CHAPTER 21 (Denying it)

316 7 14
                                    

Special chapter ito ni Renz at Meeyan

Free to vote and comment

-------

Renz's P.O.V

Grabe simula nung makilala ko si Meeyan ay wala na akong matinong naiisip lagi nalang akong tulala tas lagi ko nalang siyang naiisip

Hindi ko naman siya gusto siguro kaya ko siya naiisip kase malakas yung dating niya saka ang cute cute niya

Pero kung hindi ko sya gusto eh bakit lagi ko siyang iniisip?, haay ewan!

"Huy! tulala ka nanaman!" bwiset naman 'to si Rhyles oh! mang gulat ba naman

"Ano ba! wag mo nga akong pakialaman!" sabi ko at tumalikod sa kanya

"Sus! Inlababo si Renz~" sabi nya este! kanta nya, Oo kinakanta nya yan paulit ulit nakakabwiset kaya

"Ano ba!, kaya hindi ka pinapansin ni Phobe eh!" sigaw ko

"Haha!, pakipot lang yun! pero ang totoo patay na patay yun sakin dahil sa kagwapuhan ko!" sabi niya, yabang

"Ang hangin!" sigaw ko

"Haha! tingnan mo mamaya magiging kami na ulit niyan" sabi niya

"Asa! tingnan lang naten kung magiging kayo pa!" sabi ko

"Talaga!" sabi niya, hindi ko nalang siya inimik para hindi na siya dumaldal

Hay.. bahala na nga!

Meeyan's P.O.V

"Haha! yan si Meeyan! Inlababo yan kay Renz eh!" sigaw ni Alexis

Nandito kami sa canteen at kasalukuyang nababaliw si Alexis

"Baka!" sigaw ko

"Tingnan nyo! defensive" sabi  niya sabay tawa

This past few days kase ay lagi ko nalang nababanggit si Renz sa kanila minsan nga nahuli nila akong nag iistalk sa fb ni Renz eh, di ko nga alam kung ba't ko ginagawa yun.. basta bigla nalang akong magkakamalay na si Renz nalang yung lagi ko sinasabi

"Haha! ikaw Meeyan ah! pero wag kang mag alala boto kami sa loveteam niyo!" sigaw ni Phobe

"Awtsu! pakipot lang yan si Meeyan eh! kahapon nga nakita kong nakatitig siya kay Renz ehh! Hahahaha!" sabi ni Tymothy tas nag tawanan silang tatlo

"Ewan ko sa inyo!" sigaw ko tapos umalis na ako sa canteen nab-bwiset ako sa mga bestfriends ko ipagsiksikan ba naman ako kay Renz? yung totoo bestfriends ko ba kayo o ano?

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapansin kong nasa hallway na pala ako kaya naglakad nalang ako papunta sa classroom kahit free hours lang namin ngayun wala kase yung teacher naming tamad

Lakad

Lakad

Lak--- BOOOOGGGGSSSSHHHH!!!!!

"Aray! ano ba! di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" sigaw ko may bumangga lang naman sakin kaya ako napasigaw sa sobrang galit

"Ay so-- Meeyan?" sabi niya, huh? kilala niya ako?

"Huh?" inangat ko yung ulo ko para makita ko sya "Renz?" si Renz nga!

"Sorry ah.. wala kase ako sa sarili" sabi niya

"U-uhhmm O-okay lang" sabi ko, Sh*t nasigawan ko pa sya!

"Sige mauna na ako" sabi niya pag tapos niya akong itayo

"S-sige" sabi ko

Anubayan! ba't ganun yung pakiramdam ko kapag nakikita or nakakausap ko siya? Syete lang kase pag nakikita ko sya biglang bumibilis yung tibok ng puso ko nakakabwiset!! nakakahiya tuloy kay Renz hindi naman ako pwedeng magkagusto sa kanya kase mukhang may Girlfriend na siya ehh kahapon kase nakita ko si Renz na may kayakap na babae at mukhang mas matanda yung babae kesa sa kanya siguro Girlfriend niya yon pero bakit parang naiinis ako dun sa babaeng kayakap niya kahapon? hindi kaya nagseselos ako? Aishh hindi hindi! wala nga akong gusto kay Renz tas magseselos ako dun sa babae? Hay nako Meeyan! gutom lang yan! bumalik ka na sa canteen at ikain mo nalang yan kung ano ano na naiisip mo eh. Aishhh

It's Payback Time!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon