Multimedia: Arjon Denfckingford (chrr hahaha)Thunder's POV
"....I'm afraid that I will hurt you Thunder"
"You won't hurt me Snow, I trusted you okay?"
"Pero-"
"I'm going to buy some food for you, hintayin mo ko dito okay?"
"Let me explain" hinawakan nya ang braso ko at hinila ito palapit sakanya. I sighed at tumungo para tingnan sya.
"Why are you explaining?" I asked, "You don't have to explain that thing. I just want to know why are you afraid of hurting me Snow. Dahil ba may pagkakataong babalik yung feelings mo sakanya?"
"Tf! Thunder, hindi! I'm talking about our relationship that day, hindi dahil kay Yoah"
"Then why? Dahil ba hindi mo pa talaga ako mahal?"
"Thunder, bakit mo naman nasabi yan...."
Napatigil ako nang mapalunok sya. Naluluha narin sya kaya biglang umatras dila ko. I didn't mean to say that. I didn't mean to doubt her feelings.
"Thunder mahal kita. Mahal na mahal kita. H-Hindi ko lang alam kung k-kaya ba kitang ipaglaban kagaya n-noon. Takot lang ako dahil baka.... maulit muli yung dati" pumikit sya at kasabay nun ang paglabas ng likido na dumaloy pilik-mata nya, "Oo gusto ko noon si Yoah, p-pero hindi ko kayang ipagsabi saiba na may relasyon kami. Akala nya kinakahiya ko sya pero hindi pa talaga ako handa nun. H-Hindi tanggap ni Kuya yung kasarian ko, hindi pa alam ni Mama't Papa na may girlfriend ako... Kaya nya ako hiniwalayan dahil dun... dahil takot ako. Nasaktan ko sya at nung makita ko sya, parang bumalik yung guilt sakin"
Yung naninigas kong balikat ay bigla nalang bumagsak. The moment when the tears dropped from her lashes, I also felt the pang on my chest. This is my first time seeing her cry especially infront of me. And I know Snow, sya yung klaseng babaeng hindi iiyak sa isang hindi masyadong big deal na bagay or kahit man lang sa mga emotional movies, novels or etc, hindi sya maiyaking tao. And watching her cry for the first time, parang sumikip yung dibdib ko.
Hinawakan nya ang pisngi ko and I flinched. Malamig yung kamay nya at parang nagulat lang ako dahil sa sudden coldness.
"Thunder...."
Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang ikulong sa bisig ko at potektahan sya. She looks so fragile kumpara sa typical nyang pagkatao.
And I did. Niyakap ko sya ng napakahigpit at binalik naman nya ang yakap.
"Don't cry" bulong ko at hinalikan ang tuktok ng ulo nya, "i understand, wag ka nang umiyak. I respect your decision, hindi ako ganung klaseng tao okay? I trusted you and trust me for this Snow. Hindi kita sasaktan, hihintayin ko yung araw na handa ka nang ipagsigaw sa mundo na merong tayo. Just.... don't cry"
"I love you I love you I love you so much" napangiti ako sa cute nyang boses.
"I love you more"
"Are we okay now?" Tanong nya at nagkibit-balikat lang ako.
"Kelan ba tayo hindi nagiging okay?" Ngumiti sya at bigla nalang hinalikan ang ilong ko.
"Hindi ako nagsisising sayo ako napunta" sabi nya kaya namula naman ako.
"Hindi rin ako nagsisising pumunta sa dance room para tingnan yung mga sumasayaw sa loob. That was the first time you got my attention"
"Oh? Haggard ba ako nun?"
"Nope, you're actually hot" at nagkunwari akong may kinakaing maanghang.
"Ibang level talaga yung kamanyakan eh no?"
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK I : The Love Cycle
HumorKung homo ka tapos hindi support yung kupido sa LGBT community, edi malas ka. Sabi nga ng definition na serendipity sa merriam-webster, it is the luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for which means ang...