Chapter 17: Saved

4.3K 74 0
                                    

ADRIEL

Nagising ako ng 9:00 am. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa paginom ko kahapon. Napapadalas na talaga ito tapos ang kalat pa ng bahay. Si Christine kasi ang naglilinis nito para sa akin, ngayon wala na. Mukha na itong basura. Madaming tambak na hugasin sa lababo. "Tin—" oo nga pala wala na si Christine.

Kahit walang kain ay agad na akong nagayos at nagbihis para makapunta na agad sa office.

Nang sandaling makarating ako ng pffice ay nagsimula na ako sa mga gagawin ko. Masakit ang ulo ko pero gumagawa pa rin ako ngayon ng presentation para sa mga Rosales dahil bukas ang dating nila dito.

Sa gitna ng trabaho ko at nay kumatok sa office ko. "Sir?"

"Come in" sabi ko dito at tsaka naman pumasok si Leanne, ang kaibigan ni tintin, naalala ko na naman siya. "Sir pinapatawag na kayo sa meeting" sabi nito sa akin.

Napatigil ako sa paggawa ng presentation at tsaka nakatingin sa kanya. "Wait, anong meeting?" Wala naman akong nakaschedule na meeting ngayon.

"Meeting po with the Rosales"

Halos mawalan na ako ng ulitat dahil sa narinig ko. "WHAT?! BAKIT WALANG NAGSABI SA AKIN?! ASAN NA BA SI--"

"Sir, hindi pa rin po pumasok si Ms. Santiago"

"BAKIT DI SIYA PUMASOK?! I-ilang araw na iyan" kasalanan ko ito lahat. Hindi pa tapos ang presentation na na ipapakita ko sa mga Rosales. Ipapagawa ko sana ito kay Christine kaso wala na siya tapos inintindi ko pa si Aliyah.

Napahawak ako sa sentido ko. Lalong nasakit ang ulo ko. "Sige... impromptu na lang gagawin ko." Sabi ko kay Leanne kaya agad na akong nagayos at nagpunta ng meeting room.

Shuta... nakakainis, nothing is going on my way. Everything just starts to fall apart, simula nung umalis si Christine, unti-unti nang gumuguho ang lahat.

***
CHRISTINE

Hindi ako makapaniwala sa itsura ko ngayon. Bago pa man ako makaalis ng mansyon ng mga Dimaano ay napapatitig ako sa sarili ko. Hindi ako ito.

Mukha talaga akong respetado, hindi lang ako bastang assistant ni Adriel.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako ng kompanya. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

Sa paglalakad ko at naabutan ko si Leanne na para bang ngarag na ngarag. Nang sandaling makita niya ako at agad itong pumunta sa akin. "Tintin, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Leanne "Tsaka ano iyang suot mo? Hindi ito ang madalas mong s-suotin... A-anong meron?"

Hinawakan ko siya at ngumiti. "Huwag kang magalala, malalaman niyo din ang lahat. Ito na ang huling araw ko sa trabaho. Nandito ako para magfile ng resignation form."

"Teka bakit?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "May nangyari ba? Nagaway na naman ba kayo ni Sir Dimaano?"

"Mahabang kwento, pero kailangan ko munang pumunta kay Adriel, teka simula na ba yung meeting ni Sir Dimaano?"

"O-Oo bakit? Tsaka bakit Adriel ang tawag mo—"

"Sasagutin ko lahat mamaya, maiwan muna kita." Iyon ang huling sabi ko at agad na akong dumiretso sa meeting office. Kailangan malaman ng lahat ang totoo, ililigtas ko ang Dimaano Group of Companies.

***
ADRIEL

"By this project.."

"Mr. Dimaano, we don't need your fancy presentation. All we need is the reason why we have to choose you be the partner of the Rosales group of companies?" Sabi ng isang board member na nasa company ng mga Rosales

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon