Mika's POV
"Huling kita ko sa kanila nasa klase pa kami tapos nang mag break time sinabi ko sa kanila na may kukunin ako sa library tapos hindi ko na sila mahanap. Akala ko nga nasa dorm lang sila eh kaya umuwi ako pero wala akong naabutan ni isa man sa kanila."
Nandito kami ngayon sa loob ng gym court at nag uusap usap. Well, mostly mga seniors ang mga nandito na sina Ara, MotherF, Kimmy, Kianna, Cyd, Ate Cha. Para sa Green Archers naman Jeron, Thomas, Prince, Ben. Si Jollo naman ang nagsalita kanina kung saan kinuwento niya ang huling beses na nakita niya ang Green Archers.
"Bakit kasi hindi ka nalang sumama sa kanila at sabay sabay niyo nalang kinuha ang libro mo sa library?! Edi sana nandito pa sila at hindi na kidnap!"
Napatingin naman ako kay Prince na sumigaw at sinenyasan ko si Jeron na hawakan siya dahil mukhang natakot sa kanya ang bata.
Alam ko ang nararamdaman niya ngayon dahil kapatid niya ang isa sa mga nawawala at na kidnap. Pero walang magagawa ang init ng ulo niya ngayon kaya naman sana huwag niya sisigawan ang bata.
"S-sorry po, Kuya Prince. Ang sabi po kasi nila sakin magkita kita nalang daw po kami sa kung saan sila dalhin ng mga paa nila at itetext nalang daw po nila ako." Jollo
Napaka coincidental naman at sabay pang nawala ang Lady Spikers at Green Archers? Ano ito plinano talaga na sabay silang kidnap pin? Para saan at para ano?
"Bakit sabay na kinidnap ang Lady Spikers at Green Archers? Anong gusto ng kidnapper?" Ara
"Walang sinabi samin basta nalang may tumawag samin ng sabay sabay at mukhang iisa ang sinabi samin lahat. Napaka weird nga kasi sabay sabay talaga." Thomas
"Ganun din ang samin kanina. Napaka creepy pero iisa lang ang tumawag." Kianna
"Sino naman kaya ang gagawa nito?" Kimmy
"Kung kausapin kaya natin si Coach Aldin? Malay niyo makatulong siya." Jeron
"Huwag. Alam niyo naman siguro ang sinabi ng kidnapper na huwag gagawa ng kahit na ano di'ba? Hintayin nalang natin ang sasabihin nila at for sure hindi nila basta basta gagalawin ang mga Lady Spikers at Green Archers." MotherFLahat kami ay walang magawa sa mga nangyayari ngayon 😕 alam naming lahat na kapag kumuha kami ng tulong kina Coach Ramil at Coach Aldin for sure sasaktan nila ang Green Archer at Lady Spikers at yun ang pinaka ayaw naming mangyari. Kahit na din sa mga upper head ng DLSU. Mukhang pinag aralan ng mabuti ng kidnapper na bawal kaming kumuha ng tulong at kami kaming mga seniors ang magtutulungan.
"Sino sino sa mga Lady Spikers ang nawawala?" Tanong ni Jeron
"Dawn, Tin, Majoy, Des, Michelle."
"Eh sa Green Archers?" Tanong ni Ara
"Ricci, Brent, Andrei, Kib, Aljun." Thomas replied"That's funny. Kung sino pa ang na kidnap eh sila sila lang din ang mga may past history." Ben
"Seriously, Ben. Naisip mo pa talaga yan? Sa dinami rami yan talaga naisip mo?" Prince
"Guys, wait. Mukhang may point si Ben." ThomasNapa isip naman ako sa sinabi ni Ben. Kung titignan mo may mga past history ang Lady Spikers at Green Archers. First si Kib and Des then si Majoy and Aljun next is Tin and Andrei next is Dawn and Brent and lastly Ricci and Michelle.
"Hindi kaya related din satin kung bakit sila na kidnap?" I suddenly asked
Lahat naman sila napatingin sakin at mukhang hindi na gets ang tanong ko.
"I mean hindi gagawin ng kidnapper ito kung hindi related satin, right? Tignan niyo nalang sabay na kinidnap ang Lady Spikers at Green Archers with the same time and day."
"Ibig mo bang sabihin na malaki ang possibility na may past history story din satin ang kidnaper?" Jeron
"Maybe. But the real question is paano sila na kidnap ng hindi man lang napapansin kung nasa school premises pa sila?"
"Malaki ang chance na hindi lang iisa ang kidnapper! At malamang nasa loob sila ng school at nagpanggap na estudyante dito kaya nila nagawa yun!" Ara
"Pero how come hindi sila napansin ng mga guards?" Thomas
"Decoy."Napatingin kami kay MotherF nang sabihin niya yun 🤔
"Gumamit sila ng decoy para magawa nila ang plano nila." MotherF
😐😐😐
Sumasakit ang ulo ko sa mga sunod sunod na problemang ito?! Bakit naman kasi nagka sabay sabay pa sila?!
*kring kring kring*
Sabay sabay na tumunog ang mga cellphone namin kaya naman sabay sabay din namin iyon sinagot pero this time niloud speaker namin.
"Magaling, seniors. Nahulaan niyo na rin na madami pala kami at hindi kami iisa lang. Pero kidnapper lang kami at hindi kami ang tunay na kalaban niyo dahil may mga BOSS pa kami at sila ang tunay na kalaban niyo."
"Ano bang gusto niyo?! Ibalik niyo samin ang kapatid ko at mga kaibigan niya!" Prince
*toot toot toot*
Bigla naman silang nawala sa linya kaya naman bagsak ang mga balikta namin na umupo sa bench at nag isip isip. May mas malakai na problema ang dadating alam naming lahat yun.
Una sa lahat paano namin ipapaliwanag kela Coach Ramil at Coach Aldin na nawawala ang mga members ng Green Archers at Lady Spikers. Pangalawa, paano namin sasabihin sa mga pamilya nila na nawawala sila at na kidnap sila ng hindi namin kilala? Pangatlo, sino naman kaya ang nagplano nito at napaka talino naman para gumawa ng ganito kalaking problema para samin?
Kung sino ka man 😠 humanda ka dahil kapag nalaman namin kung sino ka papaluin talaga kita ng bola hanggang sa hindi ka na maka hinga dahil sa ginawa mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/108733482-288-k349919.jpg)
YOU ARE READING
SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||
FanfictionAra Galang and Mika Reyes Story 💚 Everything about the story is purely an imagination of the author. If some scenes of the story is similar to the happenings in real life of the characters it is purely coincidental. No malice in every character in...