Sunny's POV
"Sawakas nandyan na ang ating mahal na Juliet!" Napairap si Miss Diaz— moderator namin— nang masilayan nya kagandahan ko. Charrot. Napangiti nalang ako at inangat ang gilid ng gown ko tsaka yumuko.
"Paumanhin binibining Diaz" mahinhin kong sabi at pumalakpak naman ito. Tumawa ako pati narin yung mga kasamahan ko sa club.
"That's our Juliet!" Sigaw ni Jessie, yung secretary namin.
"Bagay na bagay talaga sayo yung role mo. Oh sya, magmake up ka na. Magsisimula na yung play after 30 minutes. Han! Nasaan na ba yun?" Tanong ni Miss Diaz.
"Nagbibihis pa po si Baylie Miss" sabi ng isang member habang sineset up na yung props namin sa stage.
"Okay okay, I'll be right back ha. Magready na kayo"
Umupo ako sa isang mesa habang sinusuklay ko yung buhok ko. Dumaan sa harapan ko si Yvan kaya pinatid ko sya.
"Ano trip mo?" Inis nyang tanong sakin.
"Tinrip ka" I chuckled at my pun, "Anyway, nakita mo ba si Rain?" Tanong ko sakanya.
Inayos nya kwelyo nya at lumingon sa paligid, "Hindi eh"
Umirap ako, "Wala ba syang sinabi sayo?" Tanong ko.
"Wala ngang sinabi sayo, sakin pa kaya?" Irap nya at pinaypayan ang sarili nya.
"Feeling mo manunuod yun?" Tanong ko.
"Duh! Palaging present si Rain sa mga play ko. Since dumagdag ka, baka pa-VIP na yun" natatawang sabi nya kaya natawa naman ako.
"Sira. Oh sya, pag nakita mo sya, sabihin mo nandito ako sa backstage" tumango naman sya at umalis na.
Nilabas ko ang phone ko sa bag at hinanap ang number ni Rain sa phonebook ko at nang mahanap ko na ay agad ko syang tinawagan. Lumabas muna ako ng backstage kahit nakacostume na ako. Hinintay ko syang sumagot pero sorry chuchuness lang yung maririnig ko.
"Nasaan na ba yu— AY BAKLA!" nabigla ako nang may umangat ng gown ko mula sa likod.
"Heyy~" napairap ako. Sinuntok ko sya sa braso pero tumawa lang sya.
"Rain! Where were you?" Tanong ko sakanya.
"Poster Making Contest. Snow got suspended kaya ako yung pinalit" sagot nya.
Wait, Snow? Suspended?
"Wait, bakit suspended si Snow?" Tanong ko.
"Masyadong makati yung kamay kaya nanampal ng babae. 1 week lang naman daw sabi ng principal"
I want to ask more but I think I'll reserve it nalang mamaya. Inayos ko ang gown ko tsaka hinawakan ang kamay nya, "May nahanap ka na bang seat?" I asked. Tumango naman sya.
BINABASA MO ANG
[✔] BOOK I : The Love Cycle
HumorKung homo ka tapos hindi support yung kupido sa LGBT community, edi malas ka. Sabi nga ng definition na serendipity sa merriam-webster, it is the luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for which means ang...