CHAPTER 26 (Keleg Matts)

268 10 0
                                    

Phobe's P.O.V

Kasalukuyan akong naka upo sa tabi ng kami ni Rhyles. Binabantayan 'ko kasi siya eh. Sana magising ka na Rhyles...

[Knock..knock..]

Pag bukas ng pinto nakita ko agad sila Renz at Meeyan.

"Bestie, mag pahinga ka naman oh. Wala ka ng maayos na tulog simula ng maaksidente si Rhyles." sabi ni Meeyan, mababakas mo sa kanyang mata ang pag aalala sakin

"Oo nga Phobe. Hindi maganda yan, baka ikaw naman ang magka sakit niyan sa ginagawa mo." sabi ni Renz na katabi ngayon ni Meeyan.

"Okay lang ako, wag niyo na akong asikasuhin." mahinang sagot ko "baka naiistorbo ko na kayo."

"Ano ka ba naman Bestie! Ikaw? Maiistorbo kami?! Nako bestie kahit kailan hindi ka naging istorbo 'no! Minsan lang.... Aray naman! Joke lang bestie!" Pano binatukan ko nasa ganitong sitwasyon na kami nakuha pang mag joke. =.=

"Basta Bestie, alagaan mo din sarili mo! Hindi rin matutuwa si Rhyles kapag nakita yang kalagayan mo! Tignan mo o laki na ng eyebags mo! Tandaan mo Bestie, kahit ano pa man yan malalagpasan din natin yan. Magigising din si Rhyles, tiwala lang" sabi ni Meeyan. Pasalamat nalang ako at may mga kaibigan ako na nandito sa tuwing kailangan ko sila. Sila talaga ang mga tunay kong kaibigan, hindi nila ako iniiwan.

Meeyan's P.O.V

Naaawa na ako sa Bestie ko! Pano ba naman kasi wala ng maayos na tulog yon. Lagi niya nalang binabantayan si Rhyles. Hayy, tapos mahina na din siya kumain. Nako! Sana gumising ka na Rhyles..

Minsan pa nga maabutan nalang namin yan si Bestie na umiiyak nalang. Naaawa na talaga ako sa kanya, kahit na gusto ko pagaanin yung loob niya alam kong panandalian lang yong ginhawa na yun. Naiintindihan ko din naman siya eh, mahirap yung pinag dadaanan niya ngayon. Hayy.. sana talaga Rhyles gumising ka na ..

Feiro's P.O.V

Nag-aalala na 'ko sa Ate ko pano naman kasi tuwing bibisita kami ni Yanna doon sa ospital madadatnan nalang namin si Ate na nakakatulog sa gilid ng kama ni Kuya Rhyles. Malaki din ang galit ko kay Kuya Rhyles kasi nga pinahiya niya ang Ate ko at niloko pero nagawa parin ni Ate mag alala at mahalin siya. Ibang klase talaga si Ate. Ganon mga type ko, kaya ko nga naging girlfriend si Wifey eh. :"))

"Hubby kawawa naman si Ate Phobe 'no? Lagi nalang siyang puyat. Pag pahingahin mo muna siya oh? Wala na kasi siyang maayos na tulog , hindi narin daw siya kumakain ng tama." Aww. Sweet naman talaga ng Wifey ko 'no? Kaya love na love ko yan eh.

"Sige, Wifey. Sana nga maging okay na yun si Kuya Rhyles para maging okay na rin si Ate. Alam kong pagod narin yun eh. Sasabihin ko nalang na umuwi muna siya dito at magpahinga." Yinakap ako ni Wifey kaya yinakap ko nalang din siya pabalik.

Hayy, sana hindi rin kami magkaroon ng problema ni Wifey. Pero lahat naman ng relasyon may problema, aware naman ako doon pero hindi ko parin maalis ang mag alala.

"I love you Wifey " Kiniss ko siya .... sa noo :)))

"I love you too Hubby" at mas hinigpitan niya ang yakap sakin

Theodore's P.O.V

Papunta palang kami ng ospital ni Alexis. Naisipan namin na mag lakad nalang papunta doon, pumayag naman siya.

"*ehem...Alexis?" Pambasag ko ng katahimikan.. "Uhmm?" "Tayo na ba?" Kinakabahan ako tae. Hindi ko pa kasi alam kung kami na ba kasi nag aminan lang naman kami eh.

Alexis's P.O.V

"Tayo na ba?" Whaaat? Kami na nga ba? Hindi ko alam kung ano isasagot ko sakanya... Pero mas maganda naman kung may ligawang nagaganap diba? Hahaha!

"Uhmm.. Hindi" sagot ko sakanya..

"Ha?!" Gulat niyang sagot sakin ngumiti muna ako sakanya bago sumagot..

"Ano kala mo sakin easy to get? Ligaw muna uy!" Napahawak naman siya sa kanyang batok at parang dismayado ang mukha.. Hahaha. Ang cute! :')

Theodore's P.O.V

Sayang akala ko naman kami na agad..Psh. Medyo Assuming.. Pero hindi 'yon ang dahilan para sumuko ako no!

"Sige ba! Hindi ko 'yan aatrasan kung yun ang mag papatunay na mahal kita at seryoso ako sayo gagawin ko kahit wala akong masyadong alam sa panliligaw. Pipilitin ko para sayo." Nakita ko namang namula siya. Ang cute namang mag blush netong babaeng mahal ko. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sakanya..

-----

It's Payback Time!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon