Psyche
Nagising naman ako ng maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.
"Psyche.."
"Hmm?"sagot ko at unti-unting minulat ang mga mata ko saka unti-unting bumangon. Nakita ko naman si Kuya Hades na nakangiti sa'kin.
I suddenly rubbed my neck dahil sa sakit. Nagka neck spasms pa yata ako dahil sa poor posture ko kanina pagtulog.
"Nandito na ba tayo?" I asked him. He nodded at binuksan ang pinto ng van. Ngayon ko lang napansin na kami nalang pala ni Kuya Hades ang natitira sa loob. Pati nga si Max,wala na eh..
"Where's Maxine, Kuya?"tanong ko ng makalabas kami ng van.
May tinuro naman siyang babaeng nakatalikod and I smiled.Si Maxine nga na busy-ing busy sa pagse-selfie. I roam my gaze and..
O.
M.
G.
"Woah! "
That's the only word that escaped from my mouth. I run out of words. I mean, no words can explain how beautiful this place is. So it's really the breathtaking Batanes.Now I know, why people love this place,dahil sa sobrang ganda ng lugar na'to. Its God's masterpiece afterall.
Pang first class pa ang view dito sa resort na'to. Mag e-enjoy talaga ako dito ng husto. I can restore myself before maging stress ulit sa pasukan, and yes! It's my last year of being a Senior high student!
Nandito pala kami sa Bernardo's Hotel nakabook.It's nice and elegant dahil sa puting kulay nito.Nakakadagdag sa pagiging refreshing nang lugar.
Kuya Hades booked this, kaya hindi na nakapagtataka na maganda. He has the taste about things that Kuya Zeus hasn't.Nagpaalam naman si Kuya Hades na ibababa na muna niya ang mga gamit kaya tumango lang ako. Sumunod ang tingin ko kay Matt na papunta kay Kuya Hades para tulungan siya. I broke my gaze at him when Maxine shouted.
"PSYCHEEEEE!!"
Nakita ko namang tumatakbo papalapit sa'kin si Max.
Ang laki ng ngiti ng isang 'to, abot hanggang langit."Oh?"tanong ko. Bigla naman niya akong hinila and she clinged into my arms.
"Bruha ka! Ba't ang gwapo talaga ni Hades my labs! Infairness ha ngayon ko lang napansin, hindi rin pala papaiwan si Poseidon. Si Zeus lang yata ligaw sa inyo eh. Ampon siya no?"sabi niya habang kinurot-kurot ako. Ang laki talaga ng galit niya Kuya Zeus.
Kuya Zeus, Maxine, Eros, Matt and I went to the same University. It happened kasi na sa ibang University nag-aral si Kuya Hades while si Kuya Poseidon naman sa ibang University dahil kay Ate Ella. They're second year college students this coming school year, each taking up the profession they want. Kuya Hades is taking up B.S Medical Technology, he's planning kasi to proceed to Med-school. Kuya Zeus is taking up Architecture while Kuya Poseidon and Ate Ella were both taking up B.S Accountancy. Relationship goals nga naman. Sabay-sabay nating sabihin ang gintong salita nang mga single. Sana all.
"Kung maka-react ka naman Max, kala mo naman hindi mo sila nakikita sa bahay kapag gumagala ka d'on." I hissed.
Umiling lang siya. "Hindi ko naman talaga sila masyadong nakikita ah! Everytime, na gagala ako sa inyo, Hades always locked himself in his room kasama ang mga libro niya. Kulang na nga lang kainin niya lahat ng pahina ng libro niya para lang tumigil siya at masulyapan man lang ang kagandahan ko. "she said and flipped her hair, bago nagpatuloy ulit sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Love You, Always
Teen Fiction'Love you, always' is a story of LOVE, TRUST and PAIN. 'Love you, always' Is easily said when you're in LOVE. ' Love you, always' Is hard to say when TRUST is already broken Can you still say 'Love you, always' if the PAIN is already swarming the...