Phobe's P.O.V
Bigla akong pinapunta ni Meeyan sa bahay niya.. kala ko naman kung ano yun pala may party na..
Grabe 11:30pm na tapos ayaw parin niya akong pauwiin pasaway talaga, sabagay di naman uuwi si mama ngayun kaya si Feiro lang yung nasa bahay..
Invited nga pala sila Theodore, Tymothy, Ako, Alexa at syempre si Meeyan, ngayun lang pala nagkakilala tong si Meeyan at Theodore, Oo lagi kaming mag kakasama nila Theodore pero hindi ko naman sya napapakilala kay Meeyan hindi parin pala kilala ni Meeyan si Renz. Wala kase si Renz dito sa party may sakit daw kaya hinayaan nalang namin..
[Ding..Dong]
"May bisita pa?" tanong ko
"Oo, saglit papasukin ko lang" sabi ni Meeyan
Maya maya dumating narin si Meeyan saka yung bisita
"Oh, Rhyles pare! Invited ka pala?!" S-si Rhyles??!!
"Ugok! ikaw nga invited eh, syempre dapat pati ako" sabi ni Rhyles di na ako humarap sa kanya lumusong nalang ako sa swimming pool
"Phobe!, Halika dito oh!" sabi ni Alexis
"Ahm.. wag na! mag s-swimming nalang muna ako" sabi ko at lumangoy na
Nasasaktan parin kase ako lalo na pag andyan si Rhyles kaya iniiwasan ko siya
Maya-maya jumoin narin sila sa swimming pool, Pero di ko parin pinapansin si Rhyles.. Papalapit na sana ako kela Alexis ng biglang may yumakap sakin mula sa likod at alam ko na kung sino siya
"Ano ba! bitawan mo nga ako" sabi ko
"Hindi kita bibitawan.. please Phobe kahit ngayun lang" sabi niya
"Ano ba! Hindi na kita kailangan kaya please lang bitawan mo na ako!" sabi ko
Bigla naman niya ako hinatak papunta sa loob ng mansyon nila Meeyan.. Dinala nya ako sa kusina tas sinandal nya ako sa pader tas bigla nya ako hinalikan ako naman parang naistatwa doon pero hindi ako tumutugon sa halik niya.. naramdaman ko nalang na nakahawak na sya sa bewang ko kaya tinulak ko siya agad
"Ano bang ginagawa mo!" sabi ko sakanya
Pero hindi sya sumagot.. hinalikan nya lang ako ulit sa sobrang inis ko ay tinulak ko sya tas bigla ko syang sinampal
"Wag na wag mo na akong hahawakan or hahalikan ulit!" sabi ko "Lumayo ka na sakin!" dugtong ko at umalis na
Pagdating ko sa garden nakita kong nakatitig sila Meeyan, Umupo nalang ako at saka uminom ng uminom.. Grabe! ang lakas ng loob niya na gawin sakin yon pagtapos ng ginawa niya sakin dati Hmmmppp!!! nakakainis siya!
Pagtingin ko sa orasan ko 12:16 na kaya nagpaalam na ako kila Meeyan na uuwi na ako dala ko naman kase yung kotse ko eh..
"Meeyan pagamit ng banyo mag papalit lang ako" sabi ko
"Bakit aalis ka na?" sabi ni Tymothy
"Oo eh.. gabi na kase" sabi ko
"Sige pagdating mo sa kusina dumiretso ka tas makikita mo na yung CR" sabi ni Meeyan
"Ahh sige thanks" sabi ko tas pumasok na ng mansyon nakasalubong ko naman si Rhyles pero di ko lang siya pinansin
Pagtapos ko mag palit ay nagpaalam na ako
"Byee na guys aalis na ako" sabi ko
"Sige byee Phobe ingat!" sabay sabay nilang sabi.. nakita ko naman si Rhyles na umiinom lang habang nakatingin sakin kaya umalis na ako
Pag dating ko sa bahay nakita ko si Feiro na kumakain ng cupcake
"Hoy! san mo nakuha yan?" sabi ko
"Gumawa kami ni Yanna" sabi niya
"Ayiieepp!! dumadamoves!" sabi ko sabay ngiti sakanya
"Haha.. napaalam ko na nga siya sa kuya niya eh" Haha.. nice one
"Nag paalam ka na liligawan mo si Yanna?" tanong ko
"Yup! at Umoo naman agad yung kuya niya" sabi nya
"Ayos!" sabi ko tas tumabi ako sa kanya
"Simula pala bukas eh gagamitin ko na yung mini cooper ko yung walang bubong" sabi niya wow ha?
"Nice nalinis mo na ba?" tanong ko madumi na kase yung mini cooper nya ehh.. ang astig nga nun ehh color blue sya tas walang bubong haha
"Oo kanina pa!" sabi niya
"Haha.. may cupcake pa bang natira?" tanong ko
"Yup! kaso iisa nalang" sabi niya. Ano?!!! Iisa nalang?
"Ilang cupcake yung nakain mo?" tanong ko, antakaw ahh
"Uhmm.. tatlo!" sabi niya sakin sabay ngiti ng sobrang lapad
"Takaw!" sabi ko
"Buti nga tinirahan pa kita eh!" sabi niya
"Hay nako!" sabi ko tas pumunta na sa kusina
Takaw ng kapatid ko ah!
BINABASA MO ANG
It's Payback Time!! [COMPLETED]
HumorThis is my first story or novel or whatever lol hahaha! So, hello. Nagawa ang It's Payback Time dahil sa Music Video ng I will show you ni Ailee(you can search it if you want to watch it or what pero Korean siya so kung ayaw niyo sa kpop at abnormal...