Chapter One - Spaghetti sauce with fries

1.9K 30 3
                                    

Ara's POV

"Hi Ara! Good morning!"
"Hi Idol! Ang aga mo ah!"
"Uyy idol! Good morning"

Napapa ngiti ako sa mga taong nadadaanan ko at mga bumabati sakin habang naglalakad ako sa pathwalk ng DLSU. Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto kong mauna sa training namin at syempre para maaga ko siya makita.

Malapit na ako sa gym court namin ng makita ko si Yeye kasama si Kim na papalabas at mukhang kakain ang mga ito dahil medyo naririnig ko silang nagtatalo kung saan kakain.

"Sa McDonalds nalang kasi, Kimmy! Mas malapit yun dito eh." - Mika
"Ayaw ko mas gusto ko sa Jollibee dahil favorite ko dun ang tuna pie nila." - Kim

Mukhang hindi nila ako napapansin kaya naman humarang ako sa dadaanan nila at salamat naman dahil tumigil sila.

Pareho silang nakatingin sakin kaya naman medyo na awkward ako kaya naman ngumiti ako sa kanila bago nagsalita.

"Hi! Saan kayo pupunta? Hindi kayo mag ta-training?"

Nagkatinginan si Kim at Yeye bago ko nakitang napa irap siya sakin. Haaayy, still the same.

Ngumiti sakin si Kim bago lumapit sakin at inakbayan ako.

"Well, since nandito ka naman sumama ka na samin dahil kakain muna kami bago mag training para may energy pero hindi kami makapag decide kung saan paano ba naman kasi sa McDonalds gusto kumain ni Mika habang ako naman sa Jollibee kaya choose your side, my friend." - Kim

Hah? Bago ito ahh gusto na ni Mika kumain sa McDonalds? Samantalang dati medyo ayaw niya dun kasi mas type niya ang Jollibee. What happened?

"Ahm, McDonalds ako pre. Sorry!"

Nakita kong nalungkot ang expresyon ng mukha ni Kim habang si Yeye naman ay blank face lang.

"Dapat pala hindi nalang ako nagtanong kasi alam ko naman na si Mika ang boto mo." - Kim
"Tumigil ka nga diyan, Kimmy!" - Yeye

Hinampas muna ni Yeye si Kim bago ito naunang maglakad. Maglalakad na rin sana ako ng hawakan ni Kim ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Bakit? May problema ba, Kim?" Tanong ko sa kanya
"Bakit ka bumalik, Vic?" Tanong naman nito

Hindi na ako nagulat sa tanong niya dahil pang apat na siya na taong nagtatanong sakin niyan at iisa lang ang laging sagot ko.

"I came back because of her and because of the team."

Nagtitigan kami ni Kim bago niya ako binitawan at saka inakbayan at sabay na naglakad.

"Kung bumalik ka para suyuin siya ulit isa lang ang masasabi ko sayo ngayon. Mahihirapan ka ng makuha siya ulit, Vic. Nagbago si Yeye ng dahil sayo baka nakakalimutan mong siya ang pinaka naapektohan sa pag alis mo two years ago."

Alam ko naman yun at alam ko din na hindi magiging madali ang suyuin siya ulit dahil knowing Yeye mas mahirap pang suyuin yun kesa dito kay Kim.

"How is she by the way these past few years?" Tanong ko sa kanya
"Hmmm, still the same with a little twist of being a maldita and short temper plus she often smile to everyone." - Kim

Samantalang dati araw araw ko siyang nakikitang ngumingiti at hindi siya maldita dahil friendly siya sa buong campus.

Hindi na kami nag usap pa ulit ni Kim dahil nakita namin sa labas ng gate si Yeye na naghihintay with matching cross arms pa. That's not my Yeye!

"Ms, huwag ka namang maging masungit. Umagang umaga naka busangot yang mukha mo sige ka mamaya niyan maging unlucky day mo ito." Sabi ko with matching my sweetest smile

"Sino apba naman ang hindi bubusangot ang mukha kung ikaw lang naman din ang makikita ko sa umaga. Tara na nga! Gutom na ako!"

Aray! Ang sakit mo namang magsalita, Yeye. Pero okay lang alam ko naman kung bakit ka masungit sakin ngayon eh pero hindi ako susuko sayo ngayon pa na bumalik na ako.

Mika's POV

Nakaka inis naman! Sa dinami rami ng taong pwede namin makita ni Kim papalabas ng gym court eh si Ara pa! Ayan tuloy kasama pa naming kakain dito sa McDonalds. Kainis!

"Ako nalang ang o-order. Anong sa inyo?" Tanong ni Kimmy
"Hmmm, bigmac burger with large fries tsaka isang sundae." Sagot ni Ara
"Chicken burger with Spaghetti and large fries and sundae."
"Okay! Got it! Coke lahat, okay?" - Kim

Naiwan kaming dalawa ni Ara dito sa table at isa lang ang masasabi ko. NAKAKA SUFFOCATE! Hindi ako makahinga ng maluwag dahil kasama ko ngayon sa iisang table ang pinaka huling taong gusto kong itulak sa bangin! Nakaka inis talaga!

"Siguro pinapatay mo na ako sa isip mo ngayon."

Napatingin ako kay Ara nang magsalita siya at nginitian siya.

"Huwag kang mag alala buhay ka pa naman sa isip ko yun nga lang kinakawawa ka."

Sana pala ako nalang ang nag order at hindi si Kim kung hindi ba naman ako inunahan ng babaeng yun mag volunteer edi sana hindi ako kinakausap nito ngayon.

"Ahm, Yeye."

Masama kong tinignan si Ara dahil sa pangalan na ginamit niya. Grabe, ang lakas talaga ng loob at nakuha paring gamitin ang pangalan na yun.

"Sinabi nang Mika na ang pangalan ko at hindi na Yeye eh!" Sigaw ko dito
"Yeye or Mika man pareho lang yun. Pangalan mo parin yun or baka gusto mo tawagin din kitang Aereen?"

Diyos ko patawarin niyo po ako sa mga magagawa ko sa taong ito dahil baka hindi po ako makapag pigil at masapak ko ito.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong sabihin i don't give a damn anyway."

Wala akong pake kung mataray na ako sa mata niya eh sa ganito na ako ngayon eh. Mataray at mas palaban na Mika.

"So, can i call you mine?"

W-what did she say? Did i heard it right? She wants to call me mine ............

Focus, Mika! Galit ka sa kanya kaya huwag kang papa-apekto sa mga sweet words niya!

"Sapak gusto mo?" Sabi ko sabay amba ng kamao ko
"If i know nagulat ka sa tanong ko paano kasi ang tagal mo mag respond."

Inirapan ko nalang siya hanggang sa makarating si Kimmy dala ang mga orders namin.

Tahimik kami oh scratch that tahimik akong kumakain habang si Kim at Ara naman eh halos lahat na yata ng happenings sa buhay ng isat isa eh napag usapan na nila sa sobrang ingay. Grabe din itong si Kimmy ang dali makalimot sa ginawa nitong si Ara samin dati.

"Still the same, Yeye. Your still messy when you eat."

Napatingin ako kay Ara ng magsalita siya kaya naman napa kunot ang noo ko.

"Anong sinasabi mo diyan?" Mataray na tanong ko dito
"Messy means makalat, di'ba? Hahaha! May sauce ka sa labi mo, Mikang." - Kimmy
"Sus. Akala ko naman kung ano na edi pupunasan."

Pupunasan ko na sana ang gilid ng labi ko ng unahan ako ni Ara gamit ang isang ....... French fries?! At pagkatapos niya ipunas ang french fries sa labi ko eh kinain niya pa ito!

Damn! That move is so hot! Damn this girl and her moves!

Focus, Mika. Focus!

Inirapan ko nalang siya at bumalik nalang sa pagkain ulit pero hindi ko maiwasan sumulyap sa kanya pero nang titignan ko siya ulit eh nakita kong naka tingin din siya sakin kaya naman umiwas ako ng tingin.

Damn, you Ara Galang! Bakit ka pa kasi bumalik?!

*kring kring kring*

Narinig namin na tumutunog ang cellphone ni Kimmy kaya naman agad nitong sinagot iyon.

"Hala! Oo nga pala, ano? Sige sige MotherF papunta na kami diyan."

"Si MotherF ba yun?" - Ara
"Anong sabi?" Tanong ko
"Were late kaya siguradong lagot tayo kay Coach nito." - Kim

Patay! Lagot na! Late kami nito mamaya plus ilang rounds din yun nang run. Mukhang patayan nanaman kami neto sa practice ahh. Haaayy, buhay!

SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||Where stories live. Discover now