Chapter 2: Agatha

6K 91 2
                                    

Ngayong araw kami magkikita ni Mam Agatha, pero siguro mamaya pa naman ang dating nun? Baka siguro mga lunch or recess?

"The value of x..."

Yup... Nagkaklase kami ng trigonometry ngayon and guess what, as usual ay wala akong maintindihan. Ang totoo nan kasi hindi naman ako matalino, in fact, Class F ako hehezzz. Sorry naman! Hindi talaga ako binayayaan ni Lord ng katalinuhan. Lahat siguro ng brain cells na dapat ay nasa akin ay nakuha na ng Pilot Section. Ang 'x' na alam ko lang ay yung nasa alphabet, hindi ko alam na may value na pala yun. Dumating lang ako ng mas mataas na level, nagkavalue na yung X? Letse!

Bangag na bangag na ako, please help! Tulungan niyo ako, sana makawala na ako dito please-

"Good morning" halos magtatalon na ako sa tuwa nang sandaling may kumatok sa classroom namin at iyon ay ang Department Officer namin. Buti na lang! Pumapalakpak na ang tenga ko- "May I excuse Miss Christine Santiago?" Ako? Bakit ako?!

Jusko! Bobita na nga ako tapos heto pa? Napatawag pa ako sa office? Mas lalong nalaglag ang panga ko nang sandaling nag-'hala' ang mga kaklase ko. Napatingin din ako kay Esther at tiningnan niya ako na para bang tinatanong sa akin kung anong ginawa ko. Wala naman talaga akong ginawa eh, sa pagkakaalala ko. Inayos ko ang gamit ko at kinuha ang bag ko.

Matapos ang pagiisip kong iyon ay napili ko na lumabas na ng room. Sabay kaming naglakad ni D. O. Gusto ko sanang itanong kung ano bang nagawa ko kaso baka naman magalit pa lalo ito sa akin kaya shut up na lang ako. Minsan mas mabuti talaga na magshut up na lang.

Juice colored! Pilit ko pa rin talagang iniisip kung bakit ako pinatawag ni Sir. Iniisip ko din kung may offense ba akong nagawa? Lagot ako nito kay Nanay at Tatay eh. Nagpapakahirap na nga sila tapos may ginawa na naman akong kapalpakan. Lagot ako nito sa magulang ko talaga. Patay ako...

Baka siguro, bagsak na ako sa Trigonometry o sa Chemistry? Hindi ko pa kasi nakikita ang grade ko at ayaw ko ding makita dahil baka ma-disappoint lang ako, wag na lang.

O kaya naman...

Baka nakita sa CCTV na nagmamake-face ako sa teacher namin sa Chemistry kaya siguro ako pinatawag. Shuta! Sabi ko na nga baga dapat hindi ko ginawa iyon. Pinagalitan niya kasi ako gawa nang hindi ako nakasagot sa blackboard. I mean wala pa naman kasi siyang tinuturong ganun, kaso wala namang naglalakas loob na sabihin sa kanya iyon dahil nga terror siya. Kaya ayun, nagmake-face na lang ako.

Syet kang bata ka.

Nang sandaling makarating kami sa office niya ay binuksan niya ang pinto at pinaupo ako sa visitor's chair na nasa harapan ng lamesa niya.

Siguro mas mabuti pang magmakaawa na ako dito bago pa mahuli ang lahat. "Sir!" Nagulat siya at agad na napaharap sa akin "Patawarin niyo na po ako! Hindi ko naman po sinasadya yung ginawa ko eh. Kung ano man po yun, jusko magagalit po sa akin ang nga magulang ko. Sir! Patawarin niyo na ho ako kung ano man ho ang nagawa ko. Please po! Mataas pa po ang pangarap sa akin ng nga magulang ko sir..." okay naman ang acting ko diba?

I was expecting na papagalitan niya ako pero napatawa lang siya sa mga pinagsasabi ko. May nakakatawa ba dun? "Sir ah-eh may nakakatawa ho ba dun sa mga sinasabi ko?" Tanong ko sabay ayos ko nang upo

"Yes, it's you!" natatawang sabi ni sir

Siguro iba talaga kapag matalino, napapahid na rin. "sir bakit naman po hehe" tanong ko sa kanya

"Wala kang kaso okay?" Paliwanag niya sa akin.

"Eh Sir bakit niyo po ako pinapunta dito? Di ba po kapag napunta dito sa office niyo, ibig sabihin po nun may nagawang kasalanan?" Natatakang tanong ko sa kanya

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon