Snow's POVAgad akong napatalon palabas ng taxi at tininghala ang malaking gate ng Neo. The school's huge and I felt so small. Bakit kasi ang laki ng gate tungunu.
Lumapit ako sa guard ng school at tiningnan lang nya ako. Kumaway ako at pinakita sakanya ang ID ko sa school namin.
"Kilala mo si Antonio?" Tanong nya sakin habang chinecheck yung bag ko.
Pagkarinig ko nun, ipis yung lumabas sa utak ko. Pero dahil guard yung kausap ko, naalala kong Antonio pala pangalan ng guard namin."Oo, si Kuya Antong, barkada ko yun" sabi ko sakanya.
"Hahahaha naman, chick magnet yun" bigla akong napatawa dahil dun. Baliw tong si Manong, "Ano pala pakay mo dito iha?"
"Mahirap i-explain pero... " kinuha ko ang isang papel na nakaipit sa isang notebook ko tsaka binigay sakanya, "Ipapakita ko lang daw yan sainyo"
"Oh sige, makakapasok ka na" pinagbuksan nya ako ng pinto kaya napangiti ako. Excited na ako!
Pagpasok ko palang, agad akong napatinghala. Kaya pala ang taas ng gate eh ang taas rin pala ng building sa loob. If i-estimate ko yung floors sa bulding, siguro mga 10? Hanglaki!
Napatingin ako sa oras at mukhang malapit na ang recess time. Kung hindi nga kasi ako shunga, hindi ko pa nahingi number ni Liam. Edi sana, nakatake advantage na rin ako.
Hindi naman sa inlababo ako kay Manalo, idol ko lang talaga sya. Nung tomboy pa ako, pinangarap ko talagang ako nalang sya. Like duh, he's perfect. Kung liligawan man nya ako, hindi talaga ako magdadalawang isip na sagutin sya.
Pero joke lang, ayokong nagtaksil sa kulog na yun.
So dahil recess na nila, pakalat-kalat na yung mga estudyante ngayon. Alam mo talagang masyadong sosyal tong school na to dahil sa uniform palang at sa mga tao- grabe I can smell money. Hindi na ako magtataka kung bakit ito ang dream school ni Sunny. They have usually the foreign students, hindi narin ako magtataka na may makikita akong bitches and such dito.
"Snow!" Nagulantang ako nang marinig ko ang pangalan ko. May nakakakilala sakin dito!?
Pero agad akong napahinga ng malalim nang makita ko si Liam, Arjon and friends. If I'm not mistaken, sila ang NCite dancers, shemz watudo?
"Yow!" Sabi ko at nakipag-appearan kay Liam. Syempre close na kami no, ako na siguro ang pinakaswerteng fangirl sa buong daigdig!
"Hey Snow, you ready?" Tanong naman sakin ni Arjon. Napatingin naman ako sakanya at tumango.
I remember na pinagbantaan ako ni Thunder kahapon. Tanginang kulog, hindi nya sinabi sakin kung anong reason kung bakit ang sungit nya pagdating kay Arjon. Mukhang cool naman tong lalaking to tapos mukhang ka-vibe ko pa.
"Wag na wag kang makipagclose dun! Tatandaan mo yan Snow, please lang"
Bilang stubborn na babae, syempre wala si Thunder dito, I'm free. And I'm friendly!
"I'M READY!"
-
Oh shit. Napasapo ako ng noo habang nakatingin kay Dion - isa sa mga dancers ng Ncite.
"Hindi pa nila nasabi sayo?" Tanong nya sakin.
"Hindi! Akala ko talaga kaming tatlo, okay na sana kung si Liam pero bakit si Arjon?"
Nayukom ako ng kamao at hinampas sa noo ko yung knuckles ko. Bakit in the first place hindi nila ito sinabi?
Eh kasi naman, this project is supposedly kasayaw lamang si Arjon habang si Liam ang magchochoreograph and I'm expecting na sasali si Liam saamin! Fudge, edi sana hindi nalang ako sumali. Pag nalaman to ni Thunder, baka paalisin na nya ako dito.
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK I : The Love Cycle
HumorKung homo ka tapos hindi support yung kupido sa LGBT community, edi malas ka. Sabi nga ng definition na serendipity sa merriam-webster, it is the luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for which means ang...