Ara's POV"Ano na bruh? Papayag ka ba o hindi?"
"Alam mo, Kimmy. Isang isa nalang diyan sa pangungulit mo tatamaan ka na sakin."Tinignan ko ng masama si Kim bago ako ulit nag sit ups pero ang loko umupo sa paanan ko at tinuloy ang pangungulit sakin.
"Sige na, bruh! Isang favor lang please."
Ang kulit talaga parang si Kianna! Kaya double partner silang dalawa eh parehong makulit hanggat hindi nakukuha ang gusto hindi titigil. Alam niyo ba ang gustong ipagawa sakin ng magaling na si Kim Fajardo?
Ako lang naman ang pinapasipot ng lokong itong sa blind date niya mamayang gabi sa isang restaurant. Isipin niyo blind date! Kung si Yeye nga hindi ko pa mayaya - yaya sa isang date ang makipag blind date pa kaya?! Nakakaloko talaga itong si Kim!
"Sige na naman, dude. Promise ko sa'yo tutulong ako sa planong makuha ulit ang Yeye mo."
Napatigil naman ako sa pag sit ups at napatingin sa kanya.
"Paano mo naman ako tutulungan?"
Aba magaling! Ngumiti ang loko alam na sigurong papayag na ako 😑
"Baka nakakalimutan mo ako ang bestfriend ni Mikang dito nang mawala ka."
Psh. Masyado kang mayabang Kim Fajardo! Pero may point naman ito. Bahala na nga basta may tiwala naman ako dito kay Kim eh.
"Ano? Payag ka na ba?" Tanong nito
"May choice ba ako na humindi? Tsaka patas lang tayo kasi tutulungan mo ako kay Yeye."Sorry for this Yeye my love 😭 pero alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh 😘
*Fajardo Residence*
"Foot spa! Ang pogi mo, bruh!"
"Psh. I know."Pinahiram ako ni Kim ng isusuot ko ngayon sa blind date mamaya. Aba! Dapat lang dahil wala ako sa mood ngayon bumili ng bagong damit para lang sa blind date na ito mabuti nang siya ang gumastos.
"Alam mo, Kimmy. Hindi talaga kita maintindihan sa gagawin mo eh, gusto mong ako ang sumipot at makipag kita sa date mo pero sasama ka rin naman pala sakin. Ano ka ba talaga nasisiraan ng ulo?"
Oo tama kayo sa narinig niyo. Sasama sakin si Kimmy mamaya pero ako ang haharap sa babaeng makaka blind date dapat nito ang rason niya simple lang gusto daw niya makita ang babae kung maganda ba talaga. Kalokohan mo talaga Fajardo!
"Ano daw ba ang isusuot ng ka blind date mo?" Tanong ko sa kanya
"Naka green dress daw siya eh."
"Paano naman niya malalaman na ako ang makikipag blind date sa kanya?"
"Sinabi ko na ang suot mo ngayon na dapat suot ko. Hahaha!"
"Kapag ikaw talaga nahuli ni Kianna! Lagot ka! Baka sa labas ka ng dorm room niyo matutulog niyan. Hahaha!"
"Baliw! Hindi ako papahuli tsaka medyo napasubo lang ako dito pero mahal ko si Kianna sadyang busy siya sa modeling niya."Haayy, naku! Diyan nagsisimula yang napasubo na yan Kimmy huwag ka nang sumunod sa yapak ko.
*Mesa Restaurant*
Almost thirty minutes na akong naghihintay dito at kanina pa ako nagugutom pero wala parin ang ka blind date ko kuno dapat. Tinignan ko si Kimmy sa di kalayuan na lamesa at ang walang hiya kumakain na! Bastusan ako nga hindi pa kumakain eh 😞
"Ahm, excuse me? Ikaw ba ang ka blind date ko?"
Napatingala ako ng may magsalita sa gilid ko at nakita ko ang isang magandang babae na naka green na dress.
Shoot! Ang ganda niya! 😍😍😍
Focus, Ara! Nasa blind date ka lang at si Yeye ang mahal mo 👊🏻 oooppss, sorry conscience ✌🏻️
"Ahh, oo. Please have a seat."
Tinext ko si Kimmy na tumingin sa table kung nasaan ako para makita niya ang babaeng dapat ka blind date niya.
^drool now, fajardo. Hahaha!^
*beep beep*
^letchugas! Ang hot niya bruh!^
"Ahm, so we haven't formally introduce ourselves right? Hi, I'm Anikka. You are?"
Hmmm, Anikka? Nice name 😁
"Hi, I'm Ara. Nice to meet you."
Nag shake hands kami ng kamay bago ngumiti sa isat-isa
"So, Ara is the name. Sa chat kasi natin Anonymous93 ang pangalan mo tapos logo pa ng La Salle ang profile picture mo kaya nga nung una akala mo fake ka pero nang sabihin mong gusto mong makipag kita sakin hindi ako nagdalawang isip na pumayag. Buti nalang pumayag ako."
For a sweet talker i can say na magaling siya. Swerte na ni Kimmy kung siya ang nasa spot ko ngayon.
"So, shall we order now?" Tanong ko sa kanya
"Sure. Anything that would suits your taste."Hmmm, humanda ka sakin Kimmy kapag hindi ako naka labas ng buhay dito 👊🏻
*After One Hour*
"Your so funny pala, Ara!"
Tumawa nalang ako kahit pilit dahil sa totoo lang wala namang nakaka tawa sa sinabi ko 🙄
"So, may girlfriend ka ngayon?" Tanong ni Anikka
Hmmm, should i tell her? Nah! Tutal wala pa naman kasi hindi ko pa ulit nililigawan si Yeye.
"For now, wala pa pero sooner or later baka meron na."
Tumingin sakin si Anikka tsaka ito uminom ng wine in a seductive way. Oh no honey! My Yeye could do better than that 😂 Hahaha!
*Outside the Restaurant*
"I enjoyed our dinner for tonight, Ara. I hope to see you again." Sabi ni Anikka sabay may inabot sakin na isang calling card
"Call me if you need my company, okay? Bye!"
Pagka alis naman ng taxi na sinakyan ni Anikka eh ang sabay na labas naman ni Kimmy sa labas ng restaurant.
"Ano bruh? Ayos ba? Masaya ba? Shemay! Dapat pala ako nalang ang pumunta ngayon!"
Ngumiti lang ako kay Kimmy bago ko binigay sa kanya ang calling card ni Anikka.
"Call her daw if you need her company."
"Anikka Denise Caniego. Aba! Yayamanin pala itong naka date mo, bruh!"
"Kimmy? Ara? Anong ginagawa niyo dito?"
Sabay kaming napalingon ni Kimmy sa tumawag samin at biglang nanlaki ang mata ko sa nakikita kong dalawang taong naka harap samin ngayon.
Patay kang bata ka Fajardo at Galang! 👊🏻👊🏻👊🏻
YOU ARE READING
SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||
FanfictionAra Galang and Mika Reyes Story 💚 Everything about the story is purely an imagination of the author. If some scenes of the story is similar to the happenings in real life of the characters it is purely coincidental. No malice in every character in...