chapter 15 - someone's home

1.1K 63 21
                                    

Snow's POV

"Si Hyena yan?" Napatingin ulit ako kay Ceijan bago ibalik ang tingin ko sa babaeng blonde na nakatalikod mula sakin,"Seryoso?"

Tinuro nya ang blangkong mukha nya, "Natatawa ba tong mukhang to?" Tanong nya. Hindi naman ako sumagot.

Umirap sya at binuksan ang gate ng bahay nila. Pumasok narin ako at sumunod sakanya. Nilapitan nya si Hyena na nagdidilig ng halaman at hinila ang mahabang buhok nito. Nagulat naman ito at agad na pinalo ng tabo si Ceijan.

"Bastos kang gagu ka!"

Right, boses palang, Hyenang-Hyena.

Lumingon sya sa likod nya nang maramdaman nyang may tao. Napatingin sya sakin bago tumingin kay Ceijan at pinalo nanaman ng tabo.

"Nakalabas ka lang ng bahay nagdala ka na ng girlfriend!" Sabi nya dito. Napataas ang isang kilay ko at napatingin kay Ceijan na halatang gusto nang murderin si Hyena. Napatawa ako ng mahina, "Pero infairness ah, may taste ka gagu. Ang ganda~" at tsaka siniko ang gilid ni Ceijan. Siguro masyadong low-tempered si Ceijan kaya hindi na nya napigilang masapak si Hyena.

"Sigurado ka bang kilala ka ng babaeng to, Snow?" Tanong ni Ceijan sakin. Nagkibit balikat lang ako.

"Ewan ko sakanya. Parang nakalimutan na nya ako eh" sabi ko.

Napatigil si Hyena at napatingin ulit sakin. Tumingin sya kay Ceijan habang nakaturo ang tabo sakin. Tumawa ulit ako.

"As in Snowflakes? Snowflakes Medina?"

"Oo ako nga yun. Grabe, wala naman akong pinagbago pero nakalimutan mo na ang mukha ko" sabi ko sakanya. Napatakip sya ng bibig at hinampas ang balikat ni Ceijan.

"Seryoso? Bakit— Di nga?" Napairap si Ceijan at pumasok na ng bahay. Lumapit naman si Hyena sakin at hinawakan ang pisngi ko, "Ikaw nga! Bakit hindi mo sinabing babaeng babae ka na?"

Hinampas ko ang braso nya kaya tumawa sya, "Baliw ka talaga. Eh ikaw nga yung mas nagmukhang babae sating dalawa eh! Nasaan na yung kilala kong Hyena na inakala kong lalaki noon dahil ayaw magpahaba ng buhok?!" Tanong ko at hinila ang mahaba nyang buhok.

"Eh yung Snow na hindi marunong mag-ayos ng sarili— or walang pake sa sarili. Huh? Ano nang nangyari?" Tanong nya.

"Magtatanungan nalang ba tayo dito? Spill mo na kasi kung bakit naging ganyan ka?" Pagpupumilit ko sakanya.

Umirap naman sya at kinamot yung ulo nya, "Eh panong hindi ako magpapahaba ng buhok eh may babaeng habol ng habol sakin. Di ko naman sya type. Tsaka inakala ba naman akong lalaki? Muntik na akong makainom ng gayuma putek" sabi nya sakin.

"Wow, gayuma talaga? Anyway, kamusta America?" Tanong ko.

"Ayun, lugar parin" blangkong sabi nya.

Umirap ako dahil dun.

Sya si Hyena. Yung tomboy na kaklase ni Kuya. Akala ko nga lalaki sya eh— ampogi nya kasi pag nakaboy cut, sinasabi ko sainyo. Kung interesado pa ako sa mga lalaki nun, malamang crush ko na sya. Pero nah, I'm born tibo kaya dedma ko sya noon. Naging close lang kami nung bigla syang nanlandi sakin— aba syempre binulgar kong di ko sya type at babae gusto ko— at dun ko nalamang babae pala sya.

Ilang buwan din kaming naging kaibigan pero lumipat sya ng America. Nang-iwan yung mokong.

 Nang-iwan yung mokong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[✔] BOOK I : The Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon