PHOBE'S P.O.V
Haay, malapit na magpasko at magkakaroon kami ng 3 weeks Christmas break, sabi ni mama pupunta daw kami ng States para bisitahin si lola at lolo dun, sa States din daw kami magpapasko pero 2 weeks lang kami dun
Great!, buti nalang at 3 weeks ang christmas break namin magpapahinga muna ako at di ko muna iisipin si Rhyles ewan ko ba kung bakit mahal ko parin yun hanggang ngayun kahit sinaktan niya ako.. Well I'll make sure that he'll regret what he did to me..
"Bye Phobe!, ingat ka dun sa states huh?! mamimiss kita" Ang OA naman nitong si Tymothy kala mo 1 year ako sa states
"Ang OA mo naman 2 weeks lang naman kami dun" sabi ko
"Kahit na" sabi niya
"Bye bes!, ingat ka dun huh!" sabi ni Alexis
"Oo naman best" sabi ko
"Byeee!!, Enjoy ka sa States saka ingat ka dun" sabi naman ni Meeyan
"Sige bye sa inyong lahat!" paalam ko
Ngayun na nga pala yung flight namin papuntang states.. Well eenjoyin ko muna 'tong bakasyon na 'to..
Tymothy's P.O.V
Haay, sana maging maayus yung byahe nila Phobe papuntang states
Siguro pagbalik niya ay sasabihin ko na sa kanya..
Sasabihin ko na sa kanya na may GUSTO ako sakanya..
Rhyle's P.O.V
"Bro! ngayun daw ang balik nila Theodore at Renz galing States?" tanong ni Lyndon, Weh? ngayun ba?.. sana nga ngayun na namiss ko yung dalawang yun ehh
"Ha?!, di ko alam eh.." sabi ko
"Oo ngayun daw" sabi naman ni Leo
"Well, we need to welcome them" sabi ko
Si Renz at Theodore nga pala ang mga kababata ko..
Si Renz Alfie Jonas ay ang aking bestfriend since 3 years old palang kami, magbestfriends kase yung mga papa namin.. si Renz din ang lagi kong kasama pag gumagawa ako ng kalokohan kaya nga nalungkot ako nung nalaman kong sa States na siya mag aaral..
Si Theodore Williams naman ay aking bestfriend since prep, syempre bestfriend din sya ni Renz pero si Theodore hindi sya mahilig mag loko tahimik lang yan pero pag nagsalita yan siguradong mas pipiliin mong lamunin ng lupa kesa mabuhay pa sa mundo, Pagnaiinis kase sya at inasar mo ang gagawin nya ay ipapahiya ka nya sa buong sangkatauhan, pero masaya yang kasama...
"At nabalitaan ko nga pala na pupunta ng states si Phobe ngayun" sabi naman ni Leo
"Hayaan na nga natin si Phobe.. maghanda nalang tayo para kay Renz at Theodore" sabi ko
Phobe's P.O.V
~∞STATES∞~
Nandito na pala kami?.... nakakapagaod ang byahe.. Promise!!
"Hello ma" sabi ni mama kay lola at nagmano
"Oh Hello there my dear Stella" sabi ni Lola, hindi pala namin kasama si Daddy may inaasikaso pa kase sya sa business sa Pilipinas
"Hi po lola" sabi ko at nagmano
"Oh, hello there my dear apo, you look stress huh? I think we need to go to the salon tomorrow" sabi ni lola, naku ganto ba talaga si Lola? =_=
"Sure Lola" As if namang makakatanggi ako, sabagay tama si Lola
"Lets go home" sabi ni lola at sumakay na sa kotse sumunod na rin kami
~∞MANSION∞~
Ang ganda naman ng mansion ni Lola
*O*
Sobrang laki tas may nakalagay sa gate na 'ADAMS RESIDENCES' ang bungga tas may nagbukas ng gate pagpasok mas lalo akong naamaze..
Glass house yung style nya yung kulay nung roof ay kulay black tas may dalawang pool isang malaki tas isang maliit.. Wow! basta ang ganda.. *O*
(NASA GILID YUNG PICTURE TINGNAN NYO NALANG MAHIRAP IDESCRIBE EHH XD)
Nung pumasok na ako sa loob lalo akong na Amaze! napanga-nga pa nga ako ehh yung literal na nga-nga talaga..
Yung concept ng bahay color black and white, Yung sofa color black tas may mga white na unan na naka pa-diamond na design na nakapatong dun sa sofa may sofa na pa-L shape tas may sofa naman na deretso lang parang rectangular lang sya na mahaba may table naman sa gitna color black yung table may nakalagay dun na Teapot at may nakapalibot naman sa teapot na 4 na teacup color white silang lahat tas may malaking flat screen T.V na may dalawang malaking speakers sa magkabilang dulo nito.. pumunta naman ako sa kusina, Yung kusina naman ay may table sa gitna na nag sisilbing patungan ng mga pagkain dun rin naghihiwa yung mga katulong.. color black yun tas may refrigerator, stove, oven basta kumpleto color white naman yung kulay nun
Tas sa 2nd floor may 3 bedrooms sa 3rd floor naman may dalawang guest room at dalawang C.R meron din dung mini sala na may nakalagay na carpet sa gitna nito at may Xbox dun may malaking flat screen na T.V
Sa 4th floor naman may mini gym dun may mga weight lifter basta para siya talagang gym maliit nga lang sa 5th floor naman yun na yung rooftop, bumaba na ako at pumunta na ako sa kwarto ko nasa second floor kase yung kwarto ko grabe nakakapagod palang magikot sa bahay na 'to para ngang pwede ka ng mag fieldtrip sa loob..
Pagdating ko sa kwarto ko grabe na-amaze nanaman ako.. Ang ganda sobra color black & white yung kwarto ko tas sobrang lawak lahat talaga ng gamit black & white pati yung walk-in closet, kama, bedsheet, etc. nag ayus na ako ng gamit at natulog na..
ZzzzZzzzzZ~
~∞KINABUKASAN∞~
"Apo! wake-up na breakfast is ready!!" rinig kong sabi ni Lola kaya bumaba na ako
Ang sarap ng foods may bread, egg, bacon, hotdog, friedrice at milk may pancakes at waffles din yung waffle saka yung pancake ay may strawberry syrup at strawberry sa taas
"Goodmorning apo!, kain na" sabi ni Lola
"Goodmorning din po Lola" sabi ko
Kumain na ako at pumunta sa taas para maligo sabi kase ni Lola ay mag sh-shopping at mag sasalon daw kami ngayun.. Yehey!! excited na ako.. Gusto ko rin talagang magpaganda para makaganti ako kay Rhyles kala niya malilimutan ko yung ginawa niya sakin Well, He's wrong!...
~∞MALL∞~
Magsh-shopping daw muna kami sabi ni Lola
Grabe ang dami niyang pinamiling damit may dress, T-shirt, palda, Long sleves, pants, jeens etc. ako naman Oo lang ng Oo minsan lang 'to 'no!
Pagtapos naming magshopping nag salon na kami
Pinahot-oil yung buhok ko tas pina-massage din yung mukha ko.. Grabe ang saya ngayun!!
pag-uwi namin inayos ko na yung mga damit na binili namin ni Lola..
~∞AFTER 2WEEKS∞~
Grabe ang bilis ng araw pauwi na kami ngayun sa Philippines ang saya kasama ni Lola.. Tinuruan niya rin akong mag ayos ng sarili ko
"Bye Lola!, I will miss you" sabi ko sabay yakap kay lola
"Me too apo, o siya baka malate pa kayo" sabi nya
"Sige ma, bye po" sabi ni mama
I'M READY TO FACE RHYLES AGAIN!!
BINABASA MO ANG
It's Payback Time!! [COMPLETED]
HumorThis is my first story or novel or whatever lol hahaha! So, hello. Nagawa ang It's Payback Time dahil sa Music Video ng I will show you ni Ailee(you can search it if you want to watch it or what pero Korean siya so kung ayaw niyo sa kpop at abnormal...