Chapter 15: Comfort

4K 85 2
                                    

CHRISTINE

Yan napagalitan na naman ako ni Esther kahapon. Halos araw-araw na lang akong may sermon mula sa kanya.

Nalaman kasi niya ang ginagawa sa akin ni Adriel, lalo na ang mga pananakit nito. She wanted to tell this to my parents pero ako na ang pumigil, mas lalong hindi makakatulong kasi iyon.

Nandito ako sa office ko ngayon para gawin ang nga inuutos sa akin ni Adriel. Hindi nagtagal ay bigla na lang may tumawag sa telephone line ko.  Sinagot ko yung tawag "Good day, this is Dimaano's Group of Companies, how may I help you?"

"May I talk to Mr. Dimaano?" Sagot naman nito.

"Who is speaking?"

"I'm the secretary of the Rosales"

Nako! Tumawag na ang nga Rosales, paano na ito? "Ok, but then Mr. Dimaano was on his lunch. May I know your message? I will just tell him later"

"I will just remind him about the meeting the next day. Mr. Rosales is really looking forward for the partnership."

Muli kong naalala ang nga documents na sinend sa amin. Mukha talagang nay problema dito. "Ah-yes, I will tell him later"

"Thank you"

"Yes, you're welcome" matapos nun ay binaba ko yung telepono. Alam na kaya ni Adriel yung sa files? Pero kung alam na niya bakit niya pa ipupushthrough ang partnership? Baka lalong malugi ang kompanya nito.

Napatingin ako sa orasan ko. 1:00 na pala, for sure, tapos na kumain si Adriel. Baka mas magandang puntahan ko na siya ngayon kaya naman agad akong pumunta sa office niya

Kumatok ako ng ilang beses pero walang nasagot. Bakit kaya? Bukas na naman ang ilaw, baka nandito na siya, hindi niya lang ako rinig kaya dahan-dahan akong pumasok sa loob at halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko ngayon.

It was Aliyah and Adriel, making out.

Nabagsak ang notebook na dala ko na naging dahilan para tumigil sila sa ginagawa nila. "Tintin?" Pakokonsensyang tanong ni aliyah. Sabay napatayo siya ng ayos. Konsensya ba talaga iyon?

Hindi na ako nakapagpigil. Agad na sinugod ko at sinampal si aliyah

"Santiago!" sigaw ni Adriel. Hindi na nagustuhan ang ginawa ko. Kaya hinawakan niya agad ako sa braso. "tama na yan!"

"Aliyah, maawa ka naman sa akin! Isang taon na lang, isang taon na lang please ibigay mo na lang sakin yun. Mahirap ba yun? Pagkatapos na pagkatapos ng isang taon ay maghihiwalay na kami. Ilang taon na akong nagdudusa na sana yung atensyon niya eh dapat na nasa sakin. Please Aliyah—"

I cannot believe na darating ako sa punto kung saan kailangan ko pang magmakaawa sa kabit ni Adriel para iwan lang niya ang asawa ko. Pero ang mas nakakamanhid ay ang muling paglapat ng mga kamay ni Adriel sa mukha ko. Sinampal na naman niya ako.

Kahit si Aliyah, nagulat din siya at nanlaki ang mata dahil sa nakita. Hindi siya siguro makapaniwala na ganun na lang ang inaabot ko sa asawa ko. "Adriel!" Sigaw ni Aliyah "Tara na!" Akmang hihigitn na siya ni Aliyah papalayo pero nagpumigil ito.

"Di ba ang sabi ko sa iyo hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin?!" Sabi sa akin ni Adriel. "Stop dreaming like a fool! Wake up!" Sigaw nito sa akin bago niya higitinnang tuluyan si Aliyah papalabas ng office niya.

Habang ako naman ay tigatal na nandun. Wala na akong nagawa kung hindi ang humagulgol ng malakas. Buti na lang at soundproof itong office niya kaya di kami naririnig ng mga tao sa labas.

Ang sakit Adriel, malapit na. Malapit na at mauupos na ako.

***
Napili ko muna na umuwi at hindi na muna magpakita sa office. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko kung kaya't umuwi na muna ako.

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon