Chapter 18: The Chase

4.4K 82 0
                                    

CHRISTINE

Sobrang bigat ng ulo ko dahil sa kakaiyak kahapon. Bakit naman kasi kung kailangan aalis na ako ay tsaka naman magkakaganun si Adriel. Paniguradong pugto din ang mga mata ko.

Nagpunta muna ako ng banyo para maghilamos. Mabuti naman at hindi na masyadong halata ang putok ko sa labi pero yung pasa ko dahil sa paghawak ni Adriel sa akin ay naroon pa rin. Paano ako makakauwi nito sa Cavite? Kailangan ko na magingmaayos muna para maayos din akong uuwi sa pamilya ko. Ayokong magalala sila sa akin.

Matapos kong maghilamos ay agad na akong lumabas para maghanda ng almusal pero sa di kalayuan ay may nakikinig akong usapan.

Nang sandaling makita nila ako ay napatigil sila at napatayo. Napaiyak sila nang sandaling makita ako "Nay, tay..."

"Jusko anak!" Takbong takbo si Nanay na lumapit sakin. Agad niya akong niyapos. Hinarap niya ako sa kanya "Anak, anong nangyari sa iyo?!"

Lumapit din samin si Tatay at agad akong niyapos "Kung alam lang namin anak, sana di ka na lang namin iniwan dito. Bakit ka nagsinungaling samin?"

"Anak, sinasaktan ka ng asawa mo. Di mo sinasabi samin" pagpapatuloy pa ni Nanay.

Hindi na rin ako nakapagpigil at tumulo na rin ang mga luha ko. "Pasensya na ho" sabi ko "ayoko ko lang naman po kayong magalala sa akin."

"Kahit na anak!" Sabi ni Nanay at tsaka nito pinunasan ang luha ko. "Mas mahal ka namin kaysa sa kahit anong mga bagay. Dapat sinabi mo sa amin..."

Naramdaman ko na lumapit na din sa amin si Tita Agatha at agad naman itong pinagsalitaan ni Tatay. "Mam Agatha, mawalang galang lang ho pero napakawalanghiya ho ng anak niyo. Akala ko pa naman ho aalagaan niya ang anak ko. Ni hindi nga ho namin siya pinapalapit sa lamok tapos ganyan ho ang nangyari? Parang di ho ata tama yun" paliwanag ni Tatay

"Naintindihan ko ho, kakausapin ko si Adriel. Ako na ho ang humingi ng tawad sa ginawang ito ng anak ko. Kahit ako rin po ay walang kamalay-malay sa mangyayaring ganito. Ako na ho ang humihingi ng despensa. Pasensya na ho talaga kayo sa ginawang kabulastugan ng anak ko."

Sa pagkakatong iyon ay si Nanay naman ang nagsalita kay Tita Agatha. "Mam, iuuwi na rin ho namin yung anak namin. Kahit ho malugi kami, kunin niyo pa ho yung binigay niyo samin. Kahit bayaran namin kayo--"

"Hindi na po Mrs. Santiago, inyo na ho yun. Bayad na po sa panaargrabayado ko sa inyo at sa anak niyo. Pasensya na ho talaga kayo. Tsaka gusto ko rin naman ho talagan kayong tulungan, maniwala kayo." Sagot naman ni Tita  Agatha

Bumaling sa akin si Tatay "Anak, kunin mo na yung mga gamit mo. Uuwi na tayo ng Cavite. Mas mabuti na rin siguro na dun ka na. Tapos na ang trabaho mo dito."

Aalis na talaga ako... pero bakit ayokong umalis? Bakit parang gusto ko pa dito? Tama naman ang desisyon ko di ba?

***
ADRIEL

"Getting wasted again?"

Napatingin ako sa taong kakapasok pa lang ng condo ko. "Gusto mo ba talagang mamatay na? Sabihin mo sa akin at ako na ang papatay sa iyo. May mga kutsilyo naman siguro dito sa inyo."

I can't help but to cry. Ilang araw na rin nung nalaman ko na nakaalis na si Christine papuntang Cavite. Pumunta kasi ako sa bahay nun, umaasa ako na nandun siya pero nabungangaan lang ako ni Mama at sinabi sa akin na wala na daw akong hahabulin at umalis na si Christine papuntang Cavite. Galit na galit daw ang mga magulang nito sa akin.

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon