CHAPTER 17 (Ayoko na)

349 8 2
                                    

Phobe's P.O.V

Arrggg!! ansakit ng ulo ko, siguro dahil nag inom ako kahapon.. naghilamos lang ako tas bumaba na ako nakita ko naman si Feiro na kumakain ng tinapay habang nagte-text at bihis na bihis siya ah san kaya 'to pupunta

"Huy!" sigaw ko sa kanya

"Ay baby!" sigaw nya,aba sino namang baby huh?

"Sinong baby?" tanong ko sa kanya tapos umupo ako sa tabi niya

"Wala ate.." sabi niya

"Asus!, siguro si Yanna yan 'no?" tanong ko

"Hindi ahh.. ate nililigawan ko palang si Yanna kaya imposibleng may tawagan na agad kami" sabi niya

"Eh, sino nga yan" sabi ko

"Wala, nag iisip kase ako ng tawagan namin ni Yanna, tas bigla kong naisip yung 'baby'" sabi niya

"Haha! ikaw ahh, sigurado ka bang sasagutin ka ni Yanna?" tanong ko

"Oo naman! sa gwapo kong 'to?" haha, ang yabang

"Hay, ang yabang mo!" sabi ko

"Haha.. o sige na ate may date pa kami ni Yanna ehh" Aba, dume date na sila

"Hahaha!! ikaw ahh.. sige na mag ingat kayo! Enjoy" sabi ko, kaya pala bihis na bihis sya

"Sige na ate" sabi niya at lumabas na siguro gagamitin na nya yung mini cooper nya

Makalayas na nga lang, Pupunta na muna ako ng mall nandyan naman si baby porche ko ehh


~∞MALL∞~

Haaayy, tatambay muna ako dito sa Sta. Lucia saka bibili narin ako ng mga damit.. Yun lang kase yung lagi kong ginagawa pag ako lang mag isa yung namamasyal

Pumunta muna ako ng Starbucks para bumili ng Strawberry Frappe bumili na rin ako ng isang slice ng chocolate cake tas umupo muna ako sa isang table dun.. After ng Ilang minutes ay naubos ko na yung cake ko pero yung Frappe ko hindi ko pa nakakalahati gusto ko kaseng may iniinom ako habang namamasyal ako kaya hindi ko muna inubos.. Pagtapos ko sa Starbucks ay dumiretso na muna ako dun sa isang bench na malapit dun sa fountain dun muna ako nagpalipas ng oras.. Siguro mga 15 min. akong nandun nung naubos ko yung Frappe ko ay nag shopping na ako

Bumili ako ng mga dress, shoes, jeens, palda, T-shirt, at kung ano-ano pang magustuhan ko

Mejo gabi narin ako natapos mag shopping kaya dumiretso muna ako ng DQ para bumili ng Ice-cream pag tapos nun ay lumakad na ako papunta ng parking ng bigla kong makita si Rhyles na may kayakap na ibang babae.. parang may kumurot sa puso ko ng makita ko silang masaya mukhang 3rd. year Highschool lang yung kayakap niya.. Arrgghh!! nakakainis naman 'tong puso kong 'to kala ko ba nakamove-on na ako kay Rhyles hindi pa pala kase nasasakatan parin ako ngayun habang nakikita ko siyang may kayakap na ibang babae feeling ko magugunaw yung sahig na kinatatayuan ko ngayun..

Grabe hindi ko akalain na pinaasa nya lang ako. Oo umasa ako.. umasa ako na susuyuin nya talaga ako kase kung sususyuin niya talaga ako at  sincere sya dun ay hindi na ako magpapakipot, papatawarin ko na siya kase mahal ko padin siya pero nagkamali pala ako siguro nag sawa na siya or nainip na siya kase lagi nalang niya ako sinusuyo binibigyan niya ako ng bulaklak pero tinatapon ko lang pero kahit ganun ang ginagawa ko ay patuloy parin siya sa pagsuyo sakin kaya nga sabi ko sa sarili ko na baka nga sincere siya talaga sa pag suyo sakin pero ano 'tong nakikita ko ngayun, si Rhyles na sumusuyo sakin araw araw ay may kayakap na babae

Nakatitig lang ako sa kanila ng biglang tumingin si Rhyles sa pwesto ko siguro nahalata niya na nakatingin ako kaya agad niya akong hinabol at tinawag

Tumakbo nalang ako habang umiiyak. Nakita ko palang na tumingin sakin si Rhyles ay hindi ko na mapigilan na mapa iyak lalo pa akong umiyak nung tinawag nya yung panagalan ko at hinabol ako

"Phobe! saglit lang!" sabi niya tas hinawakan niya ako sa braso ko

"Ano nanaman!" sabi ko sa kanya

"Phobe! S----" pinutol ko na yung sinabi niya

"Ano?! mag s-sorry ka ulit?!, hindi pa ba sapat yung nakita ko?!" sabi ko

"Na alin?" tanong niya, manhid ba siya?

"Na may kayakap kang iba, sabi mo sincere ka sa pagsuyo sakin tapos may kayakap ka agad?" sabi ko, naiinis na talaga ako

 "Mali ka ng--" pinutol ko ulit yung sasabihin niya

"Ano mali nanaman ako?!, lagi naman ehh! Please lang Rhyles! Hindi na kita kailangan!" sabi ko at paalis na ng bigla siyang sumigaw

"Mahal kita Phobe!" sigaw niya, kaya napaharap ako sa kanya

"MAHAL?!, kaya pala may kayakap ka?!, please lang Rhyles! layuan mo na ako!!" sigaw ko naiinis na talaga ako

"Phobe! wag naman ganto mag papaliwanag ako!" sabi niya

"Ano ba?!, Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo!! RHYLES!! PLEASE LAYUAN MO NA AKO!! AYOKO NA!!" sigaw ko

Agad agad akong tumakbo papunta sa porche ko at umalis na

Pagdating ko sa bahay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at dumapa binaon ko yung mukha ko sa unan ko kase feeling ko maiiyak ako

Nakakabwisit talaga!!! BAKIT BA KASE DUMATING PA SI RHYLES SA BUHAY KO?! BAKIT KO PA SIYA NAGUSTUHAN AT BAKIT PA AKO NAGPAKATANGA PARA SA KANYA!!

Umayos na ako ng higa tas tumingala ako sa kisame.. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganto Rhyles?!

Oo aaminin ko mahal ko pa si Rhyles.. Mahal na Mahal.. siya kase yung 1st Boyfriend ko siya din yung First Ex ko at siya din ang FIRST LOVE KO 

Kala ko kapag gumanda na ako ay makakamove-on na ako pero hindi pala.. mali pala ako kase hanggang ngayun ay mahal na mahal ko padin si Rhyles siya parin yung nag iisa sa puso ko

Siguro nga kailangan ko ng gumanti.. kailangan ko ng ipamukha sa kanya na sobra nya ako sinaktan kailangan maranasan niya rin lahat ng sakit na naramdaman ko noon!! 

KAILANGAN NIYANG MAGDUSA SA MGA GINAWA NIYA SAKIN NOON!!

It's Payback Time!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon