Sunny's POV"I'm sad" napabuntong hininga ako habang ibinagsak ang ulo ko sa balikat ni Mint. Katabi ko sya sa subject ngayon.
"You're so bipolar. Parang kanina lang, halos lamunin mo na ako dahil sa kakatawa mo" nasapak ko naman sya dahil dun. Ang pangit ng pagkasabi nya. Feeling ko tuloy nagmukha akong Kingkong eh.
Isinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat nya habang napapikit. Nagtuturo parin si Maam sa harapan at imbes na makinig ay may iba akong iniisip.
My dream last night was weird. Hindi naman sya nightmare - pero still, maituturing kong bangungot parin yun.
It's Rain inside the church habang yung sarili ko nasa pinto ng simbahan. I saw him with someone sa harapan ng altar but the girl- hindi ko alam kung sino. I saw Rain turned his head towards me. Slow motion pa nga yun eh tapos parang ang creepy ng pagkalingon nya sakin. Huwahahaha parang nasa pagpag na paglingon. Nakita kong ngumiti si Rain sakin and in the blink of an eye, nasa harapan ko na sya then-
"Hey! Are you going to sleep this time?" Tanong ni Mint kaya napamulat ako ng mata.
"I'm not. I'm just thinking some things" sabi ko sakanya.
"Things like what?"
"That what if one day, marerealize ko nang hindi talaga kami para sa isa't isa?" I asked.
Natahimik si Mint sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya. Napatigil din sya sa pagsusulat.
"Why?" Tanong nya.
"Tanga ako. Kahit alam kong imposibleng magiging kami ni Rain, iniisip ko paring magiging kami rin in the future. The thing that's bothering me is, pano kung susuko ako? Pano kung matauhan ako?" Tanong ko sakanya, "Sometimes it's really good to be stupid. Kasi kapag tanga ka, hindi ka susuko kahit sa isang bagay na napakaimposible"
I heard him chuckled.
"You mean the gay Rain Castillo?" Tanong nya. Naramdaman kong ililingon nya sana ang ulo nya pero agad ko syang pinigilan. Umalis ang nakasandal kong ulo sa balikat nya at inusog lalo yung chair ko papunta sakanya.
"Wag ka ngang lumingon, baka mahalataan nyang sya ang pinaguusapan natin" sabi ko.
"I just can't believe you're inlove with that... gay" sabi nya.
"Mr. Dizon, FYI, kalat na po yan sa buong campus. Siguro hindi ka lang talaga chismoso kaya wala kang alam tungkol dun" sabi ko sakanya.
Nagkibit balikat lang sya at ngumiti, "Well I wonder, bakit bakla parin sya?" Tanong nya.
Kunot-noo ko syang tiningnan, "What do you mean by that?"
"Who can resist a girl like you Meguera?" Tanong nya.
Natahimik naman ako. Hindi ko alam kung anong mafefeel ko sa sinabi nya.
"Edi wow?" Yun lang siguro ang dapat kong sabihin.
"Well, you're pretty and smart. Minsan ka lang makakakita ng babaeng ganun. Siguro kung ako sya, magiging lalaki ako para sayo" sabi nya habang nakangiti ulit sakin. Nailang naman ako sakanya ng kunti pero ngumiti naman ako pabalik.
"Iba kasi si Rain" sabi ko sakanya, "Hindi naman kasi porket maganda ka na, kaya mo nang painlabin ang gusto mo sayo. In my case? Imposible talagang mai-inlove yun sakin" sabi ko.
"It's his loss" ngumiti lang ako.
"I know. Lucky him, pinanganak akong loyal" sabi ko sakanya.
"So you'll wait?" Tanong nya. Kibit-balikat lang ako na parang wala lang yun sakin, "I can say, he's too lucky"
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK I : The Love Cycle
HumorKung homo ka tapos hindi support yung kupido sa LGBT community, edi malas ka. Sabi nga ng definition na serendipity sa merriam-webster, it is the luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for which means ang...