CHAPTER 27 (Awakened)

248 9 1
                                    

Phobe's P.O.V

Haay.. Kelan kaya magigising si Rhyles?,

Simula kase nung maaksidente siya ay hindi na ako umuuwi.. nag aalala na daw sila mama at Feiro sakin.. Pero wala akong pakialam! Ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganto si Rhyles! *sob

Sa tuwing makikita ko siyang nakaratay at may benda dito sa kamang ito ay lalo akong naiiyak at nalulungkot!.. Kasalanan ko 'to! ako ang dahilan kung bakit siya nandito! *sob *sob

Haayy..

-------

Kumuha muna ako ng tubig sa may kusina dito sa private room ni Rhyles.. Kompleto kase dito ehh may banyo, kusina, at sala

Pagbalik ko ay...

T-TEKA?!!!!! SI RHYLES! SI RHYLES!!! NAKADILAT SIYA!!!!!!!!!! OMEGASH!!!!

Tumakbo agad ako sa kama ni Rhyles at hinawakan ko yung kamay niya.. tumingin naman siya sakin

"R-Rhyles.." sabi ko

"Ba't andito ka? diba sabi mo hindi mo na ako mahal?" mahinahon niyang tanong pero may tumulong luha sa mata niya

"R-Rhyles.. h-hindi ko si-sinasadyang sabihin yun *sob S-sorry na" nanginginig na sabi ko sakanya habang umiiyak

"Siguro sinasabi mo lang yan kase naaawa ka sakin ngayon, wag kang mag alala gagaling din ako kahit walang tulong galing sayo, makakalimutan ko din yung nararamdaman ko sayo" sabi niya, mahinahon parin siya pero sunod sunod ng tumutulo yung mga luha niya sa mata

"M-Mali ka! hindi yun totoo *sob S-Sorry Rhyl-es *sob" sabi ko, ansakit marinig yung mga salitang yan na galing sa kanya

"Wag ka ng mag sorry.." sabi niya at pinunasan niya yung luha niya "Makakalimutan ko rin naman yung sakit eh" sabi nya at tumingin sakin saka siya ngumiti tas may tumulo ulit na luha sa mata niya

Sobrang sakit pala! sobrang sakit palang marinig sa taong mahal mo na hindi ka na niya mahal na kakalimutan ka na niya.. *sob Sana pala noon palang pinatawad ko na siya *sob

"Oo nga pala.. nabalitaan kong aalis na si Tymothy ahh.." sabi niya tapos humarap siya sakin

"A-Ahh.. Oo *sob" sabi ko, di ko talaga kayang pigilan ang sarili kong wag nang umiyak

"Ba't di ka nalang sumama sa kanya?" tanong niya

Ouch. Sobrang sakit na marinig sa mahal mo na pinapamigay ka niya.. Alam ko naman na nasaktan ko siya ehh, pero wag naman sana siyang ganyan. Sobra naman eh! masakit kase! sobra!.

"Ayoko!" sigaw ko

Para akong tanga dito.. nakalupasay ako sa sahig tas umiiyak

"Bakit?!" sigaw niya

"Dito lang ako sa tabi mo!" sigaw ko

"Wag ka ngang ganyan! mas nahihirapan akong mag move-on sayo eh!" sabi niya tas may tumulong luha ulit sa mga mata niya

"Di mo na kailangang mag move-on" sabi ko

"At bakit naman?!.. Di mo ba alam na sobrang sakit nung mga ginawa mo sakin?! Ha?!" sigaw niya, Shet lang! sobra akong nako-konsensya ngayun

"Mahal kita! mahal parin kita!, kaya please lang! kalimutan na naten yung nakaraan *sob" sigaw ko

Hindi sya sumagot kaya napatingin ako sa kanya, umiwas bigla ako nung makita kong nakatingin rin siya sakin

Rhyle's P.O.V

Ang sakit! Sobrang sakit parin eh. Paulit-ulit na naririnig ko yung boses niya habang sinasabi niya sakin na hindi na niya ako mahal. Paulit ulit na parang pine-play yung ginawa niyang pagtataboy sakin noon. Alam ko naman na naawa lang siya sakin eh. Nakokonsensya siya dahil naaksidente ako. Siguro nga kung hindi pa ako naaksidente baka hindi pa niya ako patawarin.

"Siguro nga kung hindi lang ako nabangga baka hindi mo na ako pinatawad. Sinasabi mo yan dahil naawa ka sakin! Pwes, hindi ko kailangan ng awa mo. Tama na yung naipa-mukha mo sakin na hindi mo ako mahal. Masakit na Phobe! Tagilan mo na!"

Phobe's P.O.V

"Rhyles, mali ka ng iniisip hindi dahil sa naawa ako sayo! Mahal naman talaga kita Rhyles eh! Kaya hindi kita pinapatawad noon kasi ang lakas ng epekto sakin nung ginawa mo! Sinaktan mo rin naman ako Rhyles ah! Tas nung nalaman kong sinugod ka dito sa ospital kung akala mo na naawa ako sayo hindi, Hindi awa yung naramdaman ko Rhyles! TAKOT! PAG-AALALA! Hindi AWA! Takot kasi hindi ko kaya mawala ka sakin! Pag -aalala kasi MAHALA KITA RHYLES MAHAL KITA! Mahirap bang intindihin yon? Rhyles binaba ko na yung pride ko ! Halos ILUNOK KO NA YUNG PRIDE KO PARA SAYO!" Sa bawat salitang binibitawan ko patuloy parin ang pag agos ng aking mga luha sa akin mata.

Pinipigilan kong wag umiyak pero hindi ko na napigilan sa sobrang pagka inis dahil akala niya na-a-awa lang ako sakanya!

"Pwes, hindi mo na kailangang mag alala at matakot.. kase lalayuan na kita" sabi niya

"Please.. wag! dito lang ako sa tabi mo!" sabi ko

"Bahala ka.." sabi niya at pinikit na ang kanyang mga mata

Pumunta naman ako sa nurse para sabihin na nagising na siya pero natulog lang siya saglit, sabi naman nung nurse na pwede na siyang umuwi bukas..

Kung dati siya ang sumuyo sakin ngayun ako naman ang susuyo sa kanya =)

Tama nga yung sabi nila na pag dating sa taong mahal mo ay handa mong gawin ang lahat..

Mag antay ka lang Rhyles! at magiging akin ka ulit ;-)

------

Short UD muna! antayin nyo yung gagawin ni Phobe =)

Free to vote and comment

It's Payback Time!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon