wait a minute" nginitian ko lang sya.
My Mom always treat me like a child. Only child lang kasi ako kaya siguro ganun ang trato nya sakin. But I'm not those typical only-child. Hindi ako spoiled brat.
Ang gusto ko lang gawin sa buhay ko ay magsikap para maging proud sila sakin. Matino naman kasi talaga ako eh. Kung hindi lang talaga ako naimpluwensyahan kay Daddy, baka sakristan na ata siguro ako ngayon.
Kay Daddy ko lang kasi natutunan ang pagiging chickboy. Pero syempre never nyang pinagpalit si Mommy.
Kwento pa nya, nang dahil sa pagiging playboy daw nya ay nakilala daw nya si Mommy. Advice pa nya sakin...
"Subukan mong magkajowa ng maraming babae. Sure akong dun mo makikilala ang true love mo"
Bilang masunuring anak, sinunod ko yung advice na yun. Gaya nga ng sabi ko, I'll make my parents proud. Naging proud naman si Daddy.
"Daddy!! Guess what, I courted 10 girls in one day!! One of them cried because I cheated daw. Hindi naman kasi sya yung true love ko eh kasi ang kapal ng lipstick nya"
"I'm so proud of you anak. Pagbutihin mo yung paghahanap ah. Grabe nagmana ka talaga sakin"
At hanggang sa lumaki ako, yun na ang naging habit ko halos araw-araw. Pag may dumaan na babaeng easy-to-get, jinojowa ko. I did that because I want him to be proud. So don't blame me.
-
Nakatingin ako sa listahang binigay ni Mommy sakin habang tulak ko yung trolley. Puro lang naman mga pagkain yung nandito eh. Idagdag mo pa yung pampaganda ni Mommy.
Dahil siguro sa katangahan ko ay bigla akong napatalisod kaya natulak ko ang trolley ko kasabay nun ang pagbangga nito sa trolley ng iba. Agad ko tong hinila ay nanghingi ng pasensya sa babaeng may-ari ng trolley.
"Sorry Miss, di ko sinasadya" atsaka ko dahan-dahang inalis ang trolley ko dun.
"Thunder?" Kunot-noo kong nilingon yung boses na yun.
"Yvon? Ikaw pala. Sorry nga pala ah, hindi kasi ako nakatingin" sabi ko at nginitian sya.
"It's okay. Nabigla lang ako dahil nakita kita. It must be fate— uh I mean coincidence" sabi nya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Right, I didn't expect to see you here too" sagot ko naman sakanya.
Mukhang nailang naman sya sakin kaya nagsalita ulit ako.
"Sabay nalang kaya tayong maggrocery. Mukhang mahaba din yung listahan mo eh" sabi ko.
Tumingin sya sa hawak nyang papel at balik sakin, "Oo nga eh. Sige, sasama nalang ako sayo. Hindi kasi ako sanay maggrocery mag-isa eh kasi minsan si Yvan yung kasama ko dahil sya yung marunong pumili" sagot nya.
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK I : The Love Cycle
HumorKung homo ka tapos hindi support yung kupido sa LGBT community, edi malas ka. Sabi nga ng definition na serendipity sa merriam-webster, it is the luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for which means ang...