Chapter Twenty Eight - Problems (Part 1)

617 8 0
                                    

Ara's POV

"Ano?! Kailan pa?! Bakit ngayon niyo lang sinabi samin?!"

Sabay sabay kaming napalingon nina Kianna, Kimmy, at Mika kay MotherF ng bigla itong sumigaw habang may kausap sa cellphone. Napatingin ako sa tatlo na ngayon ay nakatingin parin kay MotherF

Sino naman kaya ang kausap ni MotherF? Mukhang mag hi-highblood na kasi eh, kung sino man ang kausap niya magtago na siya dahil kapag nag active na naman ang beast mode don't care ni MotherF patay na.

Nang matapos ang pakikipag usap ni MotherF sa cellphone ay umupo ito ulit pero nakatulala na kaya naman nag alala kaming lahat.

"MotherF? Okay ka lang?" Kianna
"Sino yung kausap mo? Anong sinabi sa'yo?" Kimmy
"May nangyari bang hindi maganda, MotherF?" Mika
"Huwag kang ganyan, MotherF! Sabihin mo samin!"

Tumingin naman samin si MotherF nang medyo naluluha na kaya naman niyakap ko siya agad dahil ako ang pinaka malapit sa kanya.

"Sssshhh, tahan na MotherF. Sino ba kasi yung kausap mo?" Tanong ko sa kanya
"One of the F2 Logistics staffs. Sinabi niya sakin na kahapon pa daw hindi umuuwi sa mga dorm nila ang LS." MotherF

Napatigil naman ako sa sinabi ni MotherF 😳 LS? Lady Spikers? Hindi umuwi kahapon? Anong nangyari sa mga yun?

"Baka naman naisipan nilang maki tulog sa isa sa mga bahay nila kaya naman hindi umuwi kahapon. Let's not jump into conclusions first, okay." Mika
"Pero sinabi sakin na hindi na daw pumasok sa kanilang mga klase ang LS. Pagkatapos nang lunch break hindi na daw sila nakita na kahit mga professor nila hinahanap sila." MotherF

Well, that's new?! Never kong balitaan na hindi pumasok ang LS sa kani kanilang mga klase dahil alam kong mahalaga sa kanila ang studies nila lalong lalo na sina Majoy and Des for they are graduating students. Saan naman kaya nagpunta ang mga iyon?

"Saan naman kaya nagpunta ang mga iyon?" Kianna
"Tatawagan ko sila, saglit. Baka mamaya niyan umuwi lang sila sa mga bahay nila at nakalimutan magpa alam." Kimmy
"Titignan ko kung online sila at icha-chat sila kung nasaan sila." Kianna
"I'll call their families in case na hindi sila sumagot at tatanungin kung nasa bahay ba sila." Mika

Nagkanya kanya namang mga trabaho sila kaya naman naiwan ako kay MotherF na ngayon ay tulala parin. Naiintindihan ko naman siya dahil parang pamilya na ang turing niya sa LS at parang mga anak na ang turing niya samin kaya naman sobra siyang masasaktan kapag isa samin nasugatan o di kaya naman nawawala sa tabi niya ganoon niya kami kamahal.

Unang bumalik si Kianna na malungkot ang mukha na sinundan naman ni Kimmy na ganun din at ganun din si Mika. Mukhang alam ko na ang sagot nilang tatlo.

"Hindi sila online. Last two days ago pa sila online ibig sabihin kung monday ngayon edi friday pa sila online." Kianna
"Out of coverage area ang mga cellphone nila. Tapos si Dawn no contact at all pa." Kimmy
"Sabay sabay kong tinawagan ang mga families nila pero iisa lang ang sagot nila at yun ay ang hindi pa daw umuuwi silang lahat since nag start na ang school year." Mika

Napa kunot naman ang noo ko sa mga sinabi nila 😠 saan naman kaya nagpunta ang yun?

"Hindi kaya na kidnap sila?" MotherF

Sabay sabay kaming napatingin kay MotherF na ngayon ay umiiyak na kaya naman lahat kami niyakap siya.

"Let's not jump into conclusions pa muna, MotherF. Malay niyo napag tripan lang nila mag gala at hindi umuwi di'ba?" Kianna
"O baka naman nag iisip nang mga bagay bagay dahil papasok na ang UAAP Season at baka ma hassle sila sa mga gagawin nila." Kimmy
"O di kaya nandiyan na sila hindi lang natin alam." Mika

Napa ngiti naman ako sa kanilang tatlo 😊 despite na mukhang ganun nga ang possibility na nangyari sa LS eh nandiyan sila para hindi pag alalahanin si MotherF at nandiyan sila para i cheer siya.

*kring kring kring*

Napatingin naman ako kay Mika ng mag ring ang cellphone niya na sinundan naman ng cellphone ni Kimmy na sumunod kay Kianna na ganun din kay MotherF at sinandan ng sakin.

"Hello? Sino to?" Mika
"Hello? Who's this?" Kianna
"Unregistered number? Sino ka?" Kimmy
"Mahal ang bayad ng oras ko kaya sino ka?" MotherF

Medyo natawa naman ako sa mga reactions nila. Ganyan kasi kami talaga sa mga hindi kilalang number na bigla bigla nalang tumatawag kaya naman lahat kami matataray kahit na ba kakilala pala namin ang tumawag kung hindi naman naka save ang number samin eh wala silang magagawa.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya

"Hawak namin ang Lady Spikers."

Lahat kami nagkatinginan sa isat isa at sa tingin ko iisa lang ang nasa isip namin ngayon.

Na kidnap ang Lady Spikers! At ang kidnapper nila ang tumawag samin ngayon!

Pero paano nila nagawa yun kung sunod sunod nila kaming tinawagan at paano nila nakuha ang mga numbers namin?

"Hawak namin ang Lady Spikers kaya huwag kayong gagawa ng ikakagalit namin kundi lahat sila mamamatay ngayon din."

Nanggalaiti naman ako sa galit 😠 bakit sa dinami rami ng kikidnappin nila eh sila pa?!

Magsasalita na sana ako ng biglang nawala sa linya ang tumawag at mukhang ganoon rin kela Mika dahil binaba nila ang mga cellphone nila.

"Bakit ngayon pa nangyari ito? Anong gagawin natin?" Tanong ni MotherF
"Sino naman ang gagawa nito?" Kianna
"Magsumbong tayo sa head! For sure magagawan nila ng paraan." Kimmy
"Huwag! Di'ba sabi nila huwag tayo gagawa ng kahit na ano at papatayin nila ang LS." Mika

Napatingin naman sila sakin kaya naman napa upo ako sa upuan at huminga ng malalim.

"Sundin natin ang gusto nila. Wala tayong magagawa dahil hawak nila ang LS. Ayaw nating lahat na mapahamak sila."

Bagsak ang mga balikat na umupo silang lahat sa upuan na katulad ko at huminga ng malalim. Nag ring naman bigla ang cellphone ni Kimmy kaya naman napatingin kami sa kanya. Sinabi naman niyang si Jeron ang tumawag.

"Oh Jeron Teng? Anong meron? Hah?! Nawawala ang Green Archers?!"

And that made our world turned upside down. Bakit sunod sunod ang mga problema ngayon?!

To be continue ..........

SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||Where stories live. Discover now