Chapter Twenty Three - Who's That Girl?

657 10 0
                                    

Mika's POV

Nandito ako ngayon sa mall at nag wi-window shopping dahil sobrang nababagot na ako sa bahay. Wala din naman sina Mama, Papa at ang dalawa kong kapatid dahil nagpunta sila sa mga kamag anak namin, nagpaiwan nalang ako dahil walang magbabantay ng bahay.

Pumasok ako sa Forever 21 para tumigin ng damit pero wala sa tastes ko ngayon ang magsuot ng mga pa girly type kaya naman pumunta nalang ako sa Uniqlo para bumili nalang siguro ng bagong hoodie. Matagal tagal na rin bago ako bumili ulit ng hoodie ko eh.

Nasa hoodie section na ako ng may napansin akong figure ng dalawang tao na kilalang kilala ko at ng medyo lumapit ako sa kanila eh tama nga ang hinala ko.

"Kimmy! Kianna!" Sigaw ko sa dalawang Kim

Lumingon naman sila sakin at sabay pang nag hug sakin. God! I miss them so so much!

"Kumusta na kayo? Going strong i see." I said
"Okay naman hero bumibili ng bagong damit si Kianna eh sinamahan ko lang." Kimmy
"Ikaw ang kumusta na, Ate Mika? We haven't heard anything from you after what happened eh kaya totally no news from you." Kianna
"Okay lang naman ako, guys. Heto mag isa nag ma-mall umalis kasi sila Mama eh kaya bored ako sa bahay ngayon."

We chat and chat as me and Kianna choose to which clothes we will buy. Si Kimmy naman ang naging instant taga bitbit namin dahil wala naman daw siyan type bilhin ngayon.

Nang matapos kami bumili ay naisipan naming kumain sa isang restaurant which is technically a Chinese Restaurant.

"Kumusta na ang LS and DLSU? I heard my mga bagong na recruits si Coach Ramil." I asked
"Oo madami siguro mga lima o anim ba yun? Mga babies pa eh kaya tinutulungan namin sila mag adjust sa team bago sila paglaruin this Season." Kimmy
"Double training nga sila eh kasi puro freshies pa talaga pero magagaling naman." Kianna

Napa tango tango naman ako sa mga sinabi nila. It's been a while mula nang maka graduate ako sa team and hindi na nag renew ng contract sa F2 kaya naman medyo wala akong balita sa kanila unless mag post sila sa social media accounts nila.

Nag kwentuhan lang kami buong magdamag hanggang sa dumating yung mga i order namin. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng magsalita si Kianna ay mali pala may binulong kay Kimmy.

"Boss, hindi ba si Ate Ara yun?"

Grabe naman itong si Kianna bubulong na nga lang eh maririnig ko pa.

"Tumigil ka nga diyan! Nandito si Mika eh."

Isa pa itong si Kimmy kaya talagang bagay na bagay sila eh kasi parehong baliw.

Tumingin naman ako sa likod ko particularly sa taong pinag uusapan nila and from there i can see HER with a woman?

"Sino yun?" Tanong ko kela Kimmy
"That's her new girlfriend. Michaela or Mika for short."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Kianna. So, magka pangalan kami?

"Gusto niya yata ang mga pangalan na Mika eh." I stated
"Bitter." Sabay na sabi nila
"Che! Hindi noh!"

Hindi ko nalang SIYA pinansin pa at nagpatuloy nalang ako sa pagkain namin. Habang kumakain naman ako ay napansin kong hindi na kumakain pa sina Kimmy and Kianna kaya naman tinignan ko sila at naka tingin lang sila sa likod ko.

"Huwag niyo na kasing tignan eh. Mamaya niyan lumapit satin eh." I said
"Huwag ka lilingon kung ayaw mong masaktan, Mikang." Kimmy
"G*go naka move on na ako!"
"Swear huwag talaga lilingon, Ate Mika." Kianna

And me being hard headed lumingon ako at nakita ko SIYA na kahalikan ang GIRL niya which is i find very disgusting. Like hello?! Nasa public place kayo kaya get a room guys!

Bitter mo naman, Mika.

Shut up konsensiya!

*Kring kring kring kring*

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang alarm clock ko at sa gulat ko pa ay nahulog ako sa kama ko. Sheet! Ang sakit ng pwet ko doon ah!

"A-aray ko naman." I said

Panaginip lang pala yun? Pero bakit parang ang weird? Kasi hindi man lang ako naging affected ng makita kong may bago na si Ara na. Ang weired ng panaginip ko.

Pero ano man yung panaginip na yun eh alam kong hindi yun magkaka totoo weird man or sweet.

I know my answer, Ara. I am now ready to see you and tell you my answer. 

SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||Where stories live. Discover now