Chapter Ten - Yes or No

999 25 0
                                    

Third Person's POV

"Sa tingin mo magugustuhan ito ni, Yeye?"
"Oo naman, bruh! Favorite flowers yan ni Mikang di'ba?"
"Oo pero malay mo nagbago na siya ng favorite?"
"Don't be too paranoid, Ate Ara. I'm sure Ate Mika will love that!"
"Thank you for the motivation, Kimmy and Kianna."

Nasa isang flower shop sina Ara, Kianna, at Kimmy. Bumili kasi ng bulaklak si Ara para kay Mika para sa napaka espesyal na araw ngayon.

"Sooo, tototohanin mo na talaga?" Tanong ni Kimmy
"Oo naman, bruh. Alam mo namang seryoso ako kay Yeye eh."
"You better be serious, Ate Ara. Or else papaliguan ka naming mga Lady Spikers ng bola kapag pina iyak mo ulit si Ate Mika." - Kianna
"Opo. Opo! Grabe, Kimmy. Paano ka nakaka tagal kay Ms Kianna-sungit?"

Tinignan naman ni Kimmy si Kianna at saka inakbayan.

"Ito? Hmm, paano nga ba?" Tanong ni Kimmy sa sarili
"Kimmy naman eh!"
"Hahaha! Joke lang, babe!"

Natawa naman si Ara sa ka sweetan ng dalawa dahil alam niya in time magiging ganun narin sila ni Mika.

Biglang nag vibrate ang cellphone ni Ara kaya naman kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag at nang makita niya kung sino ito ay bigla nalang siyang ngumiti.

Yeye calling ..........

"Hello, baby?" Sagot nito kay Mika
"Baby ka diyan! Nasaan ka at bakit wala ka pa sa dorm?"

Napa tingin naman siya sa dalawa at nag excuse muna sa mga ito bago lumabas ng flower shop.

"May binibili lang kami nina Kimmy at Kianna dito sa mall."
"Saang mall naman?"

She smiled when Yeye asked that question. Alam kasi nitong nag aalala na ito pero nagsusungit parin sa kanya.

"Secret. Sa mall ng puso mo." Banat niya
"Whatever, Galang. Just be home before night or else sa labas ka matutulog!"
"Opo tsaka ----- hello? Hello baby?"

Binabaan siya ng tawag ni Mika kaya naman wala na siyang nagawa at bumalik nalang sa loob.

"Si Mikang yun noh?" Tanong ni Kimmy kay Ara
"Yuup. Hinahanap ako tapos binabaan naman ako."
"Hahaha! Under ka pala eh!" Asar nina Kimmy at Kianna kay Ara

Tinignan naman ng masama ni Ara silang dalawa kaya naman tumigil sa kakatawa ang mga ito.

"Soo, mamaya na talaga bruh?" Tanong ni Kimmy
"Sasama pa ba kami, Ate Ara?" Tanong naman ni Kianna
"Malamang! Kayo-kayo ang kakanta eh. Subukan niyong huwag pumunta lagot kayo sakin."

Ang pinag uusapan nilang tatlo ay ang mangyayari mamayang gabi sa gym court nila. Moment of truth sabi nga ni Kimmy dahil tatanungin na mamaya ni Ara si Mika bilang maging girlfriend nito ulit.

Sana talaga maging maayos ang lahat mamaya at maayon sa plano ko^ sabi sa isip ni Ara.

Mika's POV

Naka higa ako ngayon sa kama namin ni Ara. Oo tama kayo sa narinig kama namin dahil iisa lang ang kama dahil yung isa eh nilagyan namin ng mga gamit namin for school stuffs.

"Ang tagal naman ni Galang! Kainis nagugutom na ako eh!"

Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Kimmybells calling ..........

"Hello, Kimmy? Bakit?" Tanong ko sa kanya pagka sagot ko
"M-mikang ........."

Napa kunot ang noo ko dahil sa boses ni Kimmy parang ..... Umiiyak?

"Hey, anong problema mo?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi na maganda ang pakiramdam ko
"S-si Ara, bruh ......."

SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||Where stories live. Discover now