Chapter Thirty Four - KAFtain knew it

521 8 0
                                    

Kimmy's POV

One Message Received

From: Boss Kianna ❤️

Boss! Nandito lang ako sa Razon's kung hahanapin mo ako 😊 kasama ko sina Shelby and Shane. Bonding and catching up lang! Loveyou 😘

Napa ngiti ako ng mabasa ko ang message sakin ni Kianna. Napaka sweet talaga ng boss ko! She never fail to amused me in her little things. Napaka swerte ko rin sa kanya dahil kahit na nag aaway kami and most of the time ako ang nag uumpisa laging siya ang umiintindi.

Nandito ako ngayon sa dorm room namin at ako lang mag isa dahil wala ang KARA 😂 ang dalawang bida may sariling moment at umalis kanina lang at malay ko ba kung saan sila pupunta dahil hindi naman nila sinabi sakin.

Beep beep beep

Napatingin ako ulit sa cellphone ko nang mag vibrate iyon. May nagtext na naman pala sakin and I'm sure si Kianna na naman yun 😊

0923*******

Pumunta ka sa ***** kung gusto mo pang makitang buhay si Kianna

Napatigil ako sa nabasa ko 😶 sino ito? Bakit nasa kanila si Kianna?

Pero kanina lang nagtext sakin si Kianna! Ano bang nangyayari?!

Susubukan kong tawagan si Kianna dahil malay mo prank lang ito. I dialled Kianna's number at nag ri-ring lang ito not until sinagot ang tawag.

"Hello Kianna? Nasaan ka?" Tanong ko agad
"Hindi ito si Kianna."

Wait! That voice! Kilala ko kung kanino ang boses na yun!

"Hayop ka! Nasaan si Kianna?! Saan niyo siya dinala?!" Sigaw ko

Packing Tape! Sinasabi ko na nga ba eh na sila ang may gawa ng lahat ng nangyayari na ito eh!

"Chill lang, KAF. Nasa magandang kamay ang boss Kianna mo."
"Don't you dare touch her or else i will skin you alive! Hindi ako makapaniwala na ikaw ang may gawa ng lahat ng ito tsaka siya!"
"Blah blah blah! Whatever! Kung gusto mo pang makita ang precious boss Kianna mo pumunta ka sa tinext ko sa'yo. Huwag mo rin subukang humingi ng tulong kahit na kanino dahil alam mo ang mangyayari kay Kianna at sa LS and GA."

Hindi pa ako nakakapagsalita ng binabaan niya ako ng tawag. Nakaka inis talaga! Sinasabi ko na nga ba eh! Bakit ba ako nagpa uto sa kanila? Tapos ngayon si Kianna naman na ang hawak nila! Sino naman ang isusunod nila?

Kailangan nang matapos ang kahibangan nila at ako mismo ang tatapos nito.

--------

Nakarating ako sa sinabi niyang lugar at masasabi kong nakakatakot ito pero hindi ako natatakot dahil mas natatakot ako sa kaya niyang gawin kay Kianna at sa LS and GA. Masyado na siyang kinakain ng galit niya kaya niya nagawa lahat ito.

Beep beep beep beep

Tinignan ko ang cellphone ko at tama ang hinala ko na siya nga ang tumatawag sakin. Sinagot ko naman agad ito habang iniikot ikot ang tingin.

"Nandito na ako. Nasaan sila Kianna?" Tanong ko
"Pumasok ka sa nag iisang pintuan diyan. Nandiyan silang lahat kasama ang Kianna mo."

Nakita ko naman agad ang pintuan na sinasabi niya kaya naman tumakbo ako agad papasok dito. Tama nga siya nandito ang LS and GA then si Kianna, lahat sila nakatali pero mas napukaw ang tingin ko sa mga GA dahil may mga dugo sila sa mga damit nila.

Walang hiya talaga! Pati mga bata dinamay pa nila sa kahibangan nila. Una kong nilapitan ang GA at sabay sabay silang ginising. Unang nagising sa kanila si Andrei kaya naman kinausap ko siya agad.

"Drei, kumusta kayo dito? Anong ginagawa nila sa inyo?" Tanong ko sa bata
"KAF! Anong ginagawa mo dito? Paano mo kami nahanap? Delikado dito kaya tumakas ka na!"

Nang dahil sa sigaw ni Andrei nagising silang lahat kasama ang LS pero si Kianna tulog parin sa isang sulok.

"KAFtain! Anong ginagawa mo dito?" Ricci
"Paano mo kami nakita dito, KAF?" Michelle
"Alam mo naman na siguro kung sino ang may gaw nito, right?" Aljun
"Mag iingat ka, KAF. Matatalino sila." Majoy
"Masyado na silang baliw, KAF." Des
"Sinong kasama mo, KAF? Ikaw lang ba mag isa?" Kib
"Kumusta na sina Ate Ara and Ate Mika? Buhay pa ba sila?" Dawn
"KAF! Si Ate Kianna kanina pa walang malay!" Brent
"Dinala siya dito kanina lang ng walang malay." Tin
"Tignan mo muna siya, KAF." Andrei

"Isang sagot para sa tanong niyo lahat. Mag isa akong pumunta dito at walang alam sina Ara and Mika and the rest of the team. Kahit sina Coach Ramil and Coach Aldin walang alam sa pagpunta ko dito dahil mahirap na kapag nalaman nila na sinabi ko sa kanila may gawin silang masama sa inyo. Alam ko din na ngayon lang dinala si Kianna dito dahil tinawagan niya ako mismo at tinext ang lugar na ito."

Pagkatapos kong sabihin sa kanila yun ay pumunta naman ako kay Kianna sa isang sulok na ngayon ay wala paring malay. Napa kuyom ang kamay ko sa galit dahil sa ginawa nila kay Kianna dahil may sugat ito sa labi niya at mukhang sinampal din ito dahil namumula ang pisngi nito.

"Boss baby? Gising na nandito na ang boss mo ......... Boss baby gising na."

Unti unti namang dumilit ang mata niya at nanlaki naman agad iyon ng makita niya ako sa harap niya. Niyakap ko naman siya agad dahil alam kong sobra siyang natatakot ngayon.

"How did you get in here?! Nababaliw ka na ba?! Dapat hindi mo siya sinunod!" Sigaw niya sakin
"Kung hindi ko siya susundin malamang may masama siyang gagawin sa inyo at ayaw kong mangyari yun alam mo yan!"
"Kahit na! Boss naman eh! Kimmy sa likod mo!"

Naging mabilis naman ang reflexes ko at agad na umalis kay Kianna. May isang lalaki na naka itim at may hawak hawak siyang baseball bat. Hindi niya ako tinamaan at hindi niya rin tinamaan si Kianna at mabuti yun dahil kapag tinamaan niya si Kianna mas lagot siya sakin.

"Well, well, well. Nandito na pala ang KAFtain natin eh."

Napatingin ako sa pintuan ng may magsalita at sobra akong nagulat sa nakita kong taong nakatayo doon.

Hindi maaari! Niloloko lang ako ng mga mata ko di'ba?!

"Ikaw kasama ka niya?"

Napangiti siya sakin. Isang ngiti na alam kong nakakatakot at nakaka tindig balahibo.

"Matulog ka na muna, KAFtain. Mahaba habang kwentuhan ang gagawin natin bukas."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla ko nalang naramdaman na may isnag bagay ang humampas sa likod ko at isang panyo ang nilagay sa may mukha ko.

"KAFtain!" Narinig kong sigaw ng GA and LS

"I'm sorry, Kianna." Sabi ko pagkatapos ay tuluyan na akong nilamon ng dilim

SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||Where stories live. Discover now