CHAPTER 25 (What?!!)

256 11 4
                                    

This chapter is dedicated to my Bisprind, si Yanna beh! Thanks Talaga beh ahh!

Saranghaeyo!! Kamsahamnida!! ♥ ♥

Free to vote and comment

--------

Rhyles P.O.V

Nagpapaka lunod ako ngayon sa alak. Sa tingin ko kasi, eto yung magpapagaan ng loob ko sa ngayon. Ang sakit lang kasi ... Hindi na niya ako mahal, hindi na.. Ang tanga tanga mo kasi Rhyles eh. Dapat pala hindi ko nalang siya tinanong, masasaktan lang pala ako. Idadaan ko nalang 'to sa alak. Gusto ko manuntok sa sobrang galit ko! Maka-uwi na nga lang , baka maka suntok ako ng wala sa oras. Nahihilo ako ang lakas ng tama ng beer sakin. Maya maya may naka bunggo sakin at..

"Hoy! Hindi mo ata kilala ang binabangga mo bata!" Sabi netong mamang feeling pogi, gurang naman. Pero kahit medyo matanda na siya malaki parin ang katawan niya..

"Psh." ang tanging nasabi ko, nahihilo na ako kaya hindi ko na kaya pang makipag-away sa mamang 'to. Papa alis na sana ako ng..

"Aba't bastos kang bata ka ha?! Hindi ka ba marunong mag-sorry?" Hindi ko na siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.. Pero bigla nalang akong hinila netong mamang 'to. Sinuntok niya agad ako. Bumawi naman ako ng suntok sa kanya, sorry nalang siya at siya pa mabubuhusan ko ng galit ko. Nag suntukan lang kami hanggang sa nag silapitan na ang mga bouncer at guards samin para awatin na kami. Hindi naman ganon kalala 'yung natamo ko pero may ilang pasa ako sa mukha..Hila hila kami palabas ng mga bouncer at guards.

"Kung gagawa kayo ng gulo dito kayo sa labas mag suntukan!!" Psh.

"Bitawan mo nga ako!!" Tinulak ko palayo yung bouncer. Bwisit na araw 'to! Sobrang malas putcha!

Sumakay nalang ako sa kotse ko. Pinabilisan ko ang takbo ng sasakyan ko. Paulit ulit ko naaalala yung sinabi sakin no Phobe..

"Hindi na kita mahal !!"

"Hindi na kita mahal!! "

Sa sobrang inis ko mas pinabilisan 'ko pa ang takbo ng sasakyan ko, ng hindi ko namalayang may isa pang sasakyan na nakasalubong sakin. Pinatigil ko ang break pero huli na ako at nagka bunggo na ang kotse namin. Hanggang sa unti unti na nan labo ang mata 'ko . And everything went black..

Phobe's P.O.V

Pababa ako ng kusina para kumuha ng tubig. Nang maka inom na ako ay bigla 'kong nabitawan ang basong pinag iinuman ko at nabasag. At parang hindi ako mapakali at naisip ko bigla si Rhyles.. Pero dapat ko na siyang kalimutan sabi nga niya titigilan na ako.Pero ba't ang hirap tanggapin na titigil na siya sa pag suyo sakin? Akala ko pamandin hindi siya susuko hanggang sa mapatawad ko siya. Hayy, bahala na nga. Pupulutin ko na sana ang nga bubog pero nadaplisan ako neto at dumugo ang isa 'kong daliri at sakto naman na nag ring ang cellphone ko..

[Riiing...Riiing]

093****** calling..

Huh? Unregisterd number? Sino naman ang tatawag ng ganitong oras? Tsaka parang pamilyar 'tong number na 'to di ko lang matandaan. Sasagutin ko ba o hindi. Sagutin ko na nga baka may kailangan eh.

"Hello? Who's this?"

[Uhmm. Ma'am, Are you Miss Phobe?]

Ano naman kailangan neto?

"Yes, why? Is there something wrong?" Kinakabahan kong tanong..

[Uhm. Miss Phobe. Cellphone po kasi ito ni Mr. Rhyles. Nasa ospital po siya ngayon ako po ay isang nurse dito sa ospital. Ikaw lang po kasi naka lagay sa contacts niya eh, kaya po ikaw ang tinawagan ko. Nabangga po kasi siya ng isa din pong kotse, at mukhang lasing din po si Mr. Rhyles..]

"What?! Kamusta naman siya?! Saang ospital yan?!" Sunod-sunod kong tanong sa nurse? Hala! Baka na paano na si Rhyles! Alam ko dapat akong magalit pero nung narinig ko yung sinabi ng nurse lahat ng galit napalitan ng pag-aalala kay Rhyles.

[Ma'am nasa emergency room parin po siya. Andito po siya sa (insert name of an hostpital)]

In-end call ko na yung tawag at agad agad na dumiretso sa ospital. Pag may nangyaring masama kay Rhyles, hindi ko na alam ang gagawin ko. Rhyles, kahit galit ako sayo hindi parin kita natitiis ikaw na lagi nalang akong sinasaktan. Nakarating na ako ng ospital at tinanong kung nasaan si Rhyles. Dumiretso agad ako sa pinto ng emergency room. Nakikita ko siya sa may salamin na puro sugat. Naupo nalang ako sa may upuan at hindi alam ang gagawin hindi ko namalayang may tumutulo na mainit na likido sa mukha ko. Umiiyak na pala ako.. Tinawagan ko agad sila Renz. Sumagot ka please..

"He-hello? R-renz? *sob"

[Hello. Phobe napatawag ka? Teka umiiyak ka ba? May nangyari ba?] mahahalata mo nag aalala si Renz.

"R-renz, si R-rhyles nandito sa.. ospital. Nabangga *sob daw kasi yung *sob k-kotse niya.." Pinipigilan kong wag umiyak habang nag sasalita..

[Ha?! Hintayin mo kami jaan Phobe. Kumalma ka lang muna jan , kaya yan ni Rhyles. Saan ospital i-text mo nalang sakin kung saan.]

"S-sige *sob" Kailangan kong kumalma. Hindi ako mapakali kaya , pumunta ako sa isang chapel dito sa ospital at nag dasal..

"God, sana po maging maayos na po ang kalagayan ni Rhyles. Alam ko po na malaki ang galit ko sakanya pero kahit ano naman ang gawin hindi ko pa parin siyang kayang tiisin. Susubukan ko po siyang patawarin kahit masakit sakin, basta po. Maging maayos na yung kalagayan niya please. Kahit nakaka sakit lalo na sa pride ko titiisin ko para sa kanya. Sana po talaga maging maayos na siya. Amen." At humagulgol na ako sa pag iyak at naramdaman ko nalang na may kumakap sakin sila Meeyan at Alexa ang mga bestfriend ko. Niyakap ko nalang sila pabalik.. Sana talaga matupad yung hiling ko. Oo, masakit sakin na patawarin siya dahil sa ginawa niya noon. Pero pumasok sa utak ko yung sinabi ni Tymothy na 'Everyone deserve a second chance'.

-----

Pabitin muna haha chos!

Yanna Beh! Thank you talaga ahh!! You're the best bestfriend ever and ever!!

I Love You na talaga! to the infinity and beyond haha ♥ ♥

It's Payback Time!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon