Chapter 10: Birthday

4K 78 1
                                    

"Gising na! Ipaghanda mo ako ng almusal." Yan ang bulahaw sakin ni Adriel.

"Sige" sabi ko nang pupungas punga pa ang mata. Pinilit ko pa ring ngumiti para sa kanya.

Naalala ko! Birthday ko nga pala ngayon. Kailangan kong magpaalam kay Adriel para payagan niya akong bisitahin sina Nanay, minsan lang naman eh, tsaka miss na miss ko na sila.

Gustong gusto ko nang makita sina Nanay. Apat na taon ko na silang hindi nakikita dahil hindi ako pinapayagan ni Adriel, nagkakatawagan naman kami pero mas maganda pa rin na personal kaming naguusap. Tapos hindi rin sila makabisita sa akin dahil sa sinabi nga na kondisyon ni Adriel.

Agad akong bumangon. Pinaghanda ko siya ng almusal habang siya ay nagaayos ng kanyang sarili. Baka kasi pagalitan niya ako at hindi na payagan.

Nang sandaling matapos ko na ang pagaayos ng almusal niya ay napansin ko na di niya maayos ang necktie niya kaya ako lumapit sa kanya para ayusin ito. "Dapat ganito Adriel" sabi ko habang inaayusan siya. Nakatitig lang siya sa akin at hinayaan niya akong ayusin ang tie niya.

Matapos nun ay pinagpagan ko yung tux siya at napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. Ngayon ko na lang ulit siya natitigan ng ganito. Napatagal ang pagtitigan namin pero agad niya akong itinulak "Tabi!" Bulahaw nito sa akin kapag napapitlag ako.

Pagkaupo niya sa mesa nakatingin lang ako ngayon sa kanya. Sinimulan na niyang kumain kahit hindi niya ako inaalok. "Ano pang tinatanga mo dyan!?" Sigaw niya nang sandaling mapansin niya ako na nakatitig sa kanya.

Humugot ako ng malalim na hininga "Adriel papaalam lang ako na magday off sana kasi birthday ko naman. Magcecelebrate lang ako--"

"Hindi!" Sabi niya kahit hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko.

"Pero—"

"Who cares about your birthday?" Sabi nito at napatigil sa pagkain.

"Adriel naman... Ngayon ko lang kasi makikita sina Nanay."

"Hindi!!!" Bigla siyang tumayo sa dinning area at nagdabog "Yan nawalan na ako ng gana! Bwiset! Dyan ka na nga!"

Umalis siya at inilagabag ang pinto

Hindi daw pwede... Sabi ko na nga. Bakit ba kasi ako sumubok? Alam kong hindi pahahalagahan ni Adriel ang birthday ko. Sino ba ako? Dapat nga palagi niya akong pinaparusahan dahil sa mga ginawa ko sa kanya.

Umupo ako sa upuan at tsaka nagpalaman ng tatlong pandesal para kainin. Matapos nun ay nagligpit na ako at nagayos para sa trabaho.

May iniwan na namang sandamakmak na files dito sa condo si Adriel at syempre dadalhin ko yun.

Lumabas na ako ng condo at sinarado yun. Binigyan kasi ako ng spare key ni Adriel para daw wala kaming pakielaman.

Sumakay na ako sa LRT. Siksikan na naman, rush hour eh.

Sa ilang minuto na byahe at nakarating na ako sa office at dumiretso agad sa cubicle ko. Agad kong inayos ang files dahil ibibigay ko pa iyon kay Adriel.

Nang mapansin ako ni Leanne ay agad niya akong nilapitan "Happy Birthday!" Sabi niya sabay bigay ng regalo sa akin.

Tinaggap ko yun "Salamat Leanne pero hindi na kailangan pa ng ganito" sabi ko sa kanya.

Ito ang unang beses na nay nagbigay ng regalo sa akin, simula nung nagtrabaho ako dito.  "Ano ka ba? Maliit lang yan! Dahil sa iyo ay napagaling ko yung pamangkin ko dahil sa pinautang mo sakin. Salamat talaga"

"Wala yun. Pasensya ka na, wala akong handa ha? Sabi kasi ni Adriel na wag daw akong lalabas" paliwanag ko sa kanya

"Ni boss?" pagtatakang tanong

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon