Chapter Three - Parents Advice

1.3K 22 0
                                    

Third Person's POV

Naka upo silang apat sa loob ng isang sikat na restaurant kung saan nakipag blind date si Ara. Wala ni isa man sa kanila ang kumikibo na para bang nakikipag pakiramdaman silang lahat.

Tumikhim ang pinaka matanda sa kanilang apat na si Tyang Aby at tinignan ang dalawa niyang anak-anakan bago ito nagsimulang magsalita.

"Maari niyo bang sabihin sakin kung ano ang ginagawa niyo dito sa ganitong oras ng gabi?"

Sabay namang napalunok sina Ara at Kimmy bago nagkatinginan dahil alam nilang dalawa na hindi sila makakapag sinungaling sa Nanay nila.

"Ahm, MotherF kumain lang kami ni Ara dito. Di'ba, bruh?" Sabi ni Kimmy bago siniko si Ara
"A-ahh, oo MotherF! May nakapag sabi kasi samin na masarap daw ang pagkain dito kaya naman gusto naming i-try ni Kimmy."

Nagkatinginan naman si Aby at Cha sa mga naging sagot ng dalawang bata. Mukha naman kasing nagsisinungaling ang dalawa.

"Mga anak, alam niyo naman na ayaw na ayaw ko sa mga taong sinungaling dahil ako mismo hindi nagsisinungaling kaya naman bago pa uminit ang ulo ko sa inyong dalawa at masampolan ng tig iisang batok sa inyo magsabi kayo ng totoo!"

Medyo napatalon sa gulat sina Ara at Kimmy sa sigaw ng Nanay nila kaya naman no choice silang dalawa na magsabi na ng totoo.

"Ahmm, kasi MotherF nakipag blind date ako ngayon." Panimula ni Ara
"Actually, ako ang may kasalanan nito MotherF ate Cha. Kung hindi ko pinilit si Ara na makipag blind date ngayon hindi sana kami nandito ngayong gabi." Naka yukong sabi ni Kimmy

"Blind date?!" Sabay na sabi nina Aby at Cha

"Diyos mio! Hindi na sana kami magagalit sa inyong mga bata kayo kung hindi niyo sinabi samin na nakipag blind date kayo! Ano ba ang tingin niyo sa mga sarili niyo? Mga single?!" - Cha

"Well, given na si Ara single pero ikaw Kimmy?! Ano nalang ang mararamdaman ni Kianna kapag nalaman niya ito?! More over masasabi mo kaya kay Kianna ito?!" - Aby

Naka yuko lang sina Ara at Aby dahil sa mga sinasabi nang kanilang seniors kasi alam naman nilang may punto ang mga ito lalong lalo na para kay Kimmy.

"Alam naming matatanda na kayo, you know what's right from what's wrong. Hindi rin naman namin kayo pinagbabawalan na makipag date kasi pinagdaanan din naman namin yan kaya lang ang hindi magandang ginawa niyo eh makikipag blind date kayo pero may mga girlfriend kayo. Well, si Ara hindi pa ulit nakukuha pero ikaw Kimmy? Matagal na kayo ni Kianna. Sana naman bago mo sinama si Ara sa ganito sana inisip mo muna ang mararamdaman ni Kianna." - Cha

"At ikaw naman Ms Kaya-ang-lahat! Ano nalang ang sasabihin ni Mikang kung sakaling malaman niya ito? Mabuti nga at kami ni Ate Cha ninyo ang naka kita sa inyo eh paano kung si Kianna at Mikang ang naka kita edi mas lalo kayong lagot!" - Aby

Napa isip si Ara sa sinabi ng Nanay niya kahit na alam naman niyang mali ginawa parin naman nito ang blind date. Samantalang, si Kimmy naman ay sobra na ang pag iisip tungkol sa kung ano ang magiging reaksyon ni Kianna kapag nalaman nito ang ginawa.

"Girls, we know you are both mature enough to make a decision. Mature enough to make an action pero sa nangyari ngayon napaka maling desisyon at aksyon ang ginawa niyo. I'll say this in a parent way dahil pa na may anak na ako. Huwag sana kayo gagawa ng isang desisyon at askyon na pagsisisihan niyo sa huli lalong lalo ka na Kimmy. Alam naman nating mahal na mahal ka ni Kianna at mahal mo rin siya kaya naman sana huwag kang gagawa ng isang bagay na alam mong ikakagalit niya at magiging dahilan ng break up niyo." - Cha

"Ikaw naman Ara, alam mo na ngang galit pa sa'yo si Mikang may ginawa ka namang kalokohan. Ano nalang sa tingin mo ang sasabihin niya? I thought you want her back? Pero sa nakikita ko mukhang hindi eh. If you really want to win her back be mature enough about your actions. Remember to earn her trust again before anything else." - Aby

Nagpahid ng luha sina Ara at Kimmy dahil parehong may punto ang kanilang dalawang seniors. Mali naman din kasi talaga ang ginawa nila lalong lalo na si Kimmy.

"Anong dapat kong gawin ngayon, MotherF and Ate Cha?" Tanong ni Kimmy

"Simple lang. Sabihin mo kay Kianna ang ginawa mo pero i won't promise na hindi siya magagalit because knowing her alam kong ma be-beast mode yun pero i know she'll understand you maybe because she trust and loves you." - Cha

"Eh ako? Paano ko naman masasabi kay Yeye ang nangyari? Ayaw nga akong kausapin eh. Naka isang buwan na ako ulit sa Team iilang beses niya lang ako kinausap kapag nasa practice game lang tapos kapag nadadapa pa ako." Maktol naman ni Ara

"Aba! Kung maka reklamo ka akala mo naman madali ang ginawa mo kay Mikang. Try mo kayang ilagay ang sarili mo sa sitwasyon niya noon. Iwan ka niya sa ere tapos malalaman niya may girlfriend ka ng iba, ano sa tingin mo naramdaman niya nun?" - Aby

"MotherF ang sakit mo naman magsalita kay Ara pero may point ka dun ah!" - Cha

"Aba dapat lang na dinederetso itong si Ara para malaman niya na hindi madali ang pinagdaanan ni Mikang nung nawala siya pasalamat nga siya pinatawad na natin siya eh."

"Oo na MotherF kasalanan ko na. Alam ko nagkamali ako hindi ko naman pinagkakaila yun eh. Tsaka kaya nga ako bumalik para kay Yeye and sa Team." - Ara

"Ang sabihin mo natauhan ka sa nangyari sa'yo sa babae mo!" - Aby

"Pero ito payong magulang, Ara. Kung gusto mo talaga makuha ulit ang trust ni Mikang sana magsimula ang tama sa iyo mismo dahil ako mismo nakita noon kung gaano ka wasak si Mikang noong umalis ka kulang nalang magpakamatay siya sa sobrang depression." - Cha

"Opo ate Cha gagawin ko po yun." - Ara

"Anything you want to say Kim Fajardo?" - Aby

"Sorry, MotherF and Ate Cha sa ginawa ko at sa pinagawa ko kay Ara." - Kimmy

"Oookaaay! Since, okay na ang lahat. Kumain na nalang tayo dito at nagugutom na ako! Nagutom ako sa kaka lecture sa inyong dalawa magkaibigan talaga kayo." - Aby

Natawa naman sina Ara, Kim at Cha sa sinabi ng kanilang senior kaya naman um-order nalang sila ulit ng makakain at nag usap nalang ng ibang bagay.

SHE'S BACK! || #KARA Fanfiction || Book 1 Of SHE'S Series ||Where stories live. Discover now