Chapter 6: Agreement

4K 69 0
                                    

Kagigising ko lang. Jusko puyat na puyat ako dahil sa kakaisip sa offer ni Tita Agatha. Mabuti na lang at sabado ngayon at walang pasok. Panigurado kasi na kapag puyat akong pumasok ngayon ay nakamulagat lang ako sa bawat klase namin ngayon.

Tatanggapin ko ba?

Ito lang ang factors na naiisip ko ngayon;

A.) Pwedeng magalit sakin si Adriel sa gagawin ko
B.) Maaring magkaaway din kami ni Amiel
C.) Maaring maging daan din yun para baka sakaling mahulog sa akin si Adriel
D.) Maaring matulungan ko din si Adriel na magmove on kahit na maghihiwalay din kami sa dulo.

Oo nga pala. Sa loob ng five years maghihiwalay na din naman kami.

Sa gitna ng pagiisip ko ay di ko namalayan na may natawag na pala sa akin. Kaya sinagot ko iyon. "Tita?"

"Hija, pwede ka bang pumunta ngayon sa Cavite? Nandito ako ngayon at kinakausap ang mga magulang mo"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Tita Agatha. Ang bilis naman ata niyang malaman ang bahay namin sa Cavite tsaka ano na kang ang sasabihin sa akin ni Tatay. Ako ang nagiisang anak, malamang at hindi ito papayag na pakasal ako agad. "Ano pong sabi nila?"

"Mas mabuti pang ikaw na lang ang umalam. Huwag kang magalala, hihintayin kita dito."

"Sige po pupunta din ako dyan" matapos nun ay agad kong pinatay ang tawag. Agad akong nagayos at bumayahe papuntang Cavite. Wala din si Esther ngayon dahil may kailangan daw siyang tapusin sa Newsette nila kaya heto ako ngayon magisa sa bahay.

***
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin ako sa Cavite at sa labas ng gate ng bahay namin ay may nakaparadang kotse. Panigurado akong kay Tita Agatha yun.

Pumasok ako sa gate at naabutan ko silang naguusap-usap. "Nay? Tay?" Bigla silang tumayo at lumapit sa akin para yapusin ako

"Kamusta ka na?" Tanong ni nanay
"Miss na miss ka na namin" sabi naman ni tatay.

Gumanti naman ako ng yakap. Hindi kasi ako madalas na uuwi dito dahil sayang ang pamasahe. Tsaka medyo busy din kami ni Esther sa school. "Okay lang po ako, kayo po?"

"Okay lang naman kami anak, upo ka" sabi ni Nanay sa akin kaya umupo ako sa sofa at binati si Tita Agatha. Ngumiti naman siya sa akin

"Anak, di na kami magpapaligoy ligoy pa. Sinabi na sa amin ni Mam Agatha ang offer niya" panimula ni Nanay "ayaw man namin ito pero pumayag kami"

"Huh?" Hindi ko aakalin na ganito ang nagiging desisyon ng mga magulang ko, lalo na si Tatay. Ayaw kasi ni Tatay na magkaroon ako ng kasintahan agad, gusto niya ay pagkatapos pa ng college kaya nakakagulat talaga ang desisyon niya ngayon.

"Anak, pasensya ka na, ayaw naman talaga naming pumayag pero gipit na tayo nahihirapan na rin ang mga negosyo na itinayo namin. Nagaalala kami na kapag di kami pumayag, baka hindi mo maipagpatuloy ang pagaaral mo sa kolehiyo. Hindi namin ito ginawa para isipin mo na ipinamigay ka namin kundi para mas magawa mo pa ang nga bagay na gusto mo. Mas pipiliin ka pa naming ihabilin kay Mam Agatha dahil alam kong di ka niya pababayaan sa pagaaral mo. Limang taon lang naman eh" Paliwanang naman ni Tatay. "Alam kong masyado pang maaga pero mas gusto ko na magandang buhay ang maabot mo kesa naman pairalin ko pa itong kagustuhan ko na wag ka munang magkaroon ng kasintahan bago ang kolehiyo."

"Nangako din ako sa kanila hija na tutulungan ko sila sa negosyo nila" sabi naman ni Tita Agatha

Mukhang wala na talaga akong magagawa. Hindi ko din naman sila masisisi dahil alam kong hindi ko man lang maibalik ang mga sakripisyo na ibinibigay ng mga magulang ko sa akin. Hindi kasi ako matalino. Wala din akong patutunguhan.

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon